xxiv

213 5 2
                                    

Donny's POV

"Hoy Donny, hindi ko gusto yung ginawa mo kanina sa harap ni Ricci ah." Sabi ni Sari habang hila-hila ko siya. "Makinig ka nga! Donny, ang daming tao oh."

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang naguguluhang si Sari. "Gusto mo parin sumama sa lalaking 'yon? Eh, sinaktan ka na nga, diba?"

"E hindi naman n'ya intensyon 'yon e. Hindi nga n'ya alam na gusto ko siya. At ano 'to?" Saad ni Sari at agad inalis ang kanyang kamay sa aking pagkakahawak.

"Anong ano 'to?"

"Eto. Donny, anong pakulo 'to? Pabigla mo 'kong ipapakilala sa lahat na ako ang girlfriend mo. Hindi kita maintindihan." Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sakanya. Nagda-dalawang-isip ako kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi. Hindi ko alam kung anong ire-react niya, malamang. Pero gusto ko lang naman na itigil na niya ang kahibangan niya kay Ricci kasi masasaktan lang siya.

"Ano? Sagutin mo 'ko!" Pasigaw na sabi ni Sari saakin. Nandito kami ngayon sa first floor ng Javier Building, malapit sa gym.

"Gusto kita." Napalunok ako ng makita ang 'di makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Sari. "Totoo. Matagal na. Hindi ko lang masabi sa'yo kasi– kasi kaibigan kita. Ayokong mag-iba ang tingin mo saakin at lumayo kaya tinago ko nalang. Pero sorry Sari, hindi ko kayang makita ka na nasasaktan dahil may ibang mahal ang taong mahal mo. Nasasaktan din ako."

"Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko sa t'wing nakikita kang iniinda ang sakit 'pag magkasama ang kapatid mo at si Ricci. Sari,"

"So.. anong gusto mong mangyari?" Hindi ko alam kung anong tono ang meron sa boses niya ng tanungin niya ako. Isa lang ang naman gusto ko sa sandaling 'to e, ang malaman niya na may gusto ako sakanya.

"Gusto kong hayaan mo 'ko na mahalin ka." Unti-unting kumunot ang noo niya ng marinig ang sinabi ko.

"Hah," Hindi ko na mabasa kung anong nasa isip n'ya at kinakabahan sa kung anong sasabihin niya saakin. "Diba, ang unfair naman sa'yo 'pag ganun? Donny, ayoko. Sorry, e, hindi mo deserve ang ganung klaseng relasyon. I mean, mamahalin mo 'ko kahit may ibang laman ang puso ko? Kung mahal mo 'ko dapat mahal din kita—"

"Kaya mo 'yon?" Pagputol ko sakanya. Tiningnan niya lang ako at napaiwas din agad ng mapagtanto ang pagtatama ng aming mga mata.

"Sorry Donny, pero hindi ata tama 'to." Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Pero hindi. Hindi ito ang pras na sumuko. Ngayon na nga lang ako nagkalakas ng loob na umamin sakanya, susuko na ako kaagad.

Tumakbo ako para habulin si Sari at ng makalapit na ako sakanya ay iniharap ko siya saakin at niyakap. Kaytagal ko ng gustong gawin 'to sakanya. At ngayon na yakap-yakap ko na siya ay parang ayaw ko na siyang bitawan pa.

Kisses' POV

That girl! Kaya pala dumidikit-dikit siya kay Ricci at Donny. May binabalak nama pala s'ya para sa sarili niyang kaligayahan. Akala ko pa naman magiging magkasundo kami. Wala na talagang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon. Lahat nalang ng mga tao toxic.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si tito. I can't just sit here and do nothing. Donny is mine. I won't let anyone na maagaw siya mula saakin.

"Hello po, kamusta na po kayo? Mabuti naman po kung ganun. Uhm, tito hindi po ba kayo busy? Gusto ko lang po sana na imbitahan kayo na mag-dinner mamaya sa bahay. Sige po, thank you."

Maya-maya ay tumunog na ang bell para sa nextclass. Habang naglalakad ay napansin ko ang mga taong sumusulyap ng tingin saakin kaya hindi ko maiwasang hindi ma-conscious. I simply checked my face infront of my phone at pagkababa ko nun ay tumambad naman saakin ang mukha ni Sari.

Nginitian niya ako at para hindi niya mahalata na naiinis ako sakany ay nginitian ko nalang din siya. I can see that she's happy and all smiles dahil sa nasa oanya na si Donny. Pero hindi niya alam na hindi papayag ang magandang babaeng kaharap niya ngayon na basta-basta nalang makuha ang lalaking gusto niya. Let's see kung may magagawa ba siya sa oras na umatake na ako.

"Uhm, Kisses..?" Kumaway-kaway siya sa harapan ko. "Ayos ka lang ba?"

"A-ah, yes... Ano nga pala kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Wala. Nangangamusta lang ako sa'yo. Matagal din tayong hindi nagkita at– yun.." Nakangiti niyang sabi saakin.

"Ayos lang ako. Uhm, I think I should go. May klase pa kasi ako e.." Sabi ko sakanya at tuluyan na ngang umalis.

***
Dahil hindi ako mapakali kahit na anong gawin kong pakikinig ay tinext ko ang bodygiard ni daddy at sinabi ang aking pakay. Pinahanap ko sakanya ang lahat ng information tungkol kay Sari and her family. Hindi kasi ako mapakali. Gusto ko lang naman malaman ang background ng babaeng pinalit saakin ni Donny.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa paglabas ng building para makaalis na ng campus. Magpe-prepare pa ako para sa dinner namin ni Donny at ni tito Arnoldo. Nang hindi ko makita ang sundo ko ay nilabas ko ang aking phone.

Tinawagan ko si daddy at tinanong kung bakit wala pa ang aking sundo and to find out na umuwi pala ang driver namin. May problema daw sa pamilya nila at nagpaalam na uuwi muna siya. Wala na akong magawa kundi hintayin ang isa sa mga driver ni daddy.

Naglakad nalang ako hanggang sa schoolgate para 'pag dumating na yung sundo ko ay sasakay nalang ako kaagad para makapaghanda na and all. Pero sa aking paglalakad ay may napansin akong pamilyar na tao sa 'di kalayuan.

"Ricci..?" He's talking to someone. And that someone is a ...nun. 'Di ko alam na may pagka-relihiyoso pala 'tong lalaking 'to. Sakristan ba siya o ano. Pinapatawag na ata ng simbahan e.

Huminga ako ng malalim at tinawagan si Daddy. Inip na inip na kasi ako sa kakahintay. Gusto ko lng talga umuwi na at makapag-bihis. Saan ba na kasi yung driver namin?

Pagbaba ko ng tawag ay nakatanggap naman ako ng mensahe mula sa bodyguard ni daddy. Pinasa niya saakin ang files tungkol sa karibal kong si Sari. Taas-kilay kong binabasa ang tungkol sa boring niyang buhay ng may mapansin ako.

Hinanap ko kaagad si Ricci at ang kausap niya kanina. Lumakas ang tibok ng puso ko ng maisip na baka tama ako.

Sister Criselda's POV

"Kumikilos na ang tauhan ni Arnoldo na makita ang matagal na n'yang hinahanap. Baka madamay ang kapatid ko. Pati na ngayon na hawak ni Donny ang kapatid ko. Paano na kung malaman 'to ng kanyang ama?" Nag-aalala kong sabi sa aking kaharap. Plinano ko talaga na makipagkita kay Ricci para malaan niya ang mga nalalaman ko.

"Hindi maganda ang pagsasamahan ng mag-ama. At isa pa, mahal ni Donny ang kapatid mo. Hindi niya magagawa na hayaan nalang na makuha si Sari ng kanyang ama. Lalo pa't ...hindi naman talaga siya ang totoong anak."

"Kahit na, walang kinalaman ang kapatid ko dito." Sabi ko at huminga ng malalim bago ko pa mapansin ang babae na nasa likuran ni Ricci.

"Anong problema?" Tanong saakin ni Ricci at lumingon. Nang makita ng babae na nakatingin na kai pareho ni Ricci sakanya ay umiwas ito ng tingin. "Oh,"

"Kilala mo?" Tanong ko sa kanya at tumango siya bago tinawag ang babaeng nasa kabilang mesa.

"Kisses!" Kinawayan niya ito at nilapitan. Habang nakikipag-usap pa lang siya sa babae ay wala akong ibang magawa kundi maghanda nalang para umalis. Napag-usapan naman namin ang dapat namin na pag-usapan kay wala ng rason para magparito pa.

"Aalis na ako." Sabi ko kay Ricci ng huminto ako sa table para magpaalam.

"Ah, Kisses. Si sister Criselda, kapatid ni Sari. Sister, si Kisses, kaibigan ko." Matapos kaming ipakilala ni Ricci sa isa't-isa ay nag-alok pa sila na ihatid ako sa kumbento. Dahil kahit anong tanggi ko ay hindi naman sila papayag, ang ginawa ko nalang ay tanggapin ang kanilang alok.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon