Mabilis na lumipas ang mga araw magmula nang dumating sila manang Minda dito sa bahay. Siguro dahil mas napadali ang buhay namin dahil hindi na namin kailangan pang asikasuhin yung mga kakainin namin at iba pang gawain dito, mas nakapagfocus kami sa trabaho namin.
Ewan ko ba pero parang simula noong dumating sila manang e parang nagkahiyaan na din kami ni Cheska. I mean parang hindi yung usual na nagbibiruan at nag aasaran kami, siguro dahil alam namin pareho na meron na kaming ibang kasama and that they might get the wrong idea.
Pumunta ako sa balcony para magpahangin, sakto namang nakita ko din doon si Cheska habang humihigop ng kape niya. Perfect ang view mula sa balcony namin, tanaw na tanaw mo ang mga maliliit na bahay sa malayo at sa umaga naman ay bubungad sayo ang makapal na hamog.
"Good morning!" bati ko. Napalingon siya sa akin at muling humigop ng kape niya.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ko sabay upo sa may pasemano.
"Wala naman, ang dami ko lang narealize during my stay here." sabi niya saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Parang bigla kong nakaramdaman ang magkahalong pagod at stress mula sa mga mata niya.
"Tulad ng?" usisa ko.
"Basta." sagot niya sa tonong para bang ayaw niyang pakialaman ko siya.
"Nga pala ready ka na ba para mamaya?" bigla niyang binasag ang katahimikan nang mapansin niyang hindi na ako kumibo
"Anong meron?"
"Diba mamaya na yung christmas party??"
"Mamaya na ba agad yon?" sunod sunod ang naging palitan namin ng mga tanong.
"Akala ko next week pa yon hahah" pabiro kong sagot.
"But that week is this week Bry." sagot niya. Napatayo ako mula sa pagkakaupo at dali daling nagtungo sa aking kwarto para icheck ang susuotin ko para mamaya.
"Ayy nako bryle, don't tell me na nakalimutan mo talaga?!" tanong niya habang nakasunod sa akin.
Hindi ko na siya nasagot at agad na kong dumeretso sa closet para tingnan kung alin ang pwede kong suotin. Naglabas ako ng ilang mga polo at necktie para makapamili ako nang ayos.
"Para san to?" tanong ni cheska sabay upo sa kama ko.
"Baka para bukas kasi mamaya na yung christmas party diba?" iritable kong sagot.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at nilikom ang mga damit na inilagay ko sa kama. Lumapit siya sa akin at iniabot ito.
"Anong ginagawa mo?"
"No need okay. Hindi ba nasabi sayo ng event organizer na dapat nakacostume ang mga pupunta?"
"What the--?" bat kailangan naka costume pa? Ano to children's party? Bakit hindi manlang ako nainform?
"At saan naman ako hahanap ng costume e--" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang inilapat niya ang hintuturo niya sa mga labi ko.
"Keep calm and trust me okay? Nakaready na ang lahat. May costume na and everything so yes I know, I know.. You're welcome okay?" bat parang mas kinabahan ako nung sinabi niyang nakaready na ang lahat?
Pumunta kami sa kwarto niya kung saan daw niya itinabi ang mga pwede naming suotin para mamaya.
"Dineliver yan dito siguro mga two days ago. Nasa site ka that time kaya ako na tumanggap tapos nakalimutan ko namang sabihin sayo nung gabi kasi busy ka for the report." paliwanag niya. Binuksan ko yung kahot at tumambad sa akin ang ilang mga santa, rudolph at costumes ng mga duwende ni santa.
BINABASA MO ANG
OMHJ2: Still Jealous
RomanceDAHIL HINDI PA TAPOS ANG ISTORYA. > 10 chapters but alr at #816 - ROMANCE.