Chapter 13

59 1 1
                                    

"Aba Bryle, wag mo namang solohin yung popcorn" utos niya sakin habang nakapatong ang mga paa niya sa hita ko.

"Oh ayan, sinosolo ko ba?" Pambabara ko habang inaabot sa kanya ang popcorn na binili namin kanina.

"Wait-- san mo ka nga pala nakakuha ng copy nitong 'Hello Love Goodbye'?"

"I have my ways hahahah ikaw kasi wala kang bilib sakin." Pagmamayabang ko. Pasalamat na lang siya at sinabayan ko ang trip niyang pagmomovie marathon ngayong maghapon.

Naging busy kasi kami nitong nakalipas na limang buwan sa construction site kaya sa tingin ko deserve naman namin na kahit papaano ay makapag chill dito sa bahay.

"Nga pala Ches, nasabi na ba sayo ni engineer yung bad news? Diba goal natin na matapos ang project before christmas para sakto ang opening sa pasko--" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang sawayin niya ako.

"Wait lang-- magandang part to. Ayy teka may bed scene omaygad?!" excited na sigaw niya habang hook na hook sa movie na pinapanuod namin.

"Ayy-- hindi natuloy?" hindi ko maiwasang hindi mapatulala sa kanya na halatang medyo nag expect ng kung anumang kababalaghang magaganap.

"Hahahah gusto mo ng bed scene?" napalingon siya sa akin bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa tanong ko.

"Oyy grabe ka ah hahahah ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?"

"Yung opening kako, hindi natin magagawa before christmas humihingi ng pa ng anim na buwan si Engr. Reyes." paliwanag ko.

"6 months? No problem." kalmadong sagot niya.

"How can you be so calm? 6 months pa tayong magsstay sa lugar na to. Nauumay na ko sa mukha mo hahah." Pang aasar ko sa kanya.

"Aba ang kapal Mr. Sevilla ah. Isang beses ka lang makakakita ng ganitong kagandang mukha sa buong buhay mo." pangangatwiran niya habang pabirong umawra sa harapan ko.






Nagulat ako nang bigla siyang inilapit ang mukha niya sa akin at tinitigan ako sa mata. Hindi ko alam pero para bang pansamantala akong natulala sa kanya. Parang ayaw nang umalis ng mga mata ko mula sa pagkakatitig sa mga mata niya.
























 Parang ayaw nang umalis ng mga mata ko mula sa pagkakatitig sa mga mata niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Baka naman matunaw ako niyan" bulong niya sabay ngiti. Agad naman akong napaiwas ng tingin nang mapagtantong ang lapit na pala ng mga mukha namin sa isa't isa.

"Tss. Pasalamat ka nga pumayag akong makasama ka sa project na to. Bibihira lang ang nabibigyan ng opportunity na makasama akong tumira sa iisang bubong." Pagmamayabang ko sabay tayo papunta na ako sa kwarto nang bigla siyang humirit.

OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon