Agad kong binaba ang bag ko at tinanggal ang medyas ko. Dumeretso agad ako sa kama para makapagpahinga. Medyo maraming trabaho ngayon sa opisina. Dad keeps on talking about this new business partner na makakatulong para mas mapataas ang sales ng kompanya. Well, wala namang bago dahil lagi naman talagang about sa kompanya ang sinasabi niya. Kahit sa family dinner namin kanina puro tungkol sa business ang kinukwento niya. It's father's day pero hindi ramdam sa office dahil sa sobrang dami ng mga gawain.
Binuksan ko muna ang facebook ko at binati si Daryll. Parang kailan lang, tatay na ang tukmol na to. Offline siya. I'm sure he's celebrating this day happily kasama ang pamilya niya.
*beep*
: Bro sup? Si Andrew to. Nakuha ko kay Eadrian tong number mo. Arat sa nakasanayan. Game ka ba?
: G ako.
'Nakasanayan'. Ibig niyang sabihin doon sa madalas naming tinatambayan dati. Sa isang night club malapit dito. Taon na din ang binilang mula noong huli akong pumunta don.
I have this feeling na uumagahin ako doon so nagtext na agad ako kay Dad na hindi ako makakapasok bukas. Syempre uunahan ko na dahil kung hindi, sermon na naman ang aabutin ko lalo pa't imemeet na ata ni Dad bukas yung business partner na tinutukoy niya.
After a few minutes nakarating na din ako sa lugar. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan, bumungad na sa akin ang umaalingasaw na amoy ng usok mula sa sigarilyo ng mga nakatambay sa labas. Kakaiba sa pakiramdam, wala pa ring pinagbago ang lugar makalipas ang ilang taon.
Dumeretso na agad ako sa loob para hanapin si Andrew. Medyo madilim ang paligid pero natanaw ko na agad siya na nakaupo sa palagi naming pinupwestuhan dati. Gusto nila doon kasi medyo elevated sa table na yon kaya tanaw daw lahat ng mga chickababes mula ganoong anggulo.
"Kanina ka pa?" bungad ko.
"Di naman. Eto nga pala sina Eric at Axel. Guys, siya yung sinasabi ko sa inyo. Matinik yan sa chix hahaha" biro niya habang pinapakilala ako sa mga tropa niya.
"Sira hahah." napatawa na lang ako sa sinabi niya at umupo sa tabi nila.
Pansamantalang natahimik sa table namin. Napansin ko silang nakatitig lang sa kumpulan ng nga taong nagsasayawan sa gitna. Sa mukha pa lang ngayon ni Andrew, alam kong may nakikita na siyang target para mamaya. Back then, kapag natambay kami sa mga ganitong lugar nagpupustahan pa kami kung sinong unang makakakuha ng number ng pinakamagandang babae sa loob, ang laging nananalo syempre. At sa nakikita ko ngayon mukhang hindi pa rin nawawala kay Andrew ang ganitong bisyo. Tsk. Parang kanina kakasabi lang niya na susunduin niya yung girlfriend niya. Uminom na lang ako tutal matagal na akong nagquit sa mga ganong gawain. Good boy na kaya ako.
Maya maya pa, tumayo si Eric at nagsimulang makisayaw sa karamihan. Ang daming magagandang babae dito pero ewan ko ba kung bakit hindi ako naaattract sa kanila.
"Bro, wala ka bang natitipuhan?" bulong ni Andrew. Medyo malakas ang music kaya kinailangan ko pang ilapit ang tainga ko sa kanya.
"Pass muna ko." sagot ko.
"C'mon, hindi yan ang kilala kong Bryle Nickolo Sevilla hahaha." biro niya. Kung ikokompara ako sa noon, parang halos magkaibang tao. Kahit noong bago pa umuwi si Natasha sa Pilipinas, I've dated so many girls at lahat sila pampalipas lang ng oras. We have our ways kung paano makakapasok sa mga ganitong klaseng lugar kahit under age kami but that was before. Actually tama siya, malaki ang pinagbago ko mula noong nakilala ko si Jessa-- okay tama na. Sa tuwing naaalala ko siya, bumabalik lahat ng sakit.
Makalipas ang ilang minuto sumunod na tumayo si Andrew. Agad niyang nilapitan ang isang babaeng nakared na mini skirt. Tsk. Malupit talaga to pagdating sa mga babae. Ilang saglit pa ay mukhang nakapagpalagayan na sila ng loob. Lumingon siya sa akin saka kumindat, yun yung clue na magkanya kanya na kami dahil nakahanap na siya ng lalandiin niya buong gabi hahahha.
"Matinik talaga tong si Andrew." biro ko kay Axel. Kami na lang dalawa ang naiwan dito sa table.
"Hahah ganyan na yan ever since na magkakilala kami." sang ayon niya.
Uminom na lang kami ni Axel habang pinapanuod ang dalawa na dumiskarte sa mga babaeng nandito ngayon. Sigurado akong tong si Andrew ang nagturo kay Eric dahil basang basa ko na ang estilo niya pagdating sa mga babae.
"Axel?!" and speaking of babae. Isang babaeng nakadark red lipstick ang lumitaw sa harapan ng table namin.
Napatingin ako kay Axel na mukhang walang narinig habang inuubos ang beer na hawak niya.
"Hindi ako pwedeng magkamali, you're Axel right? Ako to si Audrey. Kailan ka pa nakauwi?" sunod sunod na tanong nito sa lalaking katabi ko.
"Tara sayaw tayo." yakag nito kay Axel namukhang walang pakialam sa nga nangyayari. Iba rin ang galawan ng babaeng ito. Kunyari pa nangangamusta, didiskarte lang pala.
Mukhang hindi pa siya nakuntento at hinatak niya ang braso ni Axel hanggang sa makatayo ito. Pagkatapos non, hindi ko na sila natanaw sa sobrang dami ng tao. Naiwan ako sa table namin na mag isa at walang ibang magawa kundi ang ubusin na lang ang drinks na inorder nila kanina.
"Hi, wala ka bang kasama?" bati sa akin ng isang babae hindi ko na maipaliwanag kung ano ang itsura niya dahil medyo nahihilo na din ako. Hindi pa man ako nakakasagot ay umupo na agad siya sa tabi ko.
"Yung mga katulad mo, hindi dapat hinahayaang mag isa. What's your name by the way?" bulong niya habang inaauos ang kwelyo ko.
"Bryle." matipid kong sagot.
"Hahah kasing gwapo mo yung pangalan mo. Steph..." may mga sumunod pa siyang sinabi pero hindi ko na yun naintindihan. Hindi ko na inintindi.
"Wait, natry mo na ba yung the best seller nila dito?" sabi niya saka umalis sa tabi ko. Pumunta siya sa counter at pagbalik niya may dala na siyang dalawang red wine glass.
"Try it." sabi niya sabay abot sa akin ng isang baso.
Ininom ko ito. Straight. Lasa pa lang pang best seller talaga. Nanatili ang si Steph sa tabi ko habang patuloy sa pagkkwento kahit sa totoo lang wala naman akong naiintindihan sa mga kinukwento niya.
Maya maya, biglang dumilim ang mga ilaw. Nagsalang ng bagong kanta ang Dj. Yung kantang parang nangaakit, nakakaantok. Napatingin ako sa paligid ko, kung hindi naghihipuan puro naglalaplapan ang nakikita ko.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko at iniharap ako sa kanya. Hinalikan niya ako, isang marahas at mapusok na halik. Hindi ako nagdalawang isip na tumugon sa mga halik na yon. Hinalikan ko siya na puno ng pananabik, na parang ang tagal ko ng hinahanap ang mga labi niya. Dahan dahan niyang inilayo ang mga labi niya sakin.
Ngumiti siya, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa second floor. Hindi ko na alam ang mga nangyayari pero sumasabay na lang ako sa agos. Dinala niya ako sa isang kwarto at tinulak sa isang malambot at puting kama. Tanging isang lampshade lang ang nabibigay liwanag sa buong kwarto. Pumaibabaw siya sa akin at nagsimulang isa isang tanggalin ang mga butones ng polo ko. Habang abala siya sa polo ko ay dahan dahan kong binaba ang zipper ng dress niya.
Pumaibabaw ako sa kanya at hinalikan ko siya sa leeg. Pamilyar sa akin ang amoy ng pabangong gamit niya. Hinalikan ko siya pataas sa kanyang mga labi habang naglalakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Hindi ko napigilang mapaungol nang ipasok niya ang kamay niya sa loob ng pants ko.
"Ugh-- Jessa."
Nagulat ako nang bigla niya akong itinulak palayo. Pinulot niya ang mga damit niya at sinampal ako. Kitang kita ko sa mga mata niya na nagulat din siya sa sinabi ko. Pagkatapos non ay dali dali na din siyang umalis ng kwarto ng wala man lang binibitawan na kahit isang salita.
Bigla akong nagising sa sampal na yon. Tng*na? Ano bang pumasok sa isip ko? Bakit ko ginawa yon? Bakit ko hinayaang humantong sa ganito? Bakit ako nagpadala sa emosyon ko? Fck. Salamat sa sampal na yon dahil natauhan ako ng mas maaga. I almost had sex with some random stranger?!
___
BINABASA MO ANG
OMHJ2: Still Jealous
RomanceDAHIL HINDI PA TAPOS ANG ISTORYA. > 10 chapters but alr at #816 - ROMANCE.