xiii

308 10 0
                                    

Donny's POV

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masaya ako dahil naalala na niya. Kinakabahan, dahil darating ang araw na magtatanong siya. Pero mas nanaig yung lungkot.

Lungkot dahil -

-hindi niya ako naalala. At sakit dahil ang taong hindi mo kayang limutin ay kinalimutan ka na. Ni hindi man lang siya lumingon sa kinatatayuan ko ng mga oras na yun.

Siguro nga wala lang talaga ako sakanya.

Ilang araw na ang lumipas simula noong nagpunta ako sa bagong tinutuluyan ni Sari ay hindi ko na siya masyadong nakakasalubong sa daan at kung makikita ko man siya ay kasama naman niya si Ricci.

Hindi niya ba ako hinanap man lang?

Bakit naman niya ako hahanapin e, ayaw naman niya saakin.

I looked at my phone kasi tumunog ito. Nasa park ako ng school and kokonti lang ang mga estudyante rito sa mga oras na 'to.

Napatingin ako sa bracelet na suot ko. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng maalala ang taong nagbigay saakin nito. Sarita.

Inilipat ko ang tingin mula sa bracelet patungo sa hawak ko ng cellphone. It's ...Dad.

Bakit niya ako tatawagan? Anong kailangan niya at naisipan niya akong kausapin?

Ilang taon akong naghintay sakanya at ngayon lang siya nagka-oras. Ganun ba?

"Donny." Napalingon ako ng may tumawag saakin.

"Tito.." Hindi ko alam kung narinig ba niya ako sa hina ng aking boses.

Hinay-hinay siyang naglakad patungo saakin at tumabi sa inuupuan ko.

"Kamusta ka, hijo?" Tito Crisanto ang palaging nandyan kapag kinakailangan ko siya. Kahit na hindi ko siya tawagan ay siya na ang kusang tumatawag saakin. Noong mga araw na bumalik ako dito sa Maynila, inasikaso niya ako kasi ang Mama at Papa ko ay abala na sa kani-kanilang mga trabaho.

Pakiramdam ko nga noon ay hindi na ako kailangan ng mga magulang ko. Natanong ko sa sarili ko kung, ako pa ba ang kumukumpleto sa buhay at ng pamilyang meron ako.

"Mabuti naman po." Inakbayan niya ako kaya napatingin ako sakanya.

"Ang pag-aaral mo?" Dagdag niyang tanong at tumango lamang ako.

"Pagbutihan mo yan, hijo. Sigurado akong magiging proud sa iyo ang daddy mo." Nakangiting sabi ni Tito saakin.

"Ewan ko nalang kung magagawa ba niya yan. Hindi naman niya siguro mapapansin kung may naabot ba ako o wala." Hindi na nagsalita pa si Tito ng matapos kong sabihin iyon. Siguro ay nakikiramdam na lang din siya sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon na pinag-uusapan namin ang aking ama.

"Ah, bakit po ba kayo naparito?" Si tito Crisanto ay ang namamahala sa ibang negosyo ng Pangilinan. Aside from some schools ay may resorts din na siya ang nagpapatakbo. Kaya minsan napapa-isip nalang ako kung bakit kailangan pa na magpatayo ng ibang business o sumali sa larangan ng pulitika ang tatay ko kung meron naman kaming sapat na mga negosyo. Hindi lang pala sapat kundi sobra.

"I need to tell you something, hijo.." Mas lalong sumeryoso ang tingin saakin ni tito Crisanto.

Ricci's POV

Nandito ako ngayon sa gym ng Don Santiago. Kakatapos lang namin mag-ensayo para sa darating na university intramurals.

Nakita ko kaagad si Sari na nakaupong naghihintay sa bleachers. Hindi ko mapigilan ang saya ng maalala niya ako.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon