.
Hinatid kaming umuwi nina Mama at Papa sa bahay. Umalis naman agad sila.. Nasa sala kami..at ako naman ay naghahanda ng meryenda napansin kong tahimik parin si Diel.. Inilapag ko ang meryenda sa mesa at tumabi sa kaniya.."Ayos ka lang!?"
Tanong ko.. At lumingon naman siya.
"Kanina ka pa kasi walang imik e!! Simula nong nalaman mo ang tungkol kay Jessica!"
Pagpapatuloy ko..Tinignan niya lang ako sa mga mata At niyakap..
Sana hindi ko nalamg pinatulan si Jessica!! Baka hindi siya napahamak.. At baka hindi nalulungkot ngayon si Diel.. Niyakap ko rin siya."Sorry!!"
Malungkot na sabi ko!.Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin ng deritso..
"Bakit ka nagso-sorry!!"
Tanong niya sa nangungusap na mga mata.."Dahil ako ang dahilan!!"
Nakayuko lang ako.. Ayokong makita siya na nasasaktan.
"Kung hindi ko siya pinatulan! Hindi naman siya maoospital e!! Sorry! Sorry!"
Mangiyak-ngiyak na sabi ko.."Stop!!"
Sabi niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi..
"Hindi mo kasalanan!! Nakita ko ang mga nangyari!
Ako ang dapat na humingi ng sorry! Dahil hindi ko dapat hinayaan na lapitan ka niya.! Sorry!!"
Paliwanag niya..Lumuwang ng konti ang pakiramdam ko..
Pakiramdam ko nasa ligtas na ako at hindi ko na kailangang mag ingat dahil may magliligtas na sakin.. Pero hindi parin dahil may mas uunahin siyang iligtas.. Yon yung dapat na kasama niya ngayon at habang buhay..Ano ng gagawin ko ngayon.. Ngayon hindi nalang ako ang dapat alagaan ni Diel! Dumating na si Jessica na may baby pa.. Ano na ba magiging papel ko sa buhay niya.. Ano nalang ako!!
Hayy!! Tama nayan Roxanne! Hindi pa huli ang lahat para sayo.. Pwede ka pang maging masaya! Pwede mo pang hanapin si Dee! Tiwala lang!.
'Kailangan ko siyang hanapin!'
.
*two weeks ago*Mag aalas dos na ng hapon.. pero wala parin ang dalawang walang kwenta kong kaibigan.. Nasan na ba ang mga yon! Kanina pa ako nag aantay dito sa tapat ng mall.. Pero kahit mga anino ng dalawa! wala akong makita e..
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Nannie.. Pero ring lang ng ring ang cellphone niya..
"Hayy! Naku naman!! Sagutin niyo na.!"
Nakikiinis talaga ang dalawang yon.. Iwanan ba naman ako.. Sila yong nagyaya e. Tss.."Hello!"
Huhh!! Kala ki wala ng sasagot.."Hayy!! Akala ko naman nanakaw na ang mga cellphone niyo at wala ng sumasagot!! Nasan na ba kayo hu!!"
Inis na tanong ko.. Kapagtalaga nakita ko ang dalawang to! Hindi lang pilipit sa leeg ang aabutin nila.."Ahh! Ano yon!?"
Sabi ni Nannie sa kabilang linya.. Bat ang ingay! Pati ako parang mabibingi e!.
"Hayy! Mabuti pa pumunta ka nalang dito!"
Inutusan pa talaga ako ng usang.. Kainis."Bat ako!! Bat ba ang ingay diyan! Nasan ba kayo hu!!"
Naiinis na talaga ako.. Mas mabuti pang natulog nalang ako maghapon sa bahay e!.
'Nakakainis talaga pagsabado ng araw tss!'"Nasa timezone kami! Punta ka nalang dito! Dalian mo!!"
Sagot niya mula sa kabilang linya..Hayy! Maloloka na ako.. Bat ba dumating sa punto na sira na nga ang buhay ko!! May sira pa sa ulo ang mga kaibigan ko..
Binabaan niya na ako ng telepono at hindi manlang nagpaalam.. Napakuyom nalang ako ng mga kamay at bibig..
Nagsimula na akong maglakad sa direksyon ng sinasabi nilang timezone..
Nang may bigla akong mabangga! dahilan para mahulog ang cellphone ko!! buti nalang ay nabalanse ko agad ang katawan ko.. Dahil kong hindi ay na tumba na ako..
BINABASA MO ANG
Mr. Maniac Fall In Love With Ms. Popular
Ficção AdolescenteSi Roxanne Hannie Baladerama na nag-aaral sa paaral ng mga Del Valle.. Pero isang araw hindi niya inaasahan ang buhay na mangyayari sa kanya.. . Ipinakasal siya sa nag iisang anak ng mga Del Valle. At itinuturing niyang Ultimate Manyak Boy.. Na kahi...