xxi

198 6 0
                                    

Third Person's POV

Dalawang araw na wala si Donny at Sari sa school. Hinahanap na ang dalawa ng mga kaibigan nila. Ang kaibigan ni Sari na si Nikka at Janine at lubusan na ang pag-aalala kung nasaan nagpunta ang dalaga. Si Ricci naman ay wala ding alam kung nasaan ang dalawa. Si Kisses ay naiinis na sa pinagagawa ni Donny. Nararamdaman na kasi niya na parang iniiwasan siya ng binata.

Ang mga taong walang kaalam-alam sa kung nasaan ang dalawa ay labis ang pag-aalala. Habang ang sina Donny at Sari ay masayang nagsasama.

Ayaw pa kasi na umuwi ni Sari kaya pinaki-usapan niya si Donny na mag-roadtrip.

Sa dalawang araw na pagliban sa klase ay ang dami na nilang napuntahan at nakasalamuha.

"Saan mo pa gustong pumunta, Sari?" Masayang tanong ni Donny habang nagmamaneho. Kahit naman na pagod na siya dahil sa isang gabi na pagda-drive ay hindi parin niya mapigilan na hindi ngumiti.

Kasama niya ngayon ang babaeng nagpapasaya sakanya. Babaeng gustong-gusto niya noon pa. At ang tagal na niyang pinangarap 'to, ang makasama si Sarita.

"Hindi ko alam," Nakangiting sabi ni Sari. "Ikaw ba? Saan mo gustong pumunta?"

May naisip agad si Donny na gusto niyang puntahan kaso nahihiya siya na sabihin ito kay Sari kasi baka mainis naman 'to sakanya.

"Wala," Kinikilig niyang sabi. Pilit niyang pinipigilan ang kanyang mga ngiti dahil sa kanyang naiisip. Narinig ni Sari ang pagbuntong-hininga ni Donny kaya napatingin ang siya sa binata.

"Saan ba kasi?" Malambing na pagkatanong ni Sari na mas lalong nagpakikig kay Donny.

Hindi alam ng dalaga na may nararamdaman talaga si Donny sakanya, noon pa. Pabiro na nasabi na ng binata ang tungkol dito pero sa pamamagitan ng isang biro. Jokes are half meant, ika nga.

Nagulat ang lahat ng makita nila ang magkasamang si Donny at Sari na naglalakad sa loob ng university. Tinawanan lang dalawa ito at masayang kumakain sa loob ng foodcourt. Natigil lang naman ang masayang pag-uusap nila ng dumating si Kisses na halatang inis na inis. Tiningnan ni Donny si Sari at nagpaalam na mag-uusap lang sila saglit ni Kisses. 'Di rin nagtagal ay dumating si Ricci na walang kaemosyon-emosyon na umupo sa kaninang inuupuan ni Donny.

Napalunok si Sari sa mga tingin ng binata sakanya. Siguro galit din ito dahil sa umalis siya ng walang paalam at hindi nagparamdam ng dalawang araw.

Nang maramdaman ni Sari na magsasalita na si Ricci ay napapikit siya at pi akiusapan ang binata na magsasalita muna siya para sabihin ang kanyang panig.

"Teka lang," Naalala bigla ni Sari ang nakita niya ng araw na 'yun. At pakiramdam niya ay unti-unti na naman siyang pinapatay ng eksenang 'yun.

"Sorry," Yun lang ang nasabi niya sa harap ng binata dahil sa umurong na naman ang kanyang dila. Ganun nalang ang pagkalito ni Ricci ng makita niyang tumayo si Sari at nagmamadaling tumakbo palabas ng foodcourt.

Criselda/ Michelle's POV

Hindi ko na alam ang aking gagawin? Ni hindi man lang tumawag saakin si Sarita. Ano na ang gagawin ko 'pag may nangyaring masama sakanya? Baka sabihin ni Inay na hindi ko binabantayan ang aking kapatid.

Tumayo muna ako para lumabas at magtungo sa simbahan ng may mamataan akong dalawang utim na kotse na kakaparada lang sa labas ng gate. Napahinto ako't tiningnan ang mga lalaking isa-isang lumabas ng dalawang kotse.

Humakbang naman ako papalapit sa gate ng makita kong nakatingin sa lugar namin ang mga ito.

"Mawalang galang na po, Sister. Dito po ba nakatira si Sar–" Kunot-noo akong lumapit pa ng konti sa nagsasalita ng hindi ko marinig ang kanyang binibigkas.

"Sino po ang kailangan nila?" Tanong ko at nakadungaw lang sa labas kung nasaan ang mga estranghero habang nakasarado parin ang gate.

"Uh, si Sari. Sarita. May kilala po ba kayong ganun ang pangalan?" Sa isang sandali ay nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi kaya sila ang mga naghahanap sa aking kapatid?

"U–uh, paumahin na– pero wala akong kilala–ng S-sarita.." Iniwas ko ang aking tingin at nagbalak ng umalis. "Uh, kailangan ko ng u-malis.. magro-rosaryo pa kami,"

Wala naman akong narinig pa na salita mula sa kanila ng tumalikod na ako't naglakad papasok ng kumbento. Napahawak ako sa aking dibdib ng makita ko ang tao na nasa loob ng kotse. Hindi 'to maaari. Malalagay sa panganib ang kapatid ko 'pag nalaman nila kung saan 'to nakatira. Hindi, hindi pwede. Kailangan kong itago siya sa kanila.

Kailangan naming magtago.

Nagpaalam muna ako kina sister at sinabing pupuntahan ko si Sari sa kanyang paaralan. Hindi alam nila sister ang totoo, walang may alam kundi ako at si Ricci lang. Bago pa man ako makalabas ay gumamit muna ako ng telepono para tawagan si Donny. Kailangan ko siyang makausap ngayon din. Pero ilang subok na ako sa pagtawag sa kanya ay wala paring sumasagot. Magkasama kaya sila ngayon ng kapatid ko?

Sarita's POV

Alas singko-imedya na ng hapon at nandito ako ngayon sa school clinic. Kinukulit kasi ako ni Donny na ipatingin ang aking sugat. Ano ba kasi ang nangyayari sa buhay ko at palagi nlang akong nasasangkot sa gulo at nasusugatan?

Ang sakit na nga ng sugat ko sa puso e.

"Hatid na kita sainyo." Rinig kong sabi n'ya ng pumasok siya sa pinto. Tiningnan ko lang siya at napatingin na lamang kami sa pintuan ng pnumukas ito.

"Anong gingawa mo dito?" Pumagitna na ako sa kanilang dalawa ng magsimula silang magsukatan ng tingin. Gusto ko sanang pagbatiin silang dalawa kaso parang lumalala lang ang sitwasyon sa tuwing sinusubukan ko.

"Itigil n'yo na nga 'yan. Ricci," Hinarap ko ang lalaking nasa aking kaliwa. "Ang sakit nun ah."

"Walangya ka. Ang sarap mong ibalibag alam mo 'yon? Ginawa mo pa talaga 'yon sa inuupahan ko. Ah– inuupahan pala nating dalawa, gago 'to. Hindi mo bo naisip na baka may makakita at masaktan? Nakakainis ka—" Tinulak ko s'ya palabas ng clinic habang si Donny naman ay inaawat ako. Akala ko ba galit s'ya kay Ricci. Bakit 'di n'ya nalang ako hayaan na gulpihin ang lalaking 'to?

"Tama na!" Napayuko nalang ako ng sumigaw na si Donny at sinenyasan si Ricci na umalis na muna. Sinunod naman s'ya nito at bago umalis ay tiningnan n'ya ako kaya umiwas agad ako't bumalik sa loob ng clinic.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon