Chapter 11

119 3 0
                                    

8:47 ng gabi nang makauwi ako sa bahay matapos kong icheck ang lagay ng construction site at nagdinner na din sa labas.

Nakakapagtaka dahil hindi pa nakakauwi si Cheska mula sa dinner date kuno nila nung Mr. Galves. Chineck ko ang phone ko pero hindi pa din nasusundan yung huling message niya.








6:39 PM

Ms. Salcedo
Bryle, may susi ka naman nitong bahay diba? Hindi na kita maiintay. Andun na daw si Mr. Galvez sa meeting place namin hahah well dun lang naman yun sa building nila kaya malamang andon talaga sya. Anyways, wish me luck. Mukhang magkakajowa na ako pagbalik ko hmm.




Tsk. Ang harot talaga ng babaeng to. Akala ko pa naman bakasyon ang hanap niya dito sa Baguio, jowa pala. Mukhang enjoy na enjoy sila nung Mr. Galvez na yon ah at halos abutin na sila ng tatlong oras sa dinner.

Umupo na lang muna ako sa may couch at nanuod ng mga late night shows habang nag iintay na dalawin ng antok. Sa isang araw ko na lang gagawin yung weekly report namin kay Dad since mahaba pa naman ang oras ko.

Pumunta muna ako sa kusina para kumuha nang makakain. Masarap din yung may nangunguya habang nanunuod ng tv. Naghahanap ako nang mga chichirya sa may cabinet nang biglang mag ring ang phone ko. Agad akong bumalik sa sofa para sagutin ito.

Si Cheska. Ano na naman kayang balita ang dala ng babaeng to?





"Hello?" sagot ko nang itapat ito sa tenga ko.

"--bitawan mo ko! Hayop kaaa. Tulong!"

"Bakit ba napaka pakipot mo?"


"Hello, cheska?" medyo naguguluhan pa ako sa mga naririnig ko pero isa lang ang sigurado ko, boses ni Cheska yon at kaylangan niya ng tulong.





Kinuha ko agad ang jacket at ang susi ng kotse ko. Hindi ko na halos napatay ang tv sa sobrang pagmamadali ko--f*ck. Saan ako pupunta? Bulong ko sa sarili ko paghawak na paghawak ko sa manibela. Hindi ko naman alam kung saan dinala si Cheska.

Napasubsob na lang ako sa manibela habang nag iisip ng susunod na gagawin. Teka-- nakabukas kaya ang location ng babaeng yon? I tried tracing her location and thank God, malapit lang siya, sila. Sila nung kung sino mang demonyong kasama niya.

After about 6 minutes dito ako dinala ng google map:

Galvez Hotel And Casino



Sabi na't e. Hindi talaga maganda ang kutob ko dito sa Galvez na to.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at pumasok na din sa loob. F*ck. Sa sobrang laki ng building na to, san ako magsisimulang maghanap? Pilit ko munang kinalma ang sarili ko para makapag isip ng maayos. Lumapit ako sa front desk para magtanong.

"Excuse me miss, san yung appointment ni Ms. Salcedo at Mr. Galvez?"

"Sorry sir but we're not allowed to tell such details."

"I'm actually here kasi may mga pinadalang files sakin si Ms. Salcedo. I'm Bryle Sevilla, her business partner." sabi ko sabay pakita ng isang calling card, just in case na hindi sila maniwala na I'm also a businessman.

"Ohh-- you're the son of Mr. Fernando Sevilla? We're very sorry sir. Ms Salcedo is with Mr Galves at the 8th floor right now."



Nagmadali na agad ako papunta sa elevator matapos kong makuha ang impormasyong kailangan ko. Habang nasa loob ng elevator ay sinusubukan ko pa ring tawagan ang phone ni Cheska pero hindi na niya ito sinasagot. Ilang segundo pa at nakarating na din ako sa 8th floor. Hindi pa ako nakakalayo mula sa elevator ay natanaw ko na agad si Cheska na papalapit sa direksyon ko. May kasama siyang lalaki na nakaakbay sa kanya habang siya naman ay mistulang hinang hina sa paglalakad. Parang pamilyar sakin yung lalaking yon, pamilyar yung mukha niya. Mukhang g*go.

OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon