AIANA'S POINT OF VIEW
Papunta akong paaralan na parang binagsakan ng ilang kilo ng lupa. Dahil sa nagabihan na ako ng uwi at ang masaklap, natanggal pa ako sa part time job ko.
"Oh besh, ba't anlanta mo ngayon? Mukha kang gulay na inuuod at inaanay." bungad sa'kin ni Shamara.
"Grabe ka naman makalanta sakin" sabay simangot ko ng nakanguso. "Nasisante kasi ako sa part time job ko. Besh, ano nang gagawin ko?! Wala na kong trabaho! Eh di, di na ko makagagawa ng projects sa school, di na ko makakakain tapos mauuhaw pa ako tapos unti-unti akong mamamatay tapos wala akong pambili ng kabaong ko tapos wala akong pambaya--"
"Ang nega mo besh! Tumahimik ka nga! Di mangyayari yan, 'no? Lahat ng problema, may sulusyon!" singit ni Eunice, nabuhayan naman ako dun.
"Oo nga, 'no? Yipie!" at nagtatalon-talon na ako sa tuwa.
Napakababaw talaga ng kaligayahan ko, napakabilis magbago ang mood ko, natatawa tuloy ako sa sarili ko. Kahit marami ng nakatingin sakin at nagatataka sa kinikilos ko, wala parin akong paki! Wala namang masama sa pagiging masaya ah? Napatigil ako katatalon ng may bumangga sakin ng sobrang lakas.
"Arouch!" inda ko ng madapa ako sa lakas ng bangga.
Ansakit ah! Halos masubsob pa ko sa semento rito sa hallway, langya! Mabuti na lang at di natuloy kundi talagang sira 'tong mukha kong parang sira na, tsk!
"Besh! Ok ka lang ba?" lapit ni Eunice sakin, halata mo ang pag-aalala niya.
"Tange! Ok ba 'yan? Dumudugo ang tuhod ni besh!" singit ni Shamara na nag-aalala rin.
Napatingin ako sa tuhod ko.
"Waaah! Besh! May dugo! May dugo! May dugo!" natataranta kong sigaw at umiiyak na.
Lord, hemophobic po ako! Parang gusto kong sumuka, na parang mahihimatay ako. Kahit kaunting dugo lang ang nakikita ko, argh! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin lang sa tuhod kong may kaunting dugo na hinihingal pa rin, nanlalaki ang mga mata at takot na takot.
"Hoy lalake!" sigaw ni Shamara.
Napatingin ako sa kinaroroonan niya habang hinihingal pa rin. Hinahagod ni Eunice ang likuran ko para pakalmahin ako. Tinanggal niya ang sapatos niya at handang batuhan yung walang hiyang kutong lupa na bumangga sakin. Langya, di na nahiya si besh eh, 'no? Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili bago ko minulat ang mga mata ko.
"Besh! Ok lang ako, galos lang 'to, 'no?!" sigaw ko kay Shamara habang nakangiti ng pilit nung handa na niyang ibato ang sapatos niya.
Sinuot niya naman balik ang sapatos niya at lumapit samin. Susme, walang hiya talaga ang mga kaibigan ko. Mabuti pa ko, mas walang hiya...
"May tama ka ba, besh? Kung makaiyak ka kanina, parang sobrang lalim ng sugat mo tapos sisigawan mo kong 'ok lang ako, galos lang 'to, 'no!' Engeng ka ba? Napahubad pa ko ng sapatos dahil talagang nataranta ka tapos umiyak pa tapos ano? Ok ka lang pala?! Nakaka-stress kang babae ka, ha? Ho!" suway ni Shamara sa'kin.
Grabe talaga 'to, amp! Parang nanay ko kung makasermon sakin pero love na love ko pa rin!
"Ahehe, sorry!" sabay ngiti ko ng peke. "Pero ok lang talaga, kailangan ko lang ng band-aid. Tulungan niyo kong tumayo, dali!" sabi ko na lang sa lahat ng sinabi ni Shamara sakin.
Inalalayan naman nila ako na makatayo.
"Pero yung totoo...masakit talaga siya! Saka takot ako sa dugo, besh!" sabay malakas akong umiyak.
Kanina pa tingin ng tingin ang mga estudyante sakin ah! Ganda ko na ba masyado?! Ngayon lang ba sila nakakita ng diyosang umiiyak sa hallway?! Kung sabagay, mga engkanto ang mga estudyante rito sa eskwelahan, hihi!
"Dun tayo sa clinic, dali!" aya ni Eunice.
Napatigil ako at nanlaki ang mga cute at magagandang mga mata ko sa sinabi ni besh. Clinic ba yung narinig ko? Clinic ba yun? Ha?
"A-ayoko besh..." nanginginig kong tanggi.
Alam ko sa sarili kong namumutla na ko, ayoko talaga sa clinic...
"Sige na!" pilit ni Shamara sakin.
Pumipiglas naman ako at pinipilit na di makaladkad ng dalawang 'to, ayoko sa clinic!
"Sige na besh! Para magamot yang sugat mo! Nahihiya ka ba?" pilit ni Eunice.
"'Wag kang mahiya, ok lang naman magpabalik-balik sa clinic eh. Ganyan talaga 'pag maraming katangahan ang nangyayari sa buhay mo, palagi kang masusugatan." natatawang saad ni Shamara.
Napanguso naman ako sa sinabi niya. Bad talaga ang mga besh ko, hmp!
"Ayoko talaga besh! Bumili na lang tayo ng band aid, please!" mangiyak-ngiyak kong pagmamakaawa sa kanila.
Napatigil sila saglit at ilang sandali ang lumipas, dahil demonyo ang mga kaibigan ko, nakakayanan na nilang makaladkad ako dahil dalawang malaking demonyo sila.
"Waaah! Ayokong pumunta sa clinic!" malakas kong iyak at mas dumami ang napatingin sa lakas ng iyak ko.
Wala akong laban sa kanilang dalawa, hmp! Pinagtulungan pa talaga ako eh, 'no?! Wala akong magawa kundi ang sumama na lang.
Mga salbahe talaga sila, hmp! P'ano nila magawang pahamakin ako at masaktan? Ayoko na sa kanila! Pero joke lang, hehe. Minsan lang kasi makakikita ng mababait na demonyo...
Nakarating kami sa clinic at umiiyak pa rin ako, my death is coming. Nung pumasok kami sa clinic, natisod pa ko sa pintuan, nasabihan pa ko ni Eunice ng tanga.'Di naman ako tanga, ah? 'Di lang naman ako ang natitisod sa mundo eh, hmp!
"Ano na naman ang nangyari sayo, miss Aiana?" medyo natatawang tanong ni nurse.
Tignan mo nga naman 'tong nurse! Tinatawanan pa ko, umiiyak na nga ko dahil malapit na ang pangyayaring napakaayoko sa lahat!
Pinaupo ako ni nurse sa sofa na nandun sa sala. Napaka-rich naman ng eskwelahang 'to! May pa-sofa pang nalalaman! Kinuha na ni nurse ang first aid kit at nilabas ang alcohol.
"Waaah! 'Wag mong lalagyan ng alcohol ang sugat ko!" sigaw kong banta.
"Miss Aiana, kailangan natin lagyan ng al--"
"'Wag sabi eh!" putol ko sa sasabihin ng nurse. "Alam mo naman pong yan ang tinatakbuhan ko 'pag pinapagamot ako ng mga demonyo kong mga kaibigan dito!" iyak ko naman.
Sobrang sakit ng alcohol! Pero infairness, parang biglang nawala ng saglit ang takot ko sa dugo pero, tsk! Natakot na naman ako, inisip ko pa kasi eh!
"Pero kai--"
"Waaah! Masakit nga kasi ang alcohol! Iba na lang, please!" pagmamakaawa ko sabay tago ko ng tuhod ko.
Napabuntong hininga na lang ang nurse at binalik ang alcohol.
"Ito na lang." at nilabas niya ang betadine.
"Sige-sige." nakangisi kong sang-ayon na tumango pa ng ilang beses.
Napatingin ako sa tuhod ko at nakita ang bagay na kinatatakutan ko, nakaramdam na naman ako ng takot at nanginig na naman. Umiwas ako ng tingin at nakita ko namang napailing ang dalawa, ngiting malawak na lang ang ipinakita ko sa kanila, biglang nawala ang takot ko. Ilang minuto lang at natapos na ang paggamot sa sugat kong ubod ng laki na talagang kailangan akong isugod sa clinic na 'to.
"Ang o.a mo kanina besh." tawa ni Eunice.
"Eh masakit kasi ang alcohol, try mo kaya." simangot ko.
"Ok lang yan." tawa rin ni Shamara.
Tawa ng tawa sina besh habang ako naman ay nakasimangot.
"Meany!" tampo ko.
"Tara na nga sa room!" aya na lang ni Eunice na natatawa pa rin.
'Pag uwian na, maghahanap agad ako ng trabaho. You can do it, Yana! Fighting!
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Boyfriend (EDITING)
ActionScholar woman whose only desire is to live normally without a hitch, no trouble and no affirmation.