xii

313 8 0
                                    

Donny's POV

Nang hindi ko na marinig ang boses ni Sari sa kabilang linya ay agad akong napatayo at lumabas ng aking kwarto.

I can't let her stay in that house.

Pababa pa lamang ako ng hagdan ay narinig kong bumukas ang pinto ng aming bahay at natigilan.

What is he doing here? Dumagdag lang siya sa emosyon na aking nararamdaman ngayon.

Nagpatuloy ako at ng makaabot na ako sa pinto kung saan nakatayo ang magaling kong ama ay nilagpasan ko lang siya.

Wala na akong pakialam sakanya.

Dali-dali akong sumakay sa aking kotse at nagmaneho patungo sa bagong tinutuluyan ni Sari.

Naihampas ko nalang ang aking kamay ng maisip ko ang aking katangahan.

Bakit ngayon ko lang nalaman na doon pala nakatira ang kumag na 'yon. Pero bakit kailangan ko pang alamin yun. Wala naman akong pakialam sakanya. Nakakainis!

I saw a woman outside the house. Papalabas na ito ng dumating ako sa harap mismo ng bahay.

"Excuse me ma'am, do you know Sari?" Agad naman lumiwanag ang mukha nito ng banggitin ko ang pangalan ni Sarita.

"Ah oo, kaibigan ka ba niya hijo. Halika! Ihahatid muna kita sa loob at bibili na rin ako ng makakain n'yo." Nakapasok na ako sa loob ng bahay at pinaupo n'ya muna ako sa sofa sa sala tsaka siya lumakad sa ikalawang palapag para tawagin si Sari.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kinakabahan ako na -baka malaman niya at maalala niya.

Maalala niya lahat.

Nakabalik nalang si manang na kanina ay umalis ay hindi parin nakababa si Sari. Napatayo ako ng nagtatakang napalapit si manang sa kinatatayuan ko.

"Hindi pa ba bumababa si Sari.." Lumingon siya sa hagdan at humarap din agad saakin.

"Hindi pa po." Kaya pinasama na lamang niya ako sa itaas para tawagin si Sari. Itinuro na lamang niya kung saan banda ang silid nito at babalik siya sa kusina.

Dahan-dahan akong naglalakad at ramdam ko ang bigat ng aking mga paa.

Bigat na tila ba, pinipigilan ako sa aking paglalakad. Pinipigilan ako na makapunta sa kung nasaan ito.

Sabay ng mga mabibigat pero maingat kong hakbang patungo sa kinaroroonan ni Sari ay ang kabang aking nadarama.

/ "Sari..." Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang pinupunasan ng tuyong tela ang mga hinugasang plato.

"Oh? Donny!" Masaya nitong sabi ng humarap ito saakin.

Napangiti nalang ako sakanya habang pasimpleng iniiwas ang tingin. Nahihiya ako sa tuwing tinitingnan niya ako habang hinahayag nito ang magandang ngiti.

Napalunok ako bago magsalita ulit.

"Ano kasi..ah," Nawala sa isip ko ang dapat kong sabihin sakanya. Masyado sigurong nakakatunaw ang mga tingin at ngiti niya na pati ang nasa isip ko ay tuluyang nalusaw.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon