xix

247 9 0
                                    

Third Person's POV

Magkatabi sa mesa ang magkapatid na sister Criselda at Sarita habang sa tapat nila ay ang dalawang binata na sina Ricci at Donny. Tahimik lang silang kumakain ng dumating ang landlady ng inuupahan nila Ricci at Sari.

"Magandang umaga po," Bati ni Sari. Tumayo si sister Criselda at binati si Manang Rosa.

"Oh, may kanin pa dito. Kain lang ng kain ah," Maligayang saad ni Manang Rosa at pinaghandaan sila ng maiinom.

"Salamat ho," Sabi ni sister Criselda.

"Oo nga pala. May sulat na dumating kanina. Sa tingin ko para sa'yo yun, Ricci." Napatingin ang tatlo sa ninata na halatang nabigla din sa sinabi ni Manang Rosa.

"Ano pong sulat?" Tanon nito.

"Teka lang ah, iiwanan ko muna 'to dito." Inilagay na muna ni Manang ang kutsara sa platito at iniwan ang tinitimplang juice. "Teka kang, kukunin ko muna sa ibabaw ng tv."

Nagkatinginan si sister Criselda at Ricci pati si Donny ay may napapansin na sa dalawa. 'Di niya tuloy maiwasang 'di isipin ang mga nangyari sa nakaraan.

Ang kanyang kakilala na isang madre na ngayon ay umibig sa isang lalaki noon. Ngayong nagkita ulit sila, posible kayang manumbalik ang dating pag-ibig na noon ay kanyang naramdaman sa piling niya?

"Ito o," Sabay abot ni Manang Rosa kay Ricci ang sobre.

"Kay Kisses pala 'to," Tila natigilan ang binata na katabi ni Ricci. "Invited tayo sa party niya. Sari, sama ka?"

Rinig ni Donny sa tanong ni Ricci kay Sari. Simula ng marinig nito na kay Kisses pala galing ag sulat ay hindi na inalis ni Donny ang kanyang tingin kay Sari.

Gusto niya si Sari noon pa at wala na siyang balak na mawala ulit sakanya ang babaeng pinakamamahal niya. Kahit na... hindi siya mahal nito at kung sakaling hindi talaga sila ang itinadhana. Gagawin niya parin ang lahat maipadama lang niya na tunay at dalisay ang kanyang pagmamahal sa dalaga.

"Ikaw nalang siguro," Matamlay na sabi ni Sarita kaya napatingin sakanya ang kanyang nakatatandang kapatid.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo." Tanong ni sister Criselda. Nginitian lang siya ni Sarita at tumayo ang dalaga. "Pagod ako, sa kwarto nalang siguro muna ako."

Narinig ni Sari ang pag-uusap ng kayang kapatid at ni Ricci kanina.

"Hindi mo naman siya tunay na kapatid?"

Kanina pa napapaisip si Sari kung gaano b talaga kalapit si Ricci sa kanila para malaman ang mga bagay na 'yon?

Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya ng maramdaman niyang parang may mali. May hindi siya nalalaman. Pakiramdam tuloy niya na may tinatago ang mga taong nakapalibot sakanya.

At yun ay gusto niyang malaman sa lalong madaling panahon.

Criselda's POV

"Pasensya na pero hindi ako pwedeng mag-desisyun para sa kapatid ko," Sagot kk kay Ricci ng makiusap ito na isama si Sarita sa party ng kanyag kaibigan. "Lalo na ngayon na masama ang kanyang pakiramdam.,"

Nang tumayo si Donny para sagutin ang tawag sa kanyang cellphone ay tumayo na rin ako. Ayaw kong maiwan sa mesa na si Ricci lang ang kasama.

Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang sabihin na hindi ko tunay na kapatid si Sari. Sa mga sandaling 'yon kinabahan ako na baka may nakarinig sakanya, sa pag-uusap namin.

"Criselda," Habang hinugasan ko ang ginamit kong plato ay naramdaman ko ang paghawak ni Ricci sa aking balikat na siyang nagpagulat sakin.

"Ano bang ginagawa mo?" Kinakabahan kong sabi kay Ricci.

"Criselda, pasensya na. Hindi ko naman sinasadya na sabihin 'yon," Sabi nito.

"Kahit na, dapat inisip mo muna na nasa bahay tayo na nay ibang mga tao. Nandito si Sari, paano kung narinug niya tayo? Kaya mo ba natin na sabihin sakanya ang lahat? Na ipatindi sakanya ang mga nangyari? Ricci," Akmang hahawakan nito ang aking mga kamay ng iniwas ko agad ito.

"Criselda, please..." Nahawakan nito ang aking kanang kamay at hinila ako papalapit sakanya.

"Ricci, bitawan mo 'ko." Diin kong sabi sakanya at nagpupumiglas sa yakap niya.

"Criselda, kahit ngayon lang." Pagmamakaawa nitong sabi.

"Bitawan mo 'ko sabi. Ricci, baka may makakita satin." Sabi ko pero masyadong siyang malakas para ako'y makawala.

"Moss na miss na kita," Naghalo ang kaba at ang aking nararamdaman kay Ricci. "Miss na miss na kita, walang araw na hindi kita naiisip. Walang araw na hindi ko hiniling na hindi ka kasama.."

Naramdaman ko ang pagsikip ng yakap niya. Nanaig ang aking nararamdaman sa lalaking yakap ako ngayon.

"Araw-araw pinagdadasal kita, araw-araw pinagdadasal ko na sana matapos na 'to para makasama na kita. Araw-araw hinihiling ko na sana dumating na yung panahon na mayakap kita ng ganito kahigpit," Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Niyakap ko si Ricci at hindi muna inisip ang mga ibang bagay.

Mahal na mahal ko siya pero hindi ko rin dapat na hayaan ang pamilya ko na importante din sakin. Handa naman ako isuko ang lahat pero paano ang mga tao na nasasangkot na sa gulong 'to.

"..araw-araw," Pansin ko ang kanyang boses na parang naiiyak. "araw-araw minamahal kita ng buong-buo,"

Kumalas ito sa pagkakayakap at tiningnan ako sa mata bago pa idampi ang kanyang mainit na labi sa aking noo.

"Mahal kita, Michelle." Sabi niya ng buong puso at hinalikan ako sa labi.

Sari's POV

Hindi ko alam kung bakit tumulo ang aking nga luha sa aking nakita. Hindi ko akam kung bakit ako  nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Dapat nga hindi ako umiyak pero bakit masakit? At ang gulo. Bakit niya hinalikan ang kapatid ko? May relasyon ba silang dalawa? Paano, e, madre ang kapatid ko.

Bakit ang dami kong hindi nalalaman? Ano ba ang ibig sabihin nito.

"Sari," Pinahiran ko ang aking mga luha ng marinig kong may tumawag sa aking pangalan.

Napahawak ako sa aking dibdib para mawala ang aking nararamdaman, para maitago muna ang aking nagasgasan na puso.

Pero imbes na ngumiti ay tumulo ang aking mga kuha ng makita si Donny. Kahit na anong gawin kong pagpigil ay mas lalong dumadaloy ang mga 'to na para bang ilog na hindi kayang pigilan ng kahit na sino man.

Ang sakit-sakit na makitang may mahal ang taong mahal na mahal mo.

"Donny," Nang hindi ko na makita ang mukha nito dahil sa dami ng tubig na namumuo sa aking mata ay naramdaman ko ang isang mainit na yakap.

Napayakap ako sakanya ng marandaman ko na parang hindi ko kaya ang sakit.

"Sari, sshh." Kahit na anong gawing pagtahan saakin ni Donny ay maa lalonh dumidiin sa aking puso ang sakit. "Sari, iiyak mo kang 'yan."

Napapikit nakang ako sa sinabing 'yon ni Donny at hinayaan ang aking sarili na damhin ang bawat sakit.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon