Chapter 9

161 6 4
                                    

Mabilis na lumipas ang tatlong araw. Wala kaming ibang pinagtalunan ni Dad kung hindi ang pagpunta namin ni Ms. Salcedo sa Baguio. Paano ba namang hindi ako magrereklamo, why do I need to stay in that traumatic place with that girl? And we're not just staying there for a few days or weeks but for the rest of the year. Sinabi ko na din kay Mom ang plano ni Dad but she can't do anything about it. Dagdag pa niya, maganda din daw na kahit papaano makagawa ako ng mga bagong memories sa Baguio para makalimutan ko yung mga masasakit. Sinubukan ko pa din namang ipaglaban ang side ko pero obviously, sila pa rin ang nasunod.

"Saan tayo pupunta kuya Ernie?" tanong ko sa driver nang bigla niyang iniliko ang sasakyan papasok sa isang subdivision.

"Pinapasundo po ng papa niyo yung makakasama niyo sa Baguio." magalang na tugon ni kuya Ernie.

"What did you mean na--" hindi ko na natapos ang pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan.

"Oh hey there!" masiglang bati sa akin ng isang babaeng nakasummer hat at shades. Bago pa man ako makapagreact ay agad na siyang sumakay sa sasakyan at umupo sa tabi ko.

Talagang kailangan kasama ko pa ang babaeng to sa byahe? Hindi pa ba sapat na makakasama ko siya sa buong taon? Kahit dito man lang sana hindi ko makita ang mukha niya. Ano bang pumasok sa isip ni Dad at bakit pinasundo niya pa ang babaeng to. Sa yaman ni Mr. Salcedo pwede na siyang kumuha ng isang private helicopter para dalhin 'tong anak niya sa Baguio.

"Ipapaalala ko lang sayo, Baguio ang pupuntahan natin at hindi Boracay." sabi ko habang nakatingin sa bintana, ayoko siyang tingnan dahil masyadong masakit sa mata ang ootd niya.

"Ganito talaga ang pormahan pag bakasyonista di mo ba alam?" hirit niya habang inaayos ang buhol buhol na wire ng earphone niya. Hindi ko alam pero sumasakit ang tenga ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya.

"Bakasyon? Pupunta tayo don para magtrabaho." paglilinaw ko dahil mukhang hindi ata naiintindihan ng babaeng to ang mga nangyayari sa paligid niya.

"Ya, whatever." sabi niya sabay salpak ng earphone sa mga tenga nya.

Napailing na lang ako. Mas mabuti na din yung ganito para naman kahit papano tahimik ang magiging byahe namin papuntang Baguio. Nakatingin lang ako sa bintana na para bang nasa isang music video. Nararamdaman kong unti unti na akong dinadalaw ng antok nang bigla nabasag ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

"AKIIIIINGGGGG SINTAAAA IKAW NA ANG TAHANAN AT MUNDOOHOOOO" birit ng babaeng nasa tabi ko na mukhang nakalimot na meron siyang kasama sa loob ng sasakyan. Napatingin ako agad sa kaniya at napansin feel na feel niya ang pagkanta kahit wala naman siya sa tono.

"Urgh-- kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman." iritado kong sigaw sa kaniya pero mukhang wala siyang naririnig dahil sa sobrang lakas ng volume ng earphone niya.

"SA PAAAAAGGGBALIKK MANANATILI NA SA PILING MOOOOO. MUNDO'Y MAHIGING IKAW TENENEN TENENEN"  pagpapatuloy niya na lalo pang nagpasakit sa ulo ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hilahin ang earphone niya para makuha ko ang atensyon nya.

"Ang sakit mo sa tenga kaya please, stop." sabi ko habang pilit pinapakalma ang sarili ko, konti na lang maihahagis ko na siya palabas ng bintana.


Inirapan lang niya ako at muling ibinalik ang earphones niya. Kinuha ko na lang ang headphone ko para kahit papaano ay hindi ko marinig ang sintonado niyang boses. Sa pagsuot ko ng headphone, pakiramdam ko nahanap ko na ang kapayapaan hahahah.

Yun bang pakiramdam na para kang nasa isang music video habang nakatingin sa bintana ng sasakyan at pinapanuod ang paglampas niyo sa bawat lugar na madadaanan. Naramdaman ko na lang na bigla akong dinalaw ng antok, ipinikit ko muna ang mga mata ko.










OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon