xiv

288 8 0
                                    

Sari's POV

Halos mawalan na ako ng pag-asa at lamunin ng takot ng unti-unting lumapit sa amin ang isa sa mga lalaki dala ang kutsilyo nito. Ang kanyang itsura na tila ba hindi na mababago ang kanyang isip sa gagawing kasalanan. Ang duguan nitong mukha na hindi natatabunan ang nanlilisik nitong mga mata ay siyang dahilan ng aking panghihina at napaupo na lamang sa tabi ni Ricci. Ang pangyayari ay napaka-bilis na para bang lumuwa at humiwalay na saakin ang aking kaluluwa ng mamataaan kong may biglang humarang sa amin at tuluyang napa-iyak ng malaman kong ito ang nasaksak ng armadong lalaki.

"D-donny..?" Napagapang ako sa kinaroroonan niya na katabi lang ng nawalan ng malay na si Ricci. "Donny..." Hawak nito ang tagiliran na nagdudurugo.

"S-sari," Mas lalong napahagulhol ako ng iyak ng makita siyang hirap na hirap sa pagsasalita. "Hn– a-ay..os k-ka lan...?"

"Donny..." Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi ang pangalan niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong makitang tao sa paligid na pwedeng tumulong saamin.

Kasabay ng pag-agos ng aking luha ay ang mga katanungan na may halong emosyon na patuloy na nagpaikot-ikot sa aking isipan.

Bakit nangyari 'to? Bakit kailangang mangyari 'to saamin? Anong kailangan nila at ganito ang kanilang ginawa sa mga kaibigan ko?

Sa bawat patak ng aking luha ay ang isa-isang pagpasok ng mga imahe sa aking isipan. Nakakaramdam na ako ng hilo sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring yon.

/ Nakita kong tumatakbo si Ricci kaya naisipan kong sundan siya. Habang dala-dala ang bracelet na kagabi ko pa lang ginawa ay ang mapaglarong tanong na ngayo'y nasa aking isipan. At yun ay ang kung magugustuhan ba niya ang ginawa ko para sakanya.

Halos mapaos na ako sa kakasigaw ng pangalan niya pero para bang hindi niya ako naririnig.

"Ricci! Hintay!" Sigaw ko sa kaibigang nasa aking unahan. Nilakihan ko ang aking mga hakbang para makasunod at hindi makalayo sakanya.

"Hoy! Saan ka ba pupunta? Hintayin mo 'ko." Sabi ko habang hinahabol ang aking paghinga. Matangkad si Ricci kaya ganun nalang kalaki ang kanyang mga hakbang at mabilis din itong tumakbo.

Napahinto na lamang ako ng may tumawag saakin. Paglingon ko ay nakita ko si Donny sa aking likuran. Napahinto din ito at nakapamewang na nakatingin saakin habang hinahabol ang hininga.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon