Dumeretso muna ako sa balcony matapos kong magtimpla ng kape. Hindi na kami masyadong nagkibuan ni Cheska dahil sa nangyari kagabi. Madami ding gumulo sa isip ko nang makita ko ulit si Anthony. Hindi ko maikakailang kahit pa niloko nila ako ni Natasha, madami din akong mga nagawa para sirain siya noon."Andito ka lang pala." siyang dating ni Cheska na halatang kagigising lang.
Nanatili akong tahimik habang pinapalamig ang kape ko. Hindi na siya nagsalita ulit at nanatili na lang sa tabi ko habang nakatingin sa parehong direksyon na tinitingnan ko.
"Nga pala, may appointment ako mamaya kay Mr. Galvez. He's a good client, you should meet him when you're free." panimula niya.
"Mr. Galvez na naman? Hindi ka pa ba nadala sa nangyari kagabi?" sermon ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pag dating dun sa Galvez na yon e pupunta at pupunta siya kahit pa mapahamak.
"No worries, for sure na dodoblehin na nila yung security dahil sa insidente. Isa pa, sinigurado na din sakin ni Anthony na pagbabayarin niya yung ex ko." hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon e bidang bida pa din si Anthony sa mga kwento niya.
"Yan ang problema sayo e. Napakacareless mong babae to the point na hindi mo na iniisip yung mga taong nag aalala sayo." halatang nagulat siya sa sinabi ko. Ako rin. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang yon. Agad na lang akong umalis at hindi na inintay pa ang susunod niyang sasabihin.
Dumeretso muna ako sa sala at nanuod ng tv para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Makalipas ang ilang oras ay napansin ko si Cheska na nakabihis at paalis na ng bahay.
"Ang aga ng appointment mo kay Mr. Galvez ah."
"Mamaya pa. Punta lang ako sa ospital." sagot niya.
"Bakit? Anong nangyari?" napatayo agad ako sa sinabi niya.
"Ah wala naman. Pinapapunta ako ng ninong ko don. Dun kasi siya nagtatrabaho."
"Hatid na kita? Kunin ko lang susi ko." hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Agad ko ng pinatay ang tv at kinuha ang susi ng kotse sa kwarto ko.
Pumunta kami sa isang medical hospital. May kalayuan ito mula sa rest house na tinutuluyan namin ngayon.
"Sama ka sa loob?" aya niya nang makarating kami sa aming destinasyon.
"Intayin na lang kita dito." sagot ko.
Mula sa pinarkingan ko ay tanaw na tanaw ko si Cheska hanggang sa makapasok siya sa loob ng ospital. Naghanap na lang muna ako ng magandang estasyon ng radyo na pwedeng mapakinggan habang nag iintay sa kanya.
Makalipas ang halos kalahating oras ay naaninag ko na si Cheska na papalabas ng ospital. Kapansin pansin ang lalaking kasama niya na nagsuot agad ng shades pagkalabas na pagkalabas nila ng building. It's Anthony.. again.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ako na mismo ang bumaba ng kotse para salubungin siya. Inihatid pa siya ng mokong papunta sa direksyon ko. Nang makalapit si Cheska ay agad ko na siyang pinagbuksan ng pinto habang si Anthony ay nanatiling nakatayo sa harapan ng kotse.
"Anong meron sa inyong dalawa ni Cheska? Nililigawan mo ba siya?" usisa ng mokong. Hindi ko alam pero parang nag init ang ulo ko sa pagtatanong niya.
"Kung ano man ang meron samin, wala ka na don." sagot ko at pumasok na din sa loob ng kotse. Bumusina muna ako bago kami tuluyang umalis.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Sa tingin ko, sapat na ang mga nagawa ko noon kay Anthony para sa naging kasalanan niya sa akin. Kung tutuusin, halos quits na nga kami. Pero hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa tuwing makikita ko siya. Siguro ayoko lang na nakikita siyang malapit kay Cheska, bumabalik sakin ang mga nangyari dati. Nakakainis lang isipin.
BINABASA MO ANG
OMHJ2: Still Jealous
RomanceDAHIL HINDI PA TAPOS ANG ISTORYA. > 10 chapters but alr at #816 - ROMANCE.