Chapter 2

6K 98 0
                                    

Ho! Natapos na rin ang klase, uwian na! Yipie! Party, party! Tugs! Tugs! Tugs! Tugs!

Agad akong lumabas ng classroom at tinungo ang locker room para ilagay dun ang mga librong dala ko saka lumabas ng paaralan. Naghanap na ako ng taxi ng makapagpaalam na ako kina Shamara. Nung nakauwi na ako ay agad akong nagbihis at lumabas ulit ng bahay para maghanap ng trabaho. Habang naglalakad ako ay may nakita akong sari-sari store kaya napabili ako.

"Lollipop po!" masaya kong sigaw.

My lolli, come to mamuh!

Pagkatapos kong bumili ay naglakad-lakad na lang ako, wala akong paki kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. 'Di ko namalayan na nakaabot na pala ako sa school. Paanong nangyari yun? 'Di bale na nga, makapaglibot-libot na lang muna. Habang naglilibot-libot, napatingin ako sa bulletin board na nadaanan ko.

Wait, is this real? For real? Really, really real? As in real na real? Super real? Super duper real? Super duper ultra mega real? Yes! Sinagot ni Lord ang panalangin ko!

Agad akong lumabas ng paaralan at pumunta sa lugar kung s'an magi-interview. Pagkarating ko ng Fuentes Organization ay agad akong pumasok at tinanong sa receptionist kung saan ang opisina ni Miss Bella Fuentes.

BELLA'S POINT OF VIEW

Napabuntong hininga ako ng malalim at malakas, wala kong paki kung ansagwa tignan sa isang babae yun. Wala paring nakakapasa sa pagiging bodyguard for li'l bro'! 

Naghahanap ako ng bodyguard para sa pasaway kong kapatid para mabantayan siya, para 'di na siya makalabas pa ulit sa bahay para makipagbakbakan. Palagi na lang siyang umuuwi ng gabi. Siya pa kasi ang nakuha bilang mafia boss, tsk! Siya naman kasi, sumali pa! Nag-aalala tuloy ako gabi-gabi, wala pa naman sina mommy dito sa Pilipinas. Kasi naman eh! Aish!

"Wifey, kamusta ang screening?" nakangiting tanong ni Cyrus na kapapasok lang, my fiancee

"Wala pang nakapasa." sabay nguso ko pa.

Nabigla na lang ako ng mabilis na halik ang dumampi sa labi ko. Ambilis niyang gumalaw, nasa pinto pa lang siya nun ah? Minsan 'di ko talaga maintindihan ang taong 'to, kung minsan bigla-bigla na lang nawawala. Baka engkanto ang lalaking 'to, gwapong engkanto.

"H-hoy! Kiss stealer!" sigaw ko.

"Nagutom kasi ako eh pero ngayon, busog na ko." nakangiting sabi niya, corny niya masyado.

"Adik..." sabi ko na lang.

"Sayo!" sagot niya.

"Che!"

"I love you too..." malambing niyang sagot.

"Baliw." kumento ko nalang.

"Sayo." sagot niya pa. 

"Ewan ko say--" 

"Kyaaah! Grabe, nakakakilig kayo! Ano na po bang status niyo?!"

Fucking shit! Nagulat ako dun ah!

"Ah, eh...sin--" 

'Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto ng marahas. Lahat kami ay nabigla at nakita namin si Dwight na galit na galit.

"Ate, naghahanap ka raw ng bodyguard ko?!" inis niyang tanong. 

"Hoy! Hoy! Hoy! RUMESPETO KA NGA! MARUNONG KA BANG KUMATOK?! O BAKA NAMAN 'DI MO ALAM ANG SALITANG KATOK?! P'ANO KUNG NAGLA-LOVE MAKING SILA?! EH 'DI MAKIKITA MO! AT SAKA 'DI BA IKAW YUNG WALANG HIYANG PADER NA LUMALAKAD AT BUMANGGA SAKIN NG SUPER LAKAS?! NAPAKAWALANG MODO MO PALA TALAGA! TAPOS KUNG MAKATANONG KA SA ATE MO PARANG MAS MATANDA KA PA SA KANYA AH! AT ISA PA, MAHAL KAYA MAGPAAYOS NG PINTO NGAYON TAPOS SISIRAIN MO LANG?! AT 'DI NAMAN KAMI BINGI PARA SIGAWAN MO, PARANG NAKALUNOK KA NG MEGAPHONE DIYAN KUNG MAKASIGAW! GIGIL MO SI AKO HA! ARGH!" sigaw ng babae saka padabog na humalukipkip.

Lakas makasuway na parang nakalunok ng megaphone, mas malakas pa nga ang sigaw niya eh pero lahat kami ay nagulat, ha. Nakakagulat 'tong babaing 'to. Nanlalaki ang mga mata namin ni Cyrus pero parang wala lang kay Dwight ang suway ng babae.

"Tsss..."

He just hissed? Yan lang ang nasagot niya sa hinaba-haba ng sinabi ng babae?

"Who the fuck are you?" iritadong tanong ni Dwight.

Woah! Nakakikilabot naman yun! Unang beses kong marining si li'l bro' na magtanong ng ganyan, ha.

 "Ako lang naman si Aiana Kei Esguerra ang, ugh..." napatigil siya ng wala na siyang maidugtong. 

Tinaas niya ang daliri niya na parang may naisip na, she's so damn cute! 

"Ang taong--"

"She's your bodyguard, li'l bro'" putol ko sa sasabihin niya. 

Sabay silang napasigaw sa sinabi ko, tango lang ang naisagot ko sa nagtataka nilang mga mukha.

"Yehey!" at nagtatalon-talon na diwang ng babae, should I call her Aiana?

"No!" galit na tutol ni Dwight.

"Bakit? Natatakot ka ba sakin?" pagsusungit ni Aiana.

"No..." malamig na sagot ni Dwight.

"Eh ba't ayaw mong maging bodyguard mo ko?" saka siya humalukipkip.

Ok 'tong nakuha ko ah...Akala ko walang makakatapat kay Dwight.

"Tss, annoying" sabay labas niya ng opisina ko. 

"Bleh! Wala ka pala eh, madali ka lang matalo!" pahabol ni Aiana kay Dwight saka humalakhak ng malakas.

Tumikhim ako ng malakas kaya napatingin siya sakin. 

"Ay, sorry po ma'am. By the way, salamat po ng maraming marami! Arigatou, kamshamnida, thank you , xièxiè, dank je, je vous remercie, efcharistó, mahalo, terima kasih, gracias, blagodaryu vasgratias tibi, obrigado, cảm ơn bạn" nakangiti niyang pasasalamat na napapayuko pa bawat salita, ang cute niyang tignan.

 "Its ok. I like your ability, grabe ka makamaking-out ha!" natatawa kong sambit. 

"Ay, sorry po ma'am!" sabay yuko niya.

 'Di naman halatang mahilig siyang mag-bow 'no? Korean ba 'to? Or japanese? Anong lahi pa ba ang nagba-bow?

"Kailan po pala ako magsisimula?" nasasabik niyang tanong. 

"Ngayon. Sundan mo siya." sagot ko.

 "Yes ma'am!" saludo niya. "Thank you po ulit!" sabay yuko niya pa.

"Bye ma'am and hubby ni ma'am!" hagikgik niya sabay labas niya na ng opisina, she's so adorable!

"I like her..." nasambit ko na lang. 

"Me too." nakangiting sang-ayon ni hubby.

I wish he can protect my brother. 'Di ko pa alam ang kaya niyang gawin para mabantayan ang kapatid ko pero, I trust her. 'Di ko alam ba't ambilis kong magtiwala sa Aiana na yun? I feel comfortable when she's around.

"Wait, sigurado ka ba sa napili mo, wifey?" tanong bigla ni hubby.

"Ah...ewan? Basta, 'di ko rin alam. Saka nakakapagod kasing maghanap eh!" sabay simangot ko.

"Ewan ko sayo." natatawang sagot niya. "Pero feeling ko, kaya niyang mabantayan si Dwight?" 

"Feeling ko nga rin eh." sagot ko.

"Feeling ko rin..." pumwesto siya sa likuran ko at nilapit ang ulo sa balikat ko, nakikiliti tuloy ako sa ginagawa niya. "O-oo ka sa isang dinner date na naisip ko." dugtong niya.

"Para-paraan ka rin eh, 'no?" sabay tawa ko ng peke at talagang pinahalata ko yun.

"Umoo ka na lang kasi, gusto mo rin naman eh." sabay tawa niya.

Ang husky ng tawa niya. He's so perfect, gosh. He's handsome, kind, understanding, generous, I can't just describe him in words, paiba-iba rin kasi ang ugali niya pero 'di ko pa siya nakikitang nagagalit.

Mafia Boss Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon