Chapter 15

225 7 10
                                    

As I opened my eye, puro puti lang ang nakita ko. Patay na ba ako? Nope. I suddenly realized that I was just looking at our ceiling. Sino bang nag iwang bukas ng ilaw? Nakakasilo.

Babangon na sana ako nang bigla akong makaramdam ng hilo. Ang sakit ng ulo ko. Wtf did just happened last night? Wala akong maalala. Ni hindi ko matandaan kung paano ako nakarating ng kwarto kagabi. The more na iniisip ko, mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. Then I realized something--

N-nasan ang pangtaas ko? Dahan dahan kong iniangat ang kumot just to make sure na may natitira pa akong saplot. Wala na din ang slacks ko but luckily I'm still wearing the same shorts na suot ko kagabi. Ako ba yung nagtanggal ng damit ko-- or.. someone undressed me?!

Halos mabaliw ako kaiisip kung anong nangyari kagabi pero siguro naman I didn't do anything scandalous sa party last night diba?



"Ohh, kanina ka pa gising?" napatingin ako kay Cheska na mukhang napadaan sa harapan ng kwarto ko. Agad kong ibinalot ang sarili ko sa kumot.

"Ah, hindi naman kagigising gising lang."

"Nakahanda na yung breakfast, nauna na ako kasi akala ko mamaya pa gising mo" palabas na sana siya sa kwarto ko nang muli akong magsalita.

"A-ano nga palang nangyari kagabi sa party?" natigilan siya at lumigon sa direksyon ko.

"Tss. Di mo maalala mga pinaggagawa mo?" nagtataka niyang tanong saka tuluyang naglakad palabas ng kwarto ko. Uhm, magtatanong ba ako kung may naaalala ako diba?


Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Why does she made it sound like I did something stupid last night? Ughh. Mas lalong sumakit ang ulo ko. Wait-- no. Hindi pwede!!

Okay so what do have here.. a naked body of a man and-- that girl?! Hindi kaya??




Wala na akong sinayang na oras at nagsuot muna ako ng damit saka dumeretso sa kwarto niya, papalapit pa lang ako ay nakatingin na agad siya sakin habang may hawak na libro at humihigop ng kape.

"Umamin ka na, Ms. Cheska Salcedo, anong ginawa mo sakin kagabi?!" tanong ko pagkarating na pagkarating ko sa may pintuan niya. Bigla siyang nasamid sa tanong ko, does that mean na guilty sya?

"What the-- ano kamo?" tanong niya na para bang hindi ako narinig e kalinaw linaw naman ng pagkakasabi ko.

"Anong ginawa mo sakin kagabi? C'mon umamin ka na habang kaya pa kitang patawarin." sabi ko as I crossed my arms at naghintay sa susunod niyang sasabihin.

"At ano naman sa tingin mo ang gagawin ko sayo?" she's not even answering my questions. Binabalik lang niya sakin lahat.

"So could you please explain to me kung paano ako nakarating ng kwarto ng walang pang itaas e ang huling natatandaan ko ikaw lang naman ang kasama ko sa rooftop that time?" tanong ko na para bang isang imbestigador na nag aantay madulas ang dila ang suspect at ibulgar ang sarili niyang krimen.

"Unless.." sabi ko sabay dahan dahang lumapit sa kanya. Ibinaba niya muna ang baso at libro niya saka umayos sa pagkakasandal sa kama.

"Unless what?" tanong niya.

"Unless you brought me to my room and undressed me." sagot ko. Agad siyang napatayo at nagkalad papalapit sa akin.

"Hoy Bryle Nickolo Sevilla, anong gusto mong palabasin ha?" galit niyang tanong sa akin. Hindi ba tinuruang sumagot ang babaeng to at puro tanong na lang ang binabato sakin?

Anong gusto kong palabasin? Ano bang gusto niyang ilabas ko-- may lumabas ba kagabi? ugHh sumasakit ang lalo ang ulo ko sa babaeng to.

"Una sa lahat, wag ka ng iinom ng hindi mo naman kayang ihandle tapos mag aakusa ka sa iba na parang pinagsamantalahan ka--"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon