Chapter 3

261 12 2
                                    

Hindi ko namalayang pagabi na pala. Ang daming nangyari ngayong araw pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng isang panaginip.

Naramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko, hindi pa pala ako nagtatanghalian. Sa reception na kasi dapat kami kakain ng lunch pero wala.. wala na lahat. Nakareceive ako ng text kanina mula kay Joshua, maayos na daw ang lagay ni Lolo. Kaylangan lang mamonitor ang blood pressure niya at pwede na ding ilabas ng ospital bukas.

Nandito ako ngayon sa bahay, bahay sana namin ngayon ng misis ko. Ang tagal naming pinag-ipunan ang bahay na 'to para pag ikinasal kami meron na agad kaming matitirahan. Si Jessa ang pumili at nag asikaso design ng bahay na 'to. Yon siguro ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang presensya niya kapag nandito ako. Parang nakikita ko siya kahit saan ako tumingin.

Binuksan ko ang ref para maghanap ng makakain, pero wala, wala maliban sa isang pitsel na tubig. Dati tuwing magkasama kami ni Jessa dito, laging puno ang ref. Mahilig kasi siyang magstock ng mga pagkain sa ref para daw in case na magutom ako, laging may pagkain. Ganon siya kaasikaso pagdating sakin. Ang sakit. Ang sakit isipin na wala na siya at sa ganitong paraan pa. Sana kasi sinama niya na lang ako para hindi ko na kailangang mahirapan ng ganito.

Napagpasyahan kong magpadeliver na lang ng pagkain dahil gabi na at wala din namang pwedeng lutuin dito sa bahay. Binuksan ko muna ang tv para kahit papano ay mabasag ang katahimikang bumabalot sa buong bahay.


"Bryle, ilipat mo naman dun sa mga teleserye! Alam mo naman na di ako mahilig sa basketball e."



Napatawa na lang ako sa sarili ko. Yun bang sa parang pagkurap mo pakiramdam mo kasama mo na ulit siya, maririnig mo ang boses niya at nakikita mo ang mukha niya pero.. sa isang iglap, mawawala din lahat.

Nagulat ako sa tunog ng doorbell, hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako lumabas para kunin ang inorder ko.

"Here's your order sir."

Pumasok na din ako sa loob pagkaabot ko ng bayad at sinaraduhan ang pinto. Wala akong ganang kumain ngayon kaya chicken at beer na lang ang inorder ko. Yup, chicken at beer. Sabi nga sa kanta iinom na lang natin kasi yann~ bawal ang malungkot pare hindi pwede yan-- tsk. Sino bang hindi malulungkot sa sitwasyon ko ngayon?

Kinain ko na lang ang inorder ko habang nagpapalipas ng oras sa harapan ng tv. Sa totoo lang, aaminin ko sa inyo, hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari sa buhay ko. Kung ano ng gagawin ko bukas? Kung ano nang mangyayari sakin? Parang biglang nawalan ng direksyon ang lahat. Sabi nila lahat naman daw ng mga bagay na nangyayari, may dahilan. E anong dahilan nito? Bakit nagyayari 'to? Para pahirapan ako? Naging mabuting tao naman ako ah? Hindi naman ako nanghoholdap o nangbubudol tulad ng iba diyan pero bakit kailangang sakin pa mangyari ang ganito? Lord, ano bang naging kasalanan ko sa'yo?





--





"Bryle, gising na. Tanghali na oy." nagising ako sa isang pamilyar na boses.

"Jessa?" sabi ko habang kinakapa ang mukha niya. Sabi na't nananaginip lang ako e. Isang mahabang panaginip lang yon, sa wakas at pwede na ding bimalik sa normal ang lahat.

"Fck pre, si Daryll to." nawala ang antok ko sa narinig ko. Bigla kong nasampal ang mukha niya.

"Aray naman. Ikaw na nga ginising, ikaw pa nanakit." sabi niya sabay hawak sa pisngi niya. Sabi nga nila, magbiro na daw sa lasing wag lang sa bagong gising. Kung ganon ba naman ang bubungad sa'yo sa umaga, parang hindi pa man nagsisimula, sira na agad ang araw mo.

OMHJ2: Still JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon