Chapter 6

3.6K 58 1
                                    


AIANA'S POINT OF VIEW

Papasok na ko ng bahay nila Dwight habang may lollipop sa bibig, patalon-talon pa ko kung maglakad.

Hmmm...kamusta na kaya si Dwight? Nakatakas na kaya siya? Gosh! P'ano kung 'di pa siya nakatakas? Edi SISANTE ang makukuha ko kung maabutan namin siya sa morgue! 'Di pa nga ako nakaka-isang araw, maaga palang eh, 'di pa 5:23pm!

Agad kong nakita si ate Bella at kuya Cyrus sa sala na naka-upo sa couch. Nakaakbay si kuya Cyrus kay ate Bella. Nakatalikod sila sa kinaroroonan ko. Ang sweet talaga nila!

"Good afternoon ate Bella at kuya Cyrus!" bati ko.

Napalingon sila sa'kin.

"Aiana! Ba't ngayon ka lang?!" sabik na sambit ni ate Bella.

"N-nakatulog po kasi ako sa apartment eh, hehe" sagot ko.

Sasabihin ko bang nakidnap si Dwight? 'Wag na, sus! Pero p'ano kung walang kalaban-laban si Dwight? Edi 'di lang siya ang dedo, pati na rin ako!

"Ate Bella, si D--"

Napahinto ako sa sasabihin ko ng marinig naming bumukas ang pinto, lumingon kaming tatlo sa pinto.

"DWIGHT!" tuwang-tuwa na sigaw ko sabay takbo palapit sa kan'ya sabay yakap pa.

"Psh, fc" rinig kong bulong niya habang nakayakap ako.

"Ok ka lang ba? May pasa ka ba? Sinaktan ka ba nila? Natalo mo ba sila? P'ano ka nakawala?" sunod-sunod na tanong ko habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa balikat niya at sinuri ang buong katawan niya.

"None of your business" napabitiw ako sa balikat niya.

"Anong none of your business-none of your business ka d'yan? Nakidnap ka kaya at bodyguard mo ko!" sabat ko.

"Hell I care" sabi niya at nilagpasan ako.

"Hell I care-hell I care ka d'yan, hmp!" sagot ko.

P'ano kaya siya nakatakas sa mga kidnappers?

Bumalik nalang ako sa kinaroroonan nila ate Bella pero hinila ako ni Dwight papuntang garden.

Yie! Ito na ba 'yong scene na nababasa ko sa watty?  Na magco-confess na ang lalake sa babae tapos manliligaw si lalake at kalaunan ay sasagutin siya ni babae?! Yie! Kinikilig tuloy ako sa iniisip ko!

"Upo" utos sa'kin ni Dwight, umupo naman ako sa tabi niya.

"Bakit alaga?" nakangiting tanong ko.

"How?" tanong niya agad.

"How? How-how de karabaw de batutin, sayang pula tatl--"

"Tanga"

Napatigil ako sa pagkanta ko ng sinabi niya 'yon. Grabe siya, hmmp!

"Kumpletuhin mo kasi ang tanong mo, hindi 'yong 'how' lang. Sino kayang mas tanga satin" sabay iwas ko sa kanya at hininaan ang huling sinabi ko.

"Tsss... How did you know that someone kidnapped me?" tanong niya.

Ay! 'Yon lang pala. 'Kala ko pa naman gusto niya rin ako, ouch...

"Nakita kasi kita kanina ng lumalakad ako papunta sa bahay niyo. Tatakbo na sana ako palapit sayo pero dinukot ka ng mga kidnappers. Napatago nalang ako sa halaman baka madukot din ako at isa pa, wala naman akong kalaban-laban sa mga d'on 'no. Ang iba sa kanila ay may hawak na baril" malungkot na explain ko.

Mafia Boss Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon