xxii

195 8 0
                                    

Ricci's POV

Naguguluhan na ako. Ayaw kong may madamay na inosente sa pinagagawa ko ngayon. Ayaw kong masaktan si Sari pati na si Michelle. Sila nalang ang pamilya ko ngayon. Kailangan ko ng putulin ang pakikipag-ugnayan ko sa ama ni Donny.

Napaupo ako mula sa aking pagkakahiga sa aking kama. Desidido na ako na itigil ang lahat ng 'to. Hindi rin naman tama kung ibibigay ko si Sari kay Arnoldo para makuha niya ang kanyang kinakailangan sa pangulo. Pati na ngayon na hindi pa bumabalik ang alaala ni Sari. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Arnoldo para makipaglita.

Sa lumang bodega kung saan kami nagkikita-kita ako pumunta. Nandun na lahat ng nga tauhan ng magaling na ama ni Donny. Ito din ang dahilan kung bakit kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'yon. Ni hindi man lang niya maawat ang ama niya sa mga katarantaduhang ginagawa nito sa buhay ng iba. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong araw na walang awa niyang pinapatay ang aking ama. Paano niya nagawa 'yon sa taong walang laban sa kanya?Napakawalang-hiyang tao. Isang walang kwentang nilalang.

"Mabuti naman at naisipan mo na makipagkita at ibigay saakin ang taong matagal ko ng hinahanap." Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ko sabihin sakanya ang akinh pakay.

"Ayaw ko ng magtrabaho sa'yo." Sabi ko at nakita ang pagkabigla niya. Maya-maya lang ay tumawa rin siya na tila ba isang biro ang aking sinabi.

"Hindi ka pwedeng huminto, Ricci. Hawak ko ang pamilya mo." Kumunot ang aking noo sa aking narinig. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Wala akong maalala na nagbigay ako ng impormasyon tungkol sa aking pamilya.

"Akala mo ba na hindi ko alam? Hindi ako basta-basta na tumatanggap ng tauhan, Ricci. Naghahanap din ako ng makakapitan para 'pag sa oras na nagloloko na ang mga 'to mahihila ko parin sila pabalik saakin."

Kahit kailan talaga napaka-walanghiya ng lalaking 'to. Kinuyom ko ang aking kamay at akmang susuntukin ang tao na nasa aking harapan ng makailag siya at agad kinwelyuhan ako. Tinulak ko siya at pilit ni inalis ang kamay sa damit ko pero isinandal ako nito sa pader dahilan para mauntog ang aking ulo.

"Kung gusto mo pang makita at makapiling ang mga magulang mo. Sumunod ka saakin." Halos maiyak na ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi pwede na habang-buhay akong magpapa-alila sa mga kademonyohan niya. Hindi ako papayag na pati ang mga taong umampon saakin ay kukunin niya rin. Hindi siya Diyos at wala siyang karapatan na bawian ng buhay ang mga taong malalapit saakin.

***

Nang makabalik ako sa bahay ay nakita ko sa labas si Sari na may hawak na payong. Inihinto ko ang aking motor sa harap niya at agad naman niya akong nilapitan. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at hindi ko alam kung bakit nag-aalala siya saakin.

"Akala ko kung saan ka na nagpunta." Rinig kong sabi ni Sari abang nakayakap saakin. "Pasensya ka na sa inasal ko sa'yo. Nasaktan lang din naman ako. Pero h'wag kang mag-alala, ayos na ako ngayon."

Naguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi naman ako lakwatsero katulad niya para pumunta nlang basta-basta sa kung saan.

"Ang drama mo. Halika na nga." Pinasakay ko siya sa motor at nag-drive papasok ng gate.

"Salamat sa paghihintay." Nginitian ko si Sari sabay hinulo ang kanyanh buhok. Pinalo naman niya ang braso ko at inayos ang kanyang buhok. Nang tumalikod ako sakanya para isara ang gate ay napansin ko parin ang payong na nasa aking itaas. Napalinhon ako kay Sari at nakita na pinaayongan parin niya ako. Napangiti nalang ako sa ginawa niya tsakahinila siya para sabay namin na isara ang gae.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan nila ni Papa sa States kaya tinawagan ko sila.

"Bakit ka napatawag ulit? May problema ka ba, Hijo?" Halos maiyak ako ng marinig ang boses ng aking mama. Hindi ko lubusang maisip na baka dumating ang araw na idamay siya sa kasamaan ng taong pinili kong maging kakampi. Nagawa ko lang naman 'yon dahil gusto kong ipaghiganti ang aking tunay na ama. Pero hindi ko naisip na mapupunta pala sa ganito.

"Ahm– wala, Ma. Sige, magpahinga ka na." Sabi ko ay hinintay na ibaba niya ang telepono.

"Sabihin mo na saakin, Ricci. Ano ba ang sasabihin mo saakin? Sige na, makikinig si Mama." Ang boses ng aking mama ang nagpaluha saakin. Napaka-bobo kong tao at nilagay ko sila sa kapahamakan.

"Wala ma... na-miss lang kita." Pinakinggan ko lang ang mga sinasabi ni mama pati na ang mga pangaral at bilin niya saakin. Kahit naman na hindi ko sila tunay na mga magulang ay hindi nila pinaramdam saakin na isa akong ampon. Na hindi nila ako tunay na anak sa halip ay inalagaan at minahal nila ako na parang anak nila.

"Sige na, matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Goodnight, baby boy." Napangiti ako sa sinabi ni mama at pinahiran ang aking mga luha.

Hintayin niyo lang ako, ma, at aayusin ko na muna 'tong problema na pinasok ko. Pero hindi ako titigil sa paghahanap ng hustisya kay tatay Celso.

Donny's POV

Akala ko na masisiyahan ako sa pagpunta dito pero hindi pala. Bakit ko pa kailangan na masaksihan ang pangyayaring 'yon? Para ba ipaalala saakin na kaibigan lang ako ni Sari at hinding-hindi ko mapapalitan si Ricci sa puso niya?

Pinaandar ko na ang aking kotse at nagsimulang magmaneho. Akala ko pa naman na may pag-asa na ako pero wala pa rin pala. Akala ko na noong nasaktan siya sa nakita niyang ginawa ni Ricci at ng kapatid niya ay mag-iiba na ang pagtingin niya. Pero mali ako.

Napabuntong-hininga ako ng aisar ko ang pinto sa bahay. Tumambad naman saakin ang aking magaling na ama na galing lang sa kusina. Nginitian ako neto at sumenyas na lumapit sakanya pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay umakyat na ng hagdanan.

"Ganyan ba ang tamang pagbati sa 'yong ama, Donny?" Napansin ko ang tono ng boses niya na hindi kp karaniwang naririnig mula sa kanya.

"Bakit? Ano ba ang problema dun? Hindi ka rin naman mabuting ama saakin." Walang gana kong sagot sakanya.

"H'wag na h'wag mo akong masagot ng ganyan, Donny. Hindi mo alam kung anong problema ang pinagdadaanan ko. Ikaw na nga lang 'tong nag-iisang pamilya na natitira saakin!" Sa halip na sumagot sakanya ay nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad patungo sa aking kwarto. Wala akong pakilam sa kung anong problema ang meron siya, ginusto n'ya e. Labas na ako sa mga 'yon.

Nang makahiga ako sa aking kama ay nasa isip ko parin so Sari. Tsk. Napayingin ako kaagad sa bracelet na nasa aking kanang kamay at napangiti.

"Mahal parin pala talaga ng may gawa sa'yo ang dapat na magmamay-ari sayo no. Pasensya ka na ah, saakin ka napunta. Pasensya na talaga," Hindi ko alam pero bumigat ang aking nararamdaman. Sobrang mahal ko kasi ang gumawa sa bracelet na 'to na halos 'di ko kayang ibigay siya sa lalaking may mahal ng iba. Gusto ko sana siyang sumaya kaya kahit na labag sa aking kalooban ay magpaparaya ako. Pero paano ko 'yon magagawa kung alam ko na masasaktan lang siya?

Napatiingin ako sa bintana at nakita ang mga bituin sa langit.

Sa langit kung saan siya nakatingin. Ako ang Buwan at Siya ang Araw.

Hinding-hindi niya ako mapapansin kahit parehas kaming may ilaw.

Hindi niya ako makikita dahil mas mapapansin niya ang ganda ng umaga na inaabangan niya araw-araw.

Habang ako ayisang hamak na Buwan na lumalabas lamang sa tuwing siya ay pagod na at nagbabantay para siya'y 'di mapukaw.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon