xxv

175 5 0
                                    

Donny's POV

Pagkatapos ng klase ko ay pinuntahan ko si Sari sa classroom niya. Mabuti nalang at naabutan ko pa siya na nagliligpit ang kanyang mga gamit. Ng makita ako ng mga kaibigan niya at kaklase ay nakita ko na kinalabit nila si Sari at tumuro sa direksyon kung saan ako nakatayo.

Nginitian ko siya pero sumimangot siya ng makita ako. Narinig ko naman na tinutukso siya ng kanyang mga kaklase pati na ng kanyang mga kaibigan. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi ngumiti.

Pagkalabas niya ay nilagpasan niya ako at dire-diretsong naglakad hanggang sa hinila siya ng kanyang mga kaibigan.

"Ano ka ba? Hintayin mo naman jowa mo besh!" Malakas na sabi ni Janine at tinulak si Sari palapit saakin.

"Bye! Ingatan mo ah." Sabi naman ni Nikka at sabay nilang tinulak si Sari sa akin dahilan para mahulog niya ang kanyang mga dinadala.

Napatingin ako sakanya ng sabay kaming napaupo para pulutin ang kanyang mga libro. Dahil sa kakatingin ko sakanya ay 'di ko namalayan na nakahawak pala ako sa kamay niya.

"Ay! Sorry.." Tinaasan niya lang ako ng kilay at tumayo din. Tatalikod na sana siya ng pinigilan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. Natawa nalang ako sa ekspresyon niyang 'di makapaniwala. "Tara na?"

Mahigpit na nakahawak ang kaliwang kamay ko sa kamay niya habang ang kanang kamay ko naman ang nagdadala sa kanyang mga libro. Kahit alam ko na maramingvtao ay hindi ako nahihiya. Bakit mo naman ikakahiya ang taong mahal mo, diba?

Ng makaabot kami sa parking lot ay tsaka ko lang siya binitawan para pagbuksan ng pinto. Pero imbes na pumasok ay tumayo lang siya hanggang sa tanungin ko siya kung anong problema.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo kanin. Sobrang nakakahiya baka isipin nila na jowa kita." Base sa tono ng boses niya masasabi ko na inis na siya.

"Bakit hindi ba? Kaya pumasok ka na. Ihahatid kita sainyo." Sabi ko at jinila siya at pinapasok sa kotse. Yumuko ako at ipinasok ang ulo ko sa loob pero tinulak naman niya ako. Buti nalang talaga nakahawak ako.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Anong ginagawa mo? B-bakit ang lapit mo sakin?" Kahit medyo madilim kita ko parin ang mukha niya na nakakunot ang noo.

"Teka nga lang, isusuot ko lang sa'yo yung seatbelt mo." Sabi ko at pagkatapos ay sinara din ang pinto.

Nang nasa tinutuluyang-bahay na niya kami ay sinipatan nya ako at tuloy-tuloy na pumasok sa gate at pinagsarhan ako. Bakit ba galit siya sakin?

Napakamot nalang ako ng ulo na bumalik sa kotse ko. Bago ko pinaandar ang sasakyan ay may napansin ako sa side mirror. Sunod-sunod na lumabas ang mga lalaki sa kanioang sinasakyang maitim na kotse. Para silang may hinahanap at ng makita ko ang isa sa kanila ay bigla akong kinabahan. Nàmumukhaan ko ang isa sa kanila dahil ito yung tao na nakaaway namin ni Ricci ng tinangka nitong kunin si Sari.

Kinuha ko ang phone ko at denial ang phone ni Sari. Naka-ilang ring din ako bago pa niya sagutin ang tawag.

"Hello? Ano ba ang pakay mo? Kung may gusto ka naman palang sabihin kanina pa sana sinabi mo nalang bago ako pumasok. Hindi 'tong tawag ka ng tawag."

"Tsk, wait lang ah. Hindi pa nga ako nakapagsalita e, daldal nito.."

"Aba! Hoy!—"

"Ssh, quiet. Makinig ka na nga muna saakin. H'wag kang lalabas ah, nasa loob ba ng bahay ang landlady n'yo?"

"Nasa palengke si Ate. Bakit ba?"

"D'yan ka lang, okay? 'Wag kang lalabas. May daan ba sa likod ng bahay? Doon ka lumabas at aalis tayo."

Binaba ko na ang tawag at pumarada sa lugar na malayo at 'di kita ng mga lalaki. Sinunod naman ako ni Sari at hinila siya paalis ng bahay. Naguguluhan itong pumasok ulit sa kotse pero wala na siyang magagawa dahil nagmamaneho na ako. Tinext ko si Ricci na nasa harap ng boarding house nila ni Sari ang mga nakaaway namin noong mga nakaraang buwan. Sinabi ko na sa bahay ko nalang kami magkikita at bubugbugin ko siya kung hindi niya sasabihin saakin kung anong dahilan ng mga lalaki na 'yon at gusto nilang kunin si Sari.

Third Person's POV

Matapos ang meeting ng Presidente ay lumabas na ito ng hall. Agad naman siya sinalubong ni Mr. Abad at inabot nito ang telepono kung saan nasa kabilang linya ang imbestigador na kanyang kinuha para tumulong sa paghahanap ng kanyang anak.

Hindi ito alam ng asawa ng Presidente sapagkat hindi nito gusto ang anak niya sa una nitong naging kasintahan. Naging sikreto nalang ang paghahanap sa kanyang anak at ang tanging nakakaalam nito ay siya at si Mr. Abad na kanyang secretary.

"Alam na nila kung saan nilagay ng asawa ko ang anak kong si Sharlene." Bulong ng Presidente ng iabot niya ang telepono pabalik kay Mr. Abad. Gulat naman ang kanyang secretary at nakangiting tumango sa Presidente bago pa sila nagpatuloy sa paglalakad. Parang nabuhayan ng loob ang dalawa dahil sa tagal ng panahon na kanilang ginugol sa paghahanap ay sa wakas makikita na muli ng Presidente ang kanyang bunso.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon