xvi

296 9 2
                                    

Sari's POV

Nandito lang ako ngayon sa loob ng librarya. Hindi pa nakakabalik si Janine at Nikka galing sa foodcourt. At imbes na magbasa para sa aming nalalapit na pasulit ay isinubsob ko na lamang ang aking ulo sa mesa. Hindi ako mapakali simula ng marinig ko sina sister Criselda at Donny na nag-uusap. Oo, narinig ko ang pinag-uusapan nila.

Bakit hindi ko alam na si Donny pala ang tumutulong saamin? At sa anong paraan naman?

Siguro may mga bagay ako na hindi ko alam. Pero bakit? Sabay kaming lumaki ni ate Criselda imposibleng may nalakatawang detalye ako ng buhay niya, ng buhay naming dalawa.

At paano ako nasa panganib?

"Ah..!" Napatayo ako ng may tumapik sa aking balikat at paglingon ko ay si Ricci pala ito.

"Hm? Anong nangyari?" Tanong niya saakin at inilapag ang dalawang libro sa mesa.

"Wala." Sabi ko at bumalik sa pagkakaupo.

Tumabi si Ricci saakin at tahimik na ibinuklat ang librong kanyang inilapag.

Pagtingin ko sa aking kaliwa ay nakita ko si Donny. Walang kaemosyon-emosyon ang mukha nuto na para bang isa itong multo na nakamasid sa amin ni Ricci.

"Anong ginagawa ng tao na yan d'yan? Nananakot ba siya? Hah." Patawang sabi ni Ricci.

"Teka lang, kakausapin ko." Paalam ko sa aking katabi. Nang makalabas na ako ng silid ay 'di ko na nakita si Donny.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid at wala akong makita kahit anino ni Donny. Nasaan na yun?

"Sari!" Napalingon ako sa taong tumawag saakin.

"Nakita n'yo ba si Donny?" Tanong ko kina Janine at Nikka. Agad naman nila tinuro yung hallway sa kaliwa.

"Salamat," Sabi ko at nagsimulang maglakad.

Sa aking paglalakad ay nakita ko siya agad. Nakaupo sa loob ng isa sa mga silid ng building. Dahan-dahan akong pumasok. Ng makita niya ako ay nag-iba ang kanyang itsura. Para itong nagulat sa biglaan kong pagsulpot.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito saakin.

"Ikaw, anong gingawa mo dito?" Balik kong tanong sakanya tsaka umupo sa bakanteng upuan na nasa kanyang kanan. "Bakit umalis ka?"

Tumingin siya saakin at umiwas din.

"Ano pang gagawin ko dun. May kasama ka naman. Baka makaistorbo pa ako sainyo." Napataas ang aking kilay sa aking narinig mula sa kanya.

"Ewan ko sayo. Ang drama mo. Alam mo ba yun?" Sabi ko.

Ilang minuto din na walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko alam pero parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang may mali ako. Parang may kasalanan ako sakanya.

"Galit ka ba sakin?"

"Galit ka ba sakin?"

Sabay naming tanong sa isa't-isa dahilan para matahimik na naman kaming dalawa.

Narinig ko siyang tumikhim akala ko ay magsasalita na siya pero hindi. Tumayo lang ito at lumabas.

"Teka.." Sabi ko at tumayo. "San ka pupunta?"

Naglakad ito pabalik at ng nasa tapat ko na ito ay agad akong napatingala.

"Sasama ka ba sa akin kung sakaling aalis ako?" Saglit akong namanhid at pagkatapos ay aking naramdaman ang kaba.

Sa agwat namin sa isa't-isa hindi ko maiwasang hindi kabahan. Ang lapit-lapit niya at amoy na amoy ko ang pabango na para bang umaalingawngaw sa sout nito.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon