*ttok ttok*
Pinipilit kong huwag na lang pansinin ang tunog na nanggagaling mula sa pintuan ng unit ko. Ipinatong ko ang unan sa ibabaw ng tenga ko at sinubukang ipagpatuloy ang pagtulog ko pero hindi pa rin nagpatinag ang kumakatok sa pintuan ko. Siguraduhin niya lang na importante ang pakay niya, dahil binulabog niya ako sa ganitong oras. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ni Audrey. Nakasuot siya ng isang maluwag na tshirt na halos matakpan na ang maikli niyang short. Naalala kong kapitbahay ko nga pala ang babaeng to.
"Good morning, napadami kasi yung luto ko kaya pumunta ako dito. Eto o, para hindi ka na magluto ng uulamin mo." sabi niya sabay abot ng isang malaking tupper ware.
"Sa susunod na magluluto ka, siguraduhin mong yung kaya mo lang ubusin. May pagkain ako dito, sa iba mo na lang ibigay yan." sagot ko sabay sarado ng pinto.
Masyado bang rude yung ginawa ko? Nakakainis na kasi. Mula noong nalaman niya na magkatabi lang ang unit namin, lagi na siyang ganyan. Nagdadala siya ng mga kung anu anong ulam telling na napadami ang niluto niya. Hindi niya naman ako responsibilidad at isa pa, kaya kong magluto para sa sarili ko. Ayoko ding magkaroon pa ako ng utang na loob sa kanya since we're not even close to begin with.
A week ago, after ng meeting ni Dad with Mr. Salcedo, sinumulan na nila ang construction ng building na itatayo sa Baguio. Target kasi nila na mabuksan ito by christmas or early next year. I don't know pero kung ako ang tatanungin, ayoko ng makarinig pa ng kahit anong information na related sa Baguio. Hindi kasi maiwasang bumalik ng lahat ng masasakit na ala ala na nangyari sa akin doon. Magkakalahating taon na mula noong mawala siya pero hanggang ngayon sariwa pa sa akin ang lahat.
*beep*
: Pre, may nahanap na ako para sa next blind date mo. HAHAHAH g ka ba?
Napatawa na lang ako sa text sa akin ni Andrew. Nasundan pa yung unang walwal namin mula noong malaman kong nakauwi na siya. Siya, si Eadrian at ako, bumalik ang trio na binuo namin mula pa noong highschool. We often hangout together, lahat ng kagaguhan namin bumalik din. Well, except for Eadrian dahil engaged na ang loko kaya pagood boy kuno. Kami na lang ni Drew ang madalas tumambay sa mga club at makipagdate sa random strangers, yung fling fling lang. Papalipas oras kumbaga. At yung girlfriend niya? Hahah, nabuking na ang mga kalokohan niya kaya nakipagbreak din agad sa kaniya at sumama sa isang seaman. Kaya mas napadalas ang labas namin, sabay kaming nagwawalwal para makalimot. Binubugaw din ako ng lalaking to sa mga babaeng namemeet niya either in person or mga nakikilala sa chat. I should find someone daw na makakatulong sakin para magmove on.
"Pass muna ako hahaha."
Katatapos ko lang mag almusal nang muling may kumatok sa pinto. Hindi ba talaga titigil ang babaeng to? Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa kaniya na hindi niya ako kailangang dalhan ng kung anu ano dito sa unit ko, isa pa baka mamaya gayumahin pa ako nito. Mahirap na.
"Hindi ka ba talaga makaintindi?" sigaw ko kasabay ng pagbukas ko ng pinto. Nagulat ako nang ibang babae ang makita ko sa harapan ko, hindi si Audrey.
"I'm sorry. H-hindi ikaw yung tinutukoy ko." binawi ko agad ang sinabi ko nang makita ko ang reaksyon niya. Kahit sino naman siguro magugulat kung bigla silang sasabihan ng ganon matapos pagbuksan ng pinto.
"Francheska Salcedo, right? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"
"Cheska na lang. Sinabi kasi sa akin ni Mr. Sevilla na malapit lang daw dito yung unit mo kaya idinaan ko na dito ito." sabi niya sabay abot sa akin ng ilang mga folders at isang flash drive.
BINABASA MO ANG
OMHJ2: Still Jealous
RomanceDAHIL HINDI PA TAPOS ANG ISTORYA. > 10 chapters but alr at #816 - ROMANCE.