Chapter 3

4.8K 87 3
                                    

DWIGHT'S POINT OF VIEW

Lumakad ako palayo sa kompanya para maikalma ang sarili. Bahala sila sa buhay nila, tsk! Nakakainis naman kasi si ate! Ang isip batang yun pa, argh! At ba't babae pa ang pinili niyang maging bodyguard ko?! Nabobo na ba si ate at babae ang piniling bodyguard?! Wow, salamat sa concern niya dahil talagang mapoprotektahan talaga ako ng babaing yun, tsk! At saka 'di ko tatanggapin ang babaing yun, 'no?! Nakakairita ang mga babae! And I don't need a fucking bodyguard! I can protect myself! Baka nga siya pa ang proprotektahan ko dahil 'di hamak na mas malakas ako sa babaing yun! Kainis naman eh!

Sa sobrang inis ko, sinipa ko ang garbage can na nasa tabing daan lang. Nakakabanas talaga eh! Bwisit, wala akong paki kung magkalat ang mga basura sa daan, I don't fucking care at all!

"Iho--" 

"Naku po! Sorry po sa ginawa ng alaga ko, manong. Ako na po ang magliligpit nito."

Napatigil na lang ako ng marinig ang boses na yun kaya lumingon ako dahil parang pamilyar sakin ang boses. Napamura nalang ako ng malutong ng makita ang pagmumukha ng boses na narinig ko. Ano na naman ang kailangan ng babaing 'to? Peste naman oh! P'ano ako makakapunta sa headquarter niyan kung buntot ng buntot ang babaing 'to sakin?! Tsk, badtrip naman oh! Sarap patayin! Eh kung patayin ko kaya ng tumigil? Tsk!

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at 'di inintindi ang babaeng yun. Nadagdagan lang ang pagkainis ko! Girls are stress-maker! Nakakainis talaga sila! Lalo na ang babaing 'to! Parang pinaglihi sa buntot, sunod ng sunod! Isip bata pa at napakadaldal, tsk!

"H-hoy! Hintayin mo ko! Sorry po ulit ha! Hoy, shokoy!" rinig kong sigaw nung babaeng yun.

Siya pa talaga ang may ganang tawagin akong shokoy, 'no? Sino kaya samin ang mas mukhang shokoy? Tsss...Pero ano nga yung pangalan niya? Ana? Yana? Anaya? Nevermind, pakialam ko ba sa pangalan niya? Tsss...

'Di ko na lang pinansin ang pagtawag niya sakin at pinagpatuloy ang paglalakad. Bigla akong napatigil ng may humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko at napakunot ang noo ng maramdaman ko ang parang kuryente na bumalot sa buong katawan ko. What the fuck is that? May kapangyarihan ba ang babaing 'to at kinuryente niya ko?  The heck, ba't ko naman iisiping may powers ang babaing 'to? Tsss...

Lumingon ako sa humawak sa braso ko ng nakakunot ang noo sa inis. Paglingon ko ay nakangiti pa siya ng malawak, sinasadya niya bang inisin ako?! Well I must congratulate her, she really made me pissed off, tsss...May bigla siyang inabot na lollipop sakin, ano naman ang gagawin ko diyan? Tsss, I'm not eating cheap foods.

"Masharap yan." parang bata na nakangiting sabi niya.

Kinuha ko ang lollipop na mas ikinangiti niya. Kailangan ba talagang ngumiti kung tinanggap ko ang lollipop na 'to? What's the fucking big deal? Tsss...

"Buksan mo na." saad niya ng mapansing 'di pa ko gumagalaw para buksan ang lollipop niyang 'to.

Walang emosyon kong tinapon sa kung saan ang lollipop na binigay niya sakin na ikinalaki ng mata niya sa gulat habang nakatingin sa direksyon kung s'an ko tinapon ang basurang yun.

"I'm not accepting anything from a stranger." sabay waksi ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at naglakad palayo.

Narinig ko pa ang mga hakbang niya. Siguro kinuha niya pa ang basurang yun, tsk...

"'Di naman ako stranger ah!" rinig kong habol niya sakin. 

"Don't follow me." malamig kong sabi sa kanya na may halong inis.

Mafia Boss Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon