.
Nagising ako na nasa loob ng kuwarto.. parang pamilyar kaya nilibot ko ang paningin ko.Nasa kuwarto ako namin ni Diel ngayon.. Tumayo ako para magCR ng napansin kong bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Diel.
Napansin kong napayuko siya at medyo nahiya.. Pero hindi ko lang pinansin tumalikod na ako para pumasok sa banyo.. Pagkatapos ko ay lumabas na kaagad ako.
Napansin ko naman na hindi parin lumalabas si Diel at nakaupo lang sa kama kaya babalik sana ako sa CR para manatili doon hanggang hindi pa siya umaalis.. Pero napansin niya ako kaya agad siyang tumayo at hinabol ako.. Naabutan niya ako bago paman ako makapasok at niyakap niya ako ng mahigpit patalikod.. Ako naman ay naistatwa.
Simula pa kanina ay pinipigil ko lang umiyak hanggang ngayon.
"Sorry!"
Imosyonal niyang sambit.
"Mahal lang talaga kita.. Kaya hindi ko hahayaan na mawala ka sakin!."
Dagdag niya pa.Hindi lang ako umimik.. Wala kasi akong balak na kausapin siya dahil hanggang ngayon ay nagagalit ako sa kanya.
Pano niya nagagawa sa akin ang mga bagay nato! Kasi habang tumatagal ay mas lalo niya akong sinasaktan at pinapahirapan.Kumalas siya pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya ako naman ay hindi parin nagsasalita.
"Gagawin ko ang lahat para bumalik ulit tayo sa dati."
Sabi niya at hahalikan sana ako pero agad ko iyong naiiwas.Hindi siya nakaimik.
"Kung ayaw mo akong paalisin kasama si Dee.! Hayaan mo nalang akong umuwi sa bahay namin."
Sa wakas ay nakapagsalita rin ako.Napatingin siya sa akin na parang nabigla.. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at hirap na nararamdaman.. Gusto kong iparamdam sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko pero parang hindi niya naman mararamdaman yon.
'Diel! Palayain mo na ako please'
Bumalik na ako sa kama at nahiga na ng hindi siya makapagsalita siya man ay naiwang nakatayo parin.
Ilang sandali lang ay lumabas na siya.Paglabas niya ay rinig ko ang pagsuntok niya ng malakas malapit lang salabas.. Ilang beses rin siya nagsisisi-sigaw at narinig kong nabasag ang mga vase.
Dun lang tuluyang kumawala ang mga luha ko!. Napapikit nalang ako habang umiiyak at rinig parin ang wala niya.
'Diel! Tumigil kana!. Wag mong sasaktan ang sarili mo.' Hindi ko mapigilang sabihin sa sarili ko.
.
Kinabukasan ay lumabas ako na malinis na ang mga kalat na ginawa ni Diel kagabi.. Pagbaba ko ay agad ko siyang nakita na nakabihis.
"Mabihis ka na."
Sabi niya sa seryosong boses.. Nakita ko na may bind ang kaliwa niya kamay dahil sihuro yon kagabi.Hindi ko lang siya pinansin at patuloy na naglakad papunta ng kusina.
"Iuuwi na kita sa inyo."
Nang marinig ko yon ay bigla akong napahinto.Tama ba ang narinig ko? Pumapayag na siya? Lumingon ako sa kanya ng seryoso.. Nakita ko namang malungkot ang mga mata niya at mukhang namumugto.
.
Nasa loob kami ng sasakyan na tahimik lang.. Walang balak na magsalita.. Totom at diretso lang siya ng tingin sa minamanuho niya.
Hanggang sa makarating kami sa bahay! Umalis na agad siya ng makalabas ako ng sasakyan.. Kumatok na ako ng tatlong beses.
Nalita ko si Mama na masayang binuksan ang pinto.. Peri nagulat siya ng ako ang makita niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Maniac Fall In Love With Ms. Popular
Teen FictionSi Roxanne Hannie Baladerama na nag-aaral sa paaral ng mga Del Valle.. Pero isang araw hindi niya inaasahan ang buhay na mangyayari sa kanya.. . Ipinakasal siya sa nag iisang anak ng mga Del Valle. At itinuturing niyang Ultimate Manyak Boy.. Na kahi...