11:30 AM
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ko. Buti na lang nakapagsabi na agad ako kay Dad na hindi ako makakapasok.
Sobrang sakit ng ulo ko. Ano nga bang nangyari kagabi?-- sht. Pakiramdam ko mas sumasakit ang ulo ko paga maiisip ko yung mga nangyari kagabi. Parang kagigising ko lang sa isang bangungot. Naalala ko nanaman ang kagaguhan ko. Hindi ko akalaing magagawa ko yon. Ako ba talaga yon? Buti na lang talaga at hindi natuloy yon. Anong inaakala ng babaeng yon ganon ganon niya na lang ako makukuha? Hahahahaha feeling virgin e. Ni hindi ko na nga matandaan ang itsura ng babaeng yon dahil sa sobrang kalasingan ko. Napaisip tuloy ako na maybe it was Jessa who saved me from that woman, na kahit wala na siya binabantayan niya pa rin ako.
Dumeretso agad ako sa ref para maghanap ng makakain. Paunti unti na din akong nasasanay na ganito, medyo tanggap ko na ang katotohanang mag isa na lang talaga ako. Masakit pero kailangang tanggapin, dahil kahit ano namang gawin ko wala na din namang mababago. Wala na siya.
It's been two months, dalawang buwan na puro sana. Dalawang buwan din akong umasa na kada umaga gigising ako at malalamang panaginip lang ang lahat, dalawang buwan na din akong nabibigo at sinasampal ng katotohanang hindi na siya babalik pa. Masakit, sobra. Masakit isipin na yung taong ilang taon mong nakasama, bigla na lang mawawala. Oo kasalanan ko lahat yung mga nangyari kagabi? Gusto ko lang makalimot. Gusto kong matanggal lahat ng sakit, kahit pansamantala lang.
If that way mas madali akong makakamove on then fine, gagawin ko.
Naalala kong may pinapaasikaso nga pala si Dad na mga papeles about sa pagbubukas namin ng branch sa Baguio. Mukhang naiwan ko ata sa office yung ibang mga papel. Ayoko na sanang pumuta sa office ngayon kaso kailangan ng maayos yun para sa meeting ni Dad with our new investors.
I have no choice but to go to the office. Mararatratan na naman ako ng sermon kapag hindi ko naayos yon on time.
Bumaba na ako sa condo at dumeretso sa parking lot nang biglang may kumalabit sa akin.
"Hi! Ikaw yon tama? Yung kasama ni Axel kagabi?" tanong sa akin ng isang babaeng mukhang pamilyar.
Teka-- sino si Axel?! Ay oo, siya nga pala yung kasama namin kagabi sa club. Sobrang dami kasing nangyari nung gabing yon kaya halos wala na akong matandaan.
"Audrey nga pala." sabi niya sabay abot ng kamay niya. Nakipagshake hands ako sa kanya. Syempre ayoko namang maoffend ko siya.
"Dito ka din pala nakatira?" tanong niya. Napatango na lang ako. Teka-- parang kagabi lang si Axel ang kinukulit neto ah? Bakit parang biglang close na kami kung makapagtanong siya?
"Ano nga palang name mo?" patuloy na tanong niya. Kaylangan ko pa ba talagang magpakilala sa kanya?
"I'm sorry miss pero may pupuntahan kasi ako e. So would you mind.." sabi ko sabay senyas na tumabi siya sa pintuan ng sasakyan ko. This conversation is getting too long for two strangers like us.
Nakasakay na ako ng sasakyan when she asked another question like seriously? May instant interview?
"Nagpapasundo ba girlfriend mo? Haha."
Hindi ko na siya pinansin at tuluyan ng umalis ng parking lot. Tsk. Iba na talaga ang mga babae sa panahon ngayon, sila na dumidiskarte. Ang hirap maging gwapo, nakakabadtrip.
I was able to reach the office in about 5 minutes since walang traffic at medyo malapit din naman to sa tinitirahan ko ngayon. Wala masyadong tao sa building. Nasaan naman kaya silang lahat?
BINABASA MO ANG
OMHJ2: Still Jealous
RomanceDAHIL HINDI PA TAPOS ANG ISTORYA. > 10 chapters but alr at #816 - ROMANCE.