Chapter 10

178 5 3
                                    

Isang mabangong amoy ng nilulutong pagkain ang gumising sa akin ngayong umaga. Nalalamin muna ako bago ako lumabas ng kwarto. Syet ang gwapo.

Bumaba na ako sa kusina para tingnan kung saan nanggagaling ang amoy na yon. Dalawang palapag kasi itong tinutuluyan namin. I'm not so sure kung isa ba to sa mga ipinagawang rest house ng family namin or kina Mr. Salcedo.

"Oh bryle! Gising ka na pala. Good morning!" bati ni Cheska habang abalang hinahalo ang kung anumang niluluto niya sa kaldero.

"May pancake dyan, kumain ka na muna kung nagugutom ka na." alok niya.

Kumuha na ako ng tinidor at saka tinikman ang pancake na sa palagay ko, siya rin ang nagluto.

"Nga pala, galing na ako sa site kanina. Baka kasi masama pa ang pakiramdam mo kaya hindi na kita ginising. Pinicturan ko na lang para makita mo din." sabi niya sabay abot sa akin ng cellphone niya.


Well, may mga pagkakataon palang walang saltik sa utak ang babaeng to. Kung ganito siya palagi, magkakasundo kami basta wag lang siyang kakanta okay na yon sakin.

Base sa pictures na sinend niya iilang materyales pa lang ang nandon, kaya siguro hindi agad masimulan ang pagtatayo ng pundasyon ng building. Sa kabilang banda, mukha namang maayos ang pagkakatambak nila ng lupa don. Unang araw pa lang naman namin dito and isa pa hindi naman namin goal na madaliin itong project, ang importante e maging matibay ang resulta.

Nawili ako sa pagsswipe ng mga pictures sa gallery niya. Grabe, napakadami palang selfie ng babaeng to kahapon habang nasa byahe kami. Hindi pa man kami nakakarating ng baguio pinuno niya na agad ang gallery nya. Hindi ko naman tinatanggi, maganda naman siya kaso nga lang minsan nawawala sa katinuan. Teka-- ano to?!




"Teka-- ako ba to? Bakit may picture tayong dalawa dito?!" napataas ang boses ko nang makita ko ang isang picture na hindi ko alam kung saan at paano niya nakunan.

"Ah yan? HAHAHAHH" pang aasar niya sabay hablot ng cellphone niya mula sa mga kamay ko.

"Last year pa ata yan, basta months ago. I saw this drunk man sa may tulay, he was suicidal that time. Pauwi na ko non from a friend's house nang makita ko siya. Hinila na ko siya agad bago niya pa man magawa ang plano niya, then i took a selfie hehe." paliwanag niya.

Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong magpasalamat na niligtas niya ang buhay ko o mainis dahil nakuha niya pang magpicture sa gitna ng ganong klaseng sitwasyon.

"Thanks for saving him pero bat kaylangan pang magselfie?"

"Well, mahilig talaga ako magselfie e. Selfie muna bago magpakamatay." sabi niya sabay talikod sa akin at bumalik sa pagluluto.

Tama! Naaalala ko na, siya pala yung pakialamerang babaeng pumigil sa aking tumalon that night. What a small world nga naman. Badtrip na badtrip ako that night dahil sa kanya, gustong gusto ko ng tapusin buhay ko non e. Kung di dahil sa pakialamerang to, magkasama na sana kami ni Jessa sa kabilang buhay.

"Ano bang nangyari sayo that night?"

"Long story." matipid kong sagot.

"Hmm, marami naman tayong oras para magkwentuhan e. Makikinig ako." sabi niya na halatang intresadong malaman ang mga nangyari.

"Ayokong ikwento." napagpasyahan ko ng umalis tutal mukhang mabbwisit lang ako kapag nangulit pa ang babaeng to.







Dumeretso na lang ako sa sala para manuod ng tv. Bakit ko pa ikukwento? Wala namang mangyayari kahit ikwento ko e, wala na siya. Ayoko ng balikan pa lahat ng sakit. Gusto ko ng kalimutan. Gusto ko sa pagsstay ko dito matulungan ko yung sarili ko na magmove on.

OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon