.
Si Nannie na hawak-hawak ang ulo niya na nasapo ko..
Hindi kasi nag iisip e! Kaya nababatukan.."E! Bakit ka madalas na nahihimatay? Tsaka nitong mga nakaraang araw.. Ang sweet sweet niyong dalawang mag asawa..
Malay ko ba na hindi ka naman pala buntis!"
Sabi niya na nakasimangot.."Hayy!! Tskk!"
Napailing nalang ako..
Hindi ko alam kong kanino dapat ako mainis.. Sa sarili ko oh sa mga taong nakapaligid sakin..
"Alam niyo!! Pano ako mabubuntis e wala pang nangyayari samin.! Ano invisible? Basta nalang ako nabuntis.!"
Nagtitimping paliwanag ko.
"Tsaka sa tingin niyo ba basta basta nalang akong magpapaloko sa lalaking yon!! Boba lang ako pagnangyari yon!"
Dagdag ko pa.."Weehh! Wala pang nangyayari sainyo ni Diel! As in virgin ka pa!?"
Parang di makapaniwalang tanong niya..Hayy! Ang kulit naman talaga ng babaeng to..
Itataas ko na sana ang kamay ko para batukan siya ulit.."Hindi nga ako tanga para magpaloko.."
Inis na sabi ko na nagtitimpi lang."Eh!! Kung ganon bakit ka madalas himatayin?"
Malumanay na tanong ni Nannie..Ang babaeng to! Hindi talaga titigil hangga't hindi niya nalalaman ang gusto niyang malaman..
Kahit siguro kanunu-nunuhan ng iba gusto niyang alamin e.!"Nannie! Itigil mo na nga yang bibig mo sa katatanong sa kaibigan natin!! Di mo ba nakitang halos mag agaw buhay na siya kanina? Tssk! Kahit kailan talaga wala kang pakialam e!."
Sermon ni May-Annie..Buti pa siya kahit minsan may pakialam parin sa nararamdaman ko.. Eh etong Nannie nato! Papasakitin lang ang ulo mo e..
"Eto naman! Siyempre nag alala rin naman ako no!! Gusto ko lang naman kasing malaman kong bakit siya madalas nahihimatay!!"
Mahinang sambit niya na nakasimangot..Napaglipat lipat ko naman ang mata ko kay May-Annie at Nannie..
Si May-Annie! Yung tingin niya parang malungkot.. Imbis na sumang-ayon kay Nannie.."Ahhmn! K-kasiii!!"
Wala na naman akong maipalusot! Ayan na naman ako magsisinungaling na naman.."Wag kanang gumawa ng isturya!!"
Mahinahong sabi ni May-Annie.. Na ikinataka ko.. Napatingin ako ng diretso sa kanya na kinakabahan.."Hoyy! Anong sinasabi mo!"
Tanong ni Nannie kay May-Annie.."Nakausap ko kanina si Tita Tessa!"
Sambit ni May-Annie.. Kinakabahan ako.. Anong pinag usapan nila.!
"Alam ko na ang tungkol sa sakit mo! Ipinaliwanag ng lahat saakin ni Tita!!"
Nanlaki ang mga mata dahil sa narinig.. Pinaalam ni Mama ang tungkol sa sakit ko!? Bakit?"H-huh!! Ano yon!?"
Curious na tanong ni Nannie.."M-may!!"
Walang lumalabas sa bibig ko kahit gusto kong magsalita.."Roxanne! Bakit naman hindi mo sinabi agad!! Alam mo ba nilalagay mo sa alanganin ang buhay mo.. kapag wala kang pinagsabihan.!"
Sermon ng kaibigan ko.Napahawak nalang ako sa noo ko na nakapikit..
Sumasakit na ang ulo ko.. Kahit okay na naman ako."Hoyy! Ano ba yang pinag uusapan niyo! Sali niyo naman ako!!"
Si Nannie na nakikisabat sa usapan namin..
Pero dilang namin pinansin.."M-may? A-ano ba yang pinagsasabi mo?"
Nagpapalusot parin ako kahit huling huli na ako..Ano ng gagawin ko..Natatakot ako!
Siguro! Ako lang ang babaeng handa sa lahat pero pero takot na malaman ang tinatago.. Lord bat ba ngayon pa."Roxanne! Itatago mo parin?"
Inis na sermon ni May-Annie.. Pero mahina lang.
"Hindi biro yang sakit mo.. Na lagi kang nasa bingit!!"
Dagdag niya pa..
BINABASA MO ANG
Mr. Maniac Fall In Love With Ms. Popular
Teen FictionSi Roxanne Hannie Baladerama na nag-aaral sa paaral ng mga Del Valle.. Pero isang araw hindi niya inaasahan ang buhay na mangyayari sa kanya.. . Ipinakasal siya sa nag iisang anak ng mga Del Valle. At itinuturing niyang Ultimate Manyak Boy.. Na kahi...