Chapter 1

695 15 0
                                    

"Jessa we're hereee naa!"

Nagising ako sa malakas na sigaw ni Ms. Tracy na dire-diretsong pumasok sa kwarto ko. Paano sila nakapasok?

"Oh anong klaseng mukha yan? Binigyan kami ng spare key ng granpa mo. Kahit kahit mukhang mga akyat bahay 'tong mga baklang 'to, marunong naman silang gumamit ng pinto." sabi ni Ms. Tracy sabay turo sa mga kasama niyang mag-aayos sakin maya maya.

"So ano? Are you ready na?"

"I was born ready hahaaha. Just let me have my breakfast. Wala pang 6AM Ms. Tracy, di pa ko nakakaligo oh." sagot ko. Mas excited pa ata silang lahat kaysa sakin.

"Edi hindi ka pa ready gaga ka hahaha."

Well excited din naman ako, hirap din ako makatulog kagabi kaiisip kung ano kayang magiging itsura ko or ano kayang magiging reaction niya. Dati nararamdaman ko lang yung mga ganitong feeling kapag may field trip kami kinabukasan hahahahah.

Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at nagprepare na ko ng makakain ko ngayong umaga.

"Ms. Tracyyy, kumain na po ba kayo? Sabay na kayo sakin." aya ko sa kanila. Syempre di naman pwedeng kakain-kain ako dito habang sila e nakatunganga lang.

"Don't mind us bebe gurl. Nakalafang na kaming lahat sa balay bago kami gumora dito. Ano na lang password ng wifi niyo? Hahahaha biglang ganon e."

"bryssaforever. Walang space, lower case lahat." It's Bryle plus Jessa. Idea niya yan para daw lagi kaming connected. Hahahah minsan may pagkacorny talaga yung lalaking yon. Pagpasensyahan niyo na hahah.

"Nakoo. Ay pagkaharot harot niyo talagang dalawa ni Bryle ano? Hahaha."

Napatawa na lang ako. After kong magbreakfast ay dumeretso na ako sa banyo para maligo. I dunno pero hindi kasi ako sanay na maligo ng walang naman ang tiyan. Anong connect? Hahahah.

After 20 minutes. Yup, 20 minutes. Syempre siniguro kong magiging super fresh ako para mamaya. Gising na gising ang diwa ko sa sobrang lamig ng tubig dito sa Baguio. Dumeretso na ako sa kwarto kung saan niready na si Ms. Tracy at ng kaniyang mga assistant ang lahat ng makeups, brushes, curling irons and etc na kakailanganin nila.

Umupo na ako sa harap ng salamin.

"We're gonna make you the most beautiful bride on Earth."




It's been 3 years.

Ang bilis ng panahon, hindi ko inakalang aabot kami sa ganito. Hindi ko inakalang matapos ang lahat ng nangyari, sa wakas pwede na kaming maging masaya. Ang tagal ko 'tong hinintay. Ang tagal ko 'tong pinangarap. Napakasaya na alam kong pagkatapos ng araw na to pwede na kaming magsimula ulit. Magsimula bilang isang masayang pamilya.

Oo, tama kayo. Ngayon ang araw ng kasal namin ng pinakamamahal ko. Sino? Tinatanong pa ba yan? Isa lang naman ang leading man ng buhay ko. Si Bryle Nickolo Sevilla.

Dito sa Baguio Cathedral namin napagkasunduang magpakasal. Noong isang araw lang, ininvite ni Lolo ang lahat ng mga kaibigan at kakilala niya para sa kasal namin. Nagkaroon ng isang mini get-together, pinagstay din sila overnight sa isang hotel na pagmamay-ari ng isang family friend namin. Syempre malayo ang Baguio kaya magagahol sa oras ang mga bisita kung sa mismong wedding day pa sila magbabyahe.

Nandito ako sa isang condo unit malapit sa simbahan. Kasama ko ang makeup artist at hairstylist na hinire mismo ng mommy ni Bryle para sa araw na to. Nakaayos na ang lahat. Medyo kinakabahan ako. Pano kung matapilok ako mamaya sa altar? Hahahah.

Pagkatapos ayusin ni Ms. Tracy ang hairstyle ko pumunta na ko sa kwarto para isuot ang wedding gown ko. Mommy din ni Bryle ang sponsor namin nitong gown. May kilala kasing isang sikat na designer si tita kaya siya na ang nagprisinta na mag ayos ng wedding gown na gagamitin ko pero syempre kinokonsulta niya din naman ako kung anong gusto kong design. Natutuwa ako kasi full support lahat sila sa relasyon namin.

Hindi ko na halos makilala ang sarili ko nang humarap ako sa salamin. Ako ba talaga to? Ikakasal na ba talaga ako? Hindi ko inakalang ilang sandali na lang at matutupad na lahat ng pinapangarap ko. Parang kahapon lang inis na inis pa ako kay Bryle hahahahaah pero eto ako ngayon, ikakasal na sa kanya.

Sinamahan ako nina Ms. Tracy palabas ng condo kung saan naghihintay ang bridal car na sasakyan ko papunta sa simbahan.

"Kita na lang tayo sa simbahan Jessa. Best wishes!" sabi ni Ms. Tracy habang inaalalayan ako pasakay ng sasakyan.






--



Bryle's POV:


Grabe ang kaba ko ngayong araw. Excited na akong makita ang magiging misis ko. Hindi na nga ako makatulog kaiisip kagabi. Hindi na ko makapaghintay na bumuo ng pamilya. Oy mga utak nyo ah. Hindi yung bed scene na part. What I mean is bumuo ng mga magagandang memories bilang mag asawa.

*beep beep*

Kinuha ko agad ang phone ko mula sa bulsa. Nagtext si Ms. Tracy, ang makeup artist na kinuha ni mommy. On the way na daw si Jessa sakay ng bridal car niya.

Nasasabik na kong makita siya. Siguradong napakaganda niya sa gown na suot niya. Well, kahit naman wala siyang suot maganda pa rin siya. What?! Sasabihin ko na ba na may namiss kayo sa part 1? Hmm. Ang ibig kong sabihin, kahit simple lang ang suotin niya, maganda pa rin siya. Ang tagal kong pinangarap ang araw na 'to. Ang makasal sa babaeng totoo kong minamahal. Lalim non oy.

Nilibot ko muna ang mga mata ko sa paligid habang naghihintay. Nakita ko sina Ralph at Christine na parehong hawak ang kani-kanilang mga cellphones. Sobrang busy na lagi ng dalawang 'to dahil sa bagong hotel and restaurant business nilang dalawa nilang dalawa na kabubukas lang last month. Hindi ko akalaing ang loloko-lokong Ralph dati e business minded na ngayon hahahah.

Sa kabilang side, napansin ko ang hands on Dad na si Daryll sa kanilang panganay at soon to be kuya Darius. Yup, you heard it right. Natasha is 5 months pregnant sa kanilang baby girl. I'm sure na magiging kasing ganda ni Natasha si baby Nathalie. Well, maliban na lang kung kay Daryll magmamana ang bata. Hays, kawawa naman. Hahahaha. Napapaisip tuloy ako kung ano kayang magiging gender ng first baby namin ni Jessa? Gusto ko sana boy din pero okay lang naman kung girl. Hahahah actually kahit anong gender okay lang sakin basta magiging healthy ang baby. Teka-- ba't ba napunta na agad sa gender ng baby part? Nasa kasalan part pa lang tayo okay? Masyado naman ata akong naging excited.

Napatingin ako sa entrance ng simbahan kung saan nandoon ang Lolo ni Jessa na kanina pa tinitingnan ang relo niya. Nandon din ang kapatid niya na si Joshua. Lahat kami nakaready na para sa seremonya, isa na lang ang hinihintay, ang soon-to-be Mrs. Sevilla.

Lumipas pa ang ilang segundo, hanggang sa naging minuto at umabot ng isang oras. Nagpapanic na ang lahat ng nasa simbahan. Asan na ba kasi sila?! Don't tell me na hindi ako sinipot ni Jessa sa mismong araw ng kasal namin? No. Hindi 'to pwedeng mangyari.

Naramdaman ko na lang ang malakas na vibration ng cellphone ko. Kinuha ko agad ito. Tumatawag si Ms. Tracy.

"Hello, Ms. Tracy nasan na po ba kay--"




"Bryle, si Jessa.."


--

OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon