Chapter 2

338 10 7
                                    

Halos manlambot ang mga tuhod ko sa sinabi ni Ms. Tracy.

Bryle, si Jessa naaksidente. N-nasa daan na kami k-kanina tapos may nadinig kaming p-pagsabog. Napababa kami ng mga kasama ko t-tapos nakita na lang namin yung bridal car na u-umaapoy sa may bangin.


Bakit? Bakit nangyayari ang lahat ng 'to? Imposible. Hindi totoo 'to. Bakit ngayon pa? Bakit sa mismong araw pa ng kasal namin? Bakit si Jessa? Pwede namang iba na lang. Ang daming tanong sa isip ko. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari.

"Hijo anong nangyari?"

"Lo, si Jessa daw po.." sa totoo lang hindi ko alam kung pano sasabihin sa kanila 'to. Napansin ko ang kaba sa mukha ni Lolo. Nag-iintay siya sa susunod na sasabihin ko.

"Naaksidente.."

Napahawak si Lolo sa dibdib niya. Hinawakan niya ako ng mahigpit. Agad na lumapit yung iba pang mga bisita para sumaklolo.

"Tumawag kayo ng ambulansya bilis!"

Sumasakit na ulo ko sa mga nangyayari. Si Jessa naaksidente tapos yung Lolo naman niya inatake. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Bryle, magpakatatag ka." sabi ni Daryll sabay tapik sa likod ko.

"Paano ako magpapakatatag ngayon? Sabihin mo nga sakin."

Nanlalabo na ang mga mata ko. Gusto kong ilabas lahat ng inis na nararamdaman ko ngayon. Bakit kailangang mangyari ng lahat ng 'to sakin? Ano bang naging kasalanan ko?

"Arggh!" sigaw ko sabay sipa sa mga bulaklak na nakahalera sa gilid ng bawat upuan. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko.

"Tama na Bryle, tama na." hinawakan ni Daryll ang mga braso ko para pigilan ako.



Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Para akong sasabog sa galit, sa inis, sa lungkot at sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

*beep beep*

Kinuha ko agad ang cellphone ko nang magvibrate ito. Isang message mula kay Ms. Tracy, nasa ospital na daw sila kung saan dinala sina Jessa at ang driver ng bridal car na sinasakyan niya.

Parang hindi ko yata kayang pumunta doon at makita ang katawan ng dapat sana'y magiging asawa ko pero malay naman natin mapagaling nila si Jessa. Wala namang imposible. Ayokong mag-isip ng mga negatibong bagay sa pagkakataong ito.


Dumeretso na ako sa labas ng simbahan kung saan nakapark ang kotse ko. Gusto pa sanang sumama ni Daryll sakin pero mas minabuti kong maiwan na lang siya dito dahil alam kong mas kailangan siya
ng mag-iina niya.

Ilang minuto pa at nakarating na ako sa ospital na sinabi ni Ms. Tracy sa text message niya. Hindi ko kayang pumasok sa loob, kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Sana ligtas siya. Ayos lang na hindi matuloy ang kasal basta ligtas siya ayos na sa akin yon.

"Bryle.." tawag sakin ni Ms. Tracy na naghihintay sa may hallway.

"Anong g-ginagawa niyo dito sa labas ng m-morgue?" hindi ko maiwasang hindi mautal nang bigkasin ko ang salitang yon. Morgue.

"Bryle.. halos hindi na makilala ang mga katawan nila dahil sa pagsabog."


Nagpantig ba ang tenga ko? Ano? Bakit? Anong nangyari?! Bakit umabot dito ang lahat? Bakit hindi ko manlang siya nakita?
Wala dapat ako dito e. Wala dapat kami dito.

Sinuntok ko ng sinuntok ang pader ng ospital. Sa ganitong paraan ko na lang mailalabas ang lahat ng galit ko. Parang ayoko ng mabuhay. Hindi ko na namalayan na dumudugo na pala ang kamao ko. Masakit, pero mas masakit pa rin yung mawala yung taong mahal mo.

OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon