Chapter 4

226 7 3
                                    

* after five days *

Nakauwi na din kami from Baguio. Napakatraumatic ng nangyari samin doon, yung tipong hindi mo na gugustuhing bumalik pa. Naging kasing lamig ng puso ko ang paligid simula nung araw na nawala siya. Parang hanggang ngayon dala ko pa rin yung lamig galing Baguio.

Andito kami ngayon sa libing niya. Sa isang memorial cemetery kung saan din inilibing ang mga magulang niya. Minsan napapaisip na lang ako, at least ngayon kasama na niya ang mga magulang niya. Siguro maniniwala na lang ako sa sinasabi nilang lahat daw ng mga nangyayari, may dahilan. Kung anoman ang purpose ni Lord, hindi ko pa alam. Pero bahala na, iaasa ko na lang din kay Batman kahit mas gusto ko si Spiderman. Sabaw.

Pumunta dito ang lahat ng mga mahahalagang tao para kay Jessa at lahat ng mga nagmamahal sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Sa bawat umaga, paggising ko, siya pa rin ang hinahanap hanap ko. Hindi ko alam kung paano ko pa kakayanin ang mga susunod na araw na wala siya sa tabi ko.

Matapos ang libing ay nagpalipad kami ng mga puting lobo bilang pag-alala sa kanya. Hindi ko kayang i-let go lahat ng nararamdaman ko kasabay ng lobo na 'to. Lahat ng ala-ala niya, mananatili sa puso ko habang buhay.

"Alam ko kung gaano niyo kamahal ang isa't isa. Kung nasan man ang bestfriend ko, sigurado akong hindi niya gugustuhin na makita kang malungkot." sabi ni Christine sabay tapik sa balikat ko.

Ilang minuto pa at nagsimula na ding mag alisan ang mga nakipaglibing. Naiwan akong nakatayo sa harapan ng puntod niya.

Sobrang sakit habang tinitingnan ko ang lapida niya. Died: May 10, 2018. Ang dapat sanang araw ng kasal namin. Sht. Bigla kong naalala, ngayon nga pala dapat ang honeymoon vacation namin. Pinlano namin yon dati na one week after ng kasal, maga-out of town kami para sa honeymoon namin.

Biniro ko pa siya nung bridal shower niya. Sabi ko pag naghoneymoon kami dadalhin ko siya sa langit. Tsk. Ang unfair mo din talaga Jessa e. Ikaw ng mag isa yung nauna sa langit. Napatawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ako maggo-goodbye kasi alam kong magkikita din tayo diyan soon.

"Sa puso ko, ikaw pa rin ang misis ko."

Pagkatapos ng halos kalahating oras, napagpasyahan ko na din na umuwi. Sa bahay muna ako nina Mom and Dad tumutuloy para madistract naman ako kahit papano.

I'm on my way nang mapadaan ako sa isang bar. Hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok sa loob. It's been a while mula nang huli akong magpunta sa mga ganitong klaseng lugar. Syempre ayokong magalit sakin si Jessa kaya nagpaka-good boy ako.

"Sup pre!" bati sakin ni Eadrian na nagkataong nandito din pala. Parang kanina lang nakita ko pa 'to sa libing. Napakabilis talaga pagdating sa walwalan.

"Condolence nga pala ulit. Upo ka muna dito." sumabay na lang ako sa agos at nakiupo sa table nila. Kasama niya ang ilang tropa namin nung highschool kaya hindi naman ako maa-out of place tutal wala din naman akong kasama.

"Nabalitaan ko yung nangyari kay Jess, condolence."

"Condolence Bryle."

"Biglaan yon, condolence pre."

Bungad nila sa akin pagkaupong-pagkaupo ko. Gusto ko sanang makalimot kahit sandali lang kaya ako pumunta dito tapos ganito isasalubong nila sakin?

"Ang mabuti pa, iinom na lang natin yan para gumaan." sabi ni Eadrian sabay tawag sa waiter at umorder pa ng beer.

Kumuha agad ako ng isang bote at doon na mismo ako uminom. Napansin kong napatingin lahat sila sa akin.

"Naaalala mo noon pre, idea mo yon e. Idea mong pagselosin si Natasha hahaha."

OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon