ix

369 14 5
                                    

Napaupo ako sa aking higaan ng magising ako dahil sa aking napaginipan.

Ang paghinga ko'y hindi makasabay sa lakas ng tibok ng aking puso.

Ano ba ang ibig sabihin nun? Bakit ba mukha itong totoo? Bakit palagi ko nalang yun napapaginipan?

Napatingin na lamang ako sa pinto ng marinig kong may kumatok. Tumayo ako mula sa pagkakupo sa aking higaan at naglakad patungo sa pinto para ito'y buksan.

Tumambad saakin ang isa sa mga estudyante nila Sister Juana.

"Magandang Umaga, Sari. Pinapatawag ka ni sister sa ibaba." Tumango ako at agad naman siyang umalis.

Naghilamos lang ako at agad na bumaba. Nadatnan ko silang abala sa salas.

Nakita niyang hinahakot nila ang mga laman sa mga malalaking supot at karton. Ito'y mga de lata, gatas, kape, asukal, noodles, sabon at may nakita rin siyang sako ng bigas na nakasandal sa may pinto.

"Sarita, salamat sa biyayang ibinigay ng iyong kaibigan." Nakangiting sabi ng isang madre. Ngumiti ako pero nagtataka ako kung sinong kaibigan ang nagbigay saamin ng ganito karaming bagay.

"Magandang Umaga saiyo, Sarita.. pakisabi sa kaibigan mo na maraming salamat." Tumango lang ako at hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari.

"Sari..." Paglingon ko ay nakita ko si Sister Criselda.

"Sari Hija," Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita si Sister Juana na malapad na nakangiti. "Maraming salamat sa kaibigan mo't binigyan niya tayo ng mga pagkain at bagay na magagamit natin dito sa dormitoryo. Kung wala ang nga ito, baka makaka-utang na naman tayo. Hindi pa kasi nagpapadala ang mga taga-Roma." Sabi ni Sister Juana. Ang dormitoryo kasing aking tinutuluyan ay pagmamay-ari ng mga madre at pari na naka-base o nakatira sa Roma. Sila ang nagtayo ng samahan na ang tawag ay Servants of the Holy Spirit noong 1935.

Maraming sakop ang nasabing samahan, mga simbahan, eskwelahan, ospital sa iba't-ibang bansa kasama na dito ang kanilang dormitoryo at ang eskwelahan ng pagmamadre na ang Sisters of Our Lady of Guadalupe.

"Sabihin mo kay Donny na pumunta dito at dito maghapunan bilang pasasalamat na rin sa kanyang mga ibinigay." Ang mainit at masayang ngiti na nakikita ko sa kanilang mga mukha ay nagpasaya saakin.

Nagpaalam ako sa kanila ng humiwalay na ako ng daan. Sila'y patungo na sa eskwelahan at ako naman ay maglalakad na pagtungo sa Don Santiago.

Pagpasok ko pa lamang ng skwelahan ay napapansin ko na ang mga tingin ng mga tao. Naiilang ako kasi sa twing itingin sila ay agad naman silang bubulong sa kanilang katabi.

"Sari!" Paglingon ko ay agad akong hinila ni Nikka at nakita ko rin ang nag-aalalang itsura ni Janine. Ano bang nangyari at nagkakaganito sila?

Napahinto na lamang ako ng huminto sila sa paglakad-takbo. Napansin ko ang maraming tao na nakapalibot at parang may pinapanuod.

Sumilip ako at laking gulat ko nalang ng makitang nakikipag-suntukan si Donny. Natigilan ako ng ilang mga segundo at dahil sa hindi pagtahan ng aking isipan at dala na rin ng kaba ay napatakbo ako atungo sa kanila.

"Donny, tama na." Sabi ko ng nasa gilid na nila ako at pilit na hinihiwalay ang dalawa.

"Donny, tama na kasi!" Mas naguluhan ako ng makilala ang taong kasuntukan niya. Si Ricci.

Ang hirap nilang paghiwalayin kasi pareho silang malalakas at matatangkad.

"Hayop ka!" Rinig kong sabi ni Donny.

"Wala kang kwenta!" Sigaw naman ni Ricci na pilit umiilag sa mga suntok ni Donny.

Nang nakaya ni Ricci na umilag sa isa sa mga suntok ni Donny ay nagkaroon ito ng tsansa na itulak at para ito naman ang mahiga sa damo. Sinuntok niya at dahilan para mas lalong dumugo ang labi nito.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon