"Not bad..." malamig kong bulong.
Sumenyas ang bakulaw na sumugod ang mga kasamahan niya kaya sumugod sila, nakipaglaban na rin ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Alangan namang magpabugbog ako. 'Di ako tanga gaya ng bodyguard ko, tsss. Biglang may humampas ng bagay sa likod ko kaya napatumba ako. Shit, 'di ko napansin yun ah! Ihahampas pa sana ng lalaking yun ang kahoy sakin at mukhang ulo pa ang titirahin niya pero biglang nawala ang kahoy sa kamay ng lalake at lumilipad na sa ere. Sinundan pa namin ng tingin ang lumilipad na kahoy at may biglang sumalo nito.
"Sino ka?!" galit na sigaw ng bakulaw.
"Easy lang ape, nandito ako para ipagtanggol lang ang MAHAL ko." sagot niya.
May topak ba ang babaing 'to o may sakit? Pero parang kilala ko ata ang babaing 'to...
"Ano ang level mo? Level-C ka rin ba o A? B?!" tanong ng bakulaw.
Galit? Tsss...Pikon pala ang bakulaw na 'to, tangna. 'Di siya bagay maging lider ng malaking grupo na galing sa malaki at kilalang organisasyon.
"Sa pagkakaalam ko ay 'di ako kabilang sa mga pipitsuging A at B at mas lalong 'di ako kabilang sa mga langaw na C." sabi niya sabay ngisi.
'Di kabilang? Baka siya nga 'to...
"Anong sabi mo?!" galit na sigaw ng bakulaw.
"Sabi ko...'di ako kabilang sa mga langaw gaya ng C! Gusto mo talagang ma-hurt, 'no? O baka naman nagaganahan ka tuwing tinatawag kayong langaw dahil totoo naman." pang-aasar niya ulit.
"Sino ka ba talaga?!" sigaw nung kasamahan ng bakulaw.
Tinulungan ako ng babae na tumayo. Shit, ang lambot ng kamay niya, the fuck...
"No need to introduce, flies." seryosong sabi niya.
She's cold, baka siya talaga 'to...pero kasi yung ginagamit niyang outfit ay 'di kagaya ng sa babaing iniidolo ng mga gangster.
"Take a rest." malamig na bulong niya sakin.
Nagulat ako dun ah, masyado akong lutang...
Sumunod na lang ako sa kanya. Kahit alam kong kaya ko sila, nagtiwala na lang ako sa kanya. Nagsimula na silang lumaban at wala pang labin-limang minuto ay tapos na ang laban. Namangha talaga ako sa nangyari. Isang pasa lang ang nakuha niya, sa kanang pisngi niya lang. Napatumba niya ang lahat ng level-c members ng 'di nahihirapan, she's so cool...At yung mga moves niya ay kahawig ng babaing iniisip kong siya...
"Weak flies..." malamig niyang kumento.
"Bye Dwight, se agapo... "
Pero mas natulala ako sa sunod na ginawa niya. Hinalikan niya pa ako sa pisngi na ikinainit ng pisngi ko, too gay. Mayr'on ding mga dumaloy na kuryente sa katawan ko. Mabuti na lang at madilim dito, 'di makikita ng naiwang tao dito na nagba-blu--err, namumula ang pisngi ko.
Ang tanging naiwan dito sa headquarter ay tatlong bartender at ako. Napatingin ako sa pinto ng may kumalabog d'on.
"Li'l bro ni ma'am! Ayos ka la--?!, ayos ka nga sabi ko"
Si tanga na naman...
"An'yari sa mga unggoy at apat na lang kayong natitira dito?" tanong niya.
Tumayo na lang ako at naglakad palabas, wala naman akong magagawa pa rito.
"Hoy! Sa'n ka pupunta?!" habol niya sakin.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Boyfriend (EDITING)
ActionScholar woman whose only desire is to live normally without a hitch, no trouble and no affirmation.