viii

411 14 5
                                    

"Wala yung prof n'yo." Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa pagmamaneho.

"Alam mo?" Pinakaba niya ako kanina tapos wala naman pala talaga akong klase?

"Oo, ipapaalam sana kita na hindi ka makakapasok dahil kasama kita. Pero sabi ni Sir Cruz na nag-leave si Professor Ramirez."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Kalmado kong tanong sakanya kahit na patungo na sa pagkakadismaya ang nararamdaman ko.

"Wala lang." Ano bang gusto ng lalaking to at hilig niya akong pagtripan.

"Hah! Nakakainis ah!" Yun lang ang sinabi ko't nakabusangot na tumingin sa labas.

May araw ka din sa akin Donny! Magsaya ka ngayon dahil sa susunod na mga araw iiyak ka na!

"Gusto lang kitang lambingin." Napaharap ako sa kanya. Lambing ba tawag dun? Ibang klaseng lambing yun.

"Seryoso? Pinapahirapan at inaasar mo 'ko kanina, e. Iba na pala depenisyon ng lambing ngayon. Anong diksyunaryo yang hawak mo't babasahin ko para maintindihan ko naman yang mga kilos mo." Segundo ng katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa.

"Kung ang depenisyon ng lambing ay yang nasa isipan mo. Papayag ka kaya na gawin ko yun?" Sabi niya.

"Ayoko. Malapit ba tayo sa isa't-isa?" Tanong ko naman sakanya.

Kahit na hindi ako nakatingin sakanya ay alam ko nakangiti ito ngayon.

"Para sa'yo hindi. Pero para sa akin.... Oo." Tsaka siya humarurot sa pagmamaneho. Napahawak ako sa aking upuan at sa pinto ng sasakyan. Pakiramdam ko nga ay konting sandali lang at lilisanin na ako ng aking kaluluwa sa bilis ng pagmamaneho ni Donny.

Siraulo ba siya? Bakit ang bilis-bilis niyang magmaneho? Kung balak niyang magpakamatay, aba'y bakit niya ako dinadamay?

"Donny!" Sigaw ko kasi natatakot na ako sa pagmamaneho niya.

"Donny! Hinay-hinay lang!" Hindi ko naman siya matingnan o masilip man lang kasi pakiramdam ko kapag inalis ko ang tingin ko sa harapan ay mababangga kami.

"Donny! Isa!" Sabi ko sakanya. "Donny! Dalawa, 'pag hindi mo babagalan 'to mumultuhin kita pa- aaaaaaaah!" Napakabastos na lalaki talaga biruin mo mas binilisan niya pa talaga kumpara kanina. "Donny! Sabi ko bagalan mo-!"

"Aaaaaahhh! Diosko po! Patawarin n'yo po ako sa aking mga kasalanan. Nagsisisi na po ako! Kung kukunin mo na po ako ngayon sana po ay bantayan mo yung pamilya ko!" Sabi ko na taimtim na nananalangin.

Napahinto na lamang ako ng marinig kong humalakhak ang taong nasa aking kaliwa.

"Hooo! You didn't changed, Sari." Sabi niya habang nakangiting nakatingin saakin.

Hindi naman ako maka-imik sa ngiting pinapakita niya ngayon saakin. Lord, nasa heaven na ba ako. Bat kasama ko pa siya dito? Di ba dapat nasa baba siya? I think, doon siya nararapat.

Inalis ko ang iyon sa aking isipan baka magbago ang desisyon ng Diyos at ibagsak kami pareho sa baba. Napa-sign of the cross nalang ako sa aking naiisip.

"Ano? Nilalambing mo na naman ba ako, Donny? Mabuti nalang talaga at naka-kapit pa yung kaluluwa ko sa hinliliit ko. Alam mo ba yun?!" Pasigaw kong tanong sakanya. Pero tumawa lang siya at binuksan ang pinto ng kotse.

Akala ko'y may sasabihin pa siya pero ngumiti lang ito at binuksan ang pinto. Nagalakad siya hanggang nasa tapat na siya ng kotse.

Nilingon niya ako pagkatapos niyang tumingin sa kung saan at sinenyasan akong lumabas.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon