Epilogue

5K 72 57
                                    


"Ba't mo siya hinayaang mamatay???!!!" bulyaw sakin ni Jennie

"I didn't let him die, stupid" cold kong sagot.

"Liar!!!" sigaw ni Jennie

"Liar-liar, edi tanungin mo siya!!!" sagot ko.

Umiyak nalang siya ulit.

"Hon...ba't mo ko iniwan???" umiiyak na tanong ni Jennie

"Tanungin mo pa kasi sasagot yan mamaya" pamimilosopo ko na hindi niya naman pinansin.

"Andaya mo naman ehh" Jennie

Sus, di bagay....

Si Jennie ang pinakamalakas kung umiyak dito. Feeling asawa eh noh...

****

Tapos ng seremonyahan ang bangkay ni Dwight at handa ng ibaon sa lupa.

Umiiyak ang pamilya ni Dwight, nakayakap si ate Bella kay kuya Cyrus habang si Zam naman ay pilit yumayakap kay Devie na ayaw magpayakap.

I can't take this anymore...I'll just leave here.

Tumakbo ako palayo.

Tinatawag naman nila ako but I didn't bother to look back.

Tumakbo ako hanggang sa makalabas ako ng sementeryo habang umiiyak.

Napaupo nalang ako sa sidewalk.

Gahd....

Why I love him that much???

Ng mahimasmasan ako ay tumayo ulit ako at naglakad-lakad hanggang sa makaabot ako sa isang park na may playground.

Umupo ako sa swing ay naalala ang mga alaalang nabuo namin dito noon.

Sa bandang see-saw ay nakikita ko ang batang Kei at batang Dwight na naglalaro. Di hinayanaan ni batang Dwight na makababa ang inuupuan ni batang Kei habang si Kei ay nagmamaktol habang naka-pout.

Sa slide naman ay nakita ko na naman sila....Bumuo ng linya ang batang Kei, batang Dwight, si ate Bella at kuya bago nagpa-slide at dumiretso sila sa damuhan habang nagtatawanan.

Nakita ko naman ang cart ni manong....suki niya kami noon pero hanggang ngayon pala ay nandito parin siya.

Nakikita ko naman ang 6 na bata na inuubos ang paninda ni manong......kaming 6 noon.

Inubos ang mga fishball, kwek-kwek, kikiam, squid ball at isaw na pinirito habang nagtatawanan, nagsusubuan at nagkukulitan.

"Ate..."

Napalingon ako sa batang nasa harap ko ngayon.

"Bakit??" ako

"Bakit po kayo umiiyak??" batang babae

"Huh??"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at napagtanto na kanina pa pala ako umiiyak habang nagre-reminisce.

"Ahh...w-wala 'to baby. Uhmm....anong pangalan mo??" sabay pinupunasan ko ang mga luha ko sa pisngi.

"Aiana po" nakangiting sagot niya.

Nagulat naman ako sa sinagot niya...

Aiana.......

Magkapareho kami ng pangalan...pero fake ngalang yung akin.

"Aiana?? We have the same name!!" sabay ni-tap ko ang ulo niya.

"Really????!!!" nakangiti niyang paninigurado, I just nodded.

Mafia Boss Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon