Chapter 49

2.1K 27 0
                                    

  Nag-flash sa isipan ko ang nangyari pagkatapos ng pangyayari nung birthday ko...

*FLASHBACK*

Dinala ko si Dwight sa KHH, ipapagamot ko nalang siya kay mr. Hans.

"Mr. Hans, cure him" sabay nilapag ko si Dwight sa kama ng kwarto ko.

Dito ko rin siya dinala nung naloko siya na si dad yung nag-text sa kanya noon.

Minamasdan ko lang ang maamong muka ni Dwight habang ginagamot siya ni mr. Hans.

"Young lady, hindi ba't siya ang iyong kaibigan simula noong bata at iyong.....mahal" tanong ni mr. Hans habang pinupunasan niya ng bimpo ang may dugong bahagi ng katawan ni Dwight.

Bumuntong hininga ako bago sumagot ng oo...

"Napakagandang binata.....matapang at matalino" mr. Hans

"Yeah" sang-ayon ko nalang.

*****

Tapos ng gamutin ni mr. Hans si Dwight at nagpasalamat naman ako.

Lumapit ako kay Dwight na may benda sa ulo.

Natamaan ang ulo niya ng matigas na bagay, sabi ni mr. Hans. Di naman daw maraming dugo ang nawala sa kanya.

Nakabenda rin ang paa niyang inapakan ni Death Hunter at ang katawan niyang natamaan ng bala ng baril.

Di natuloy ang pag-reveal ko kanina....at hindi ko ire-reveal ang muka ko and that's a final decision.

Nagamot na rin ni mr. Hans ang balikat ko at nakabihis na rin ako.

Umupo ako sa kama.

Hinaplos ko ang muka ni Dwight...

Mamimiss ko ang mukhang 'to....ang lalaking 'to....ang mahal ko.

Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Dwight.....ba't di nalang ako" umiiyak kong tanong habang nakahawak sa pisngi niya.

"Ano bang meron kay Jennie na wala ako???" dugtong ko.

"Kung ako kaya si Jennie?? Mamahalin mo ba ko tulad ng pagmamahal mo kay Jennie???"

Para akong tanga na kinakausap ang walang malay na tao.

"Dwight.....wag mong kakalimutan ang pagmamahal na binigay ko sayo haa...minahal kita noon pa, minamahal hanggang ngayon at mamahalin kita araw-araw. Kahit na nasasaktan na ko ng sobra, kakayanin ko. Hahaha, mukang tanga ako na humahabol sa train na umaandar para makasakay. Eh ganun kita kamahal eh. Ganun kita kamahal na kahit anong sakit ang umabot sakin eh di kita kayang bitawan. Yes, I give you up but my heart still holdin' on. My heart can't let go of you Dwight. Kahit na nasasaktan na ang puso ko, humahawak parin siya sayo at di niya kayang bitawan ka....." saad ko habang umiiyak sa gitna ng aking mga hikbi.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Nasalo ng tyan niya ang mga luha kong tumulo.

Tumayo na ko at nilapit ang ulo ko sa pisngi ni Dwight at hinalikan ng saglit.

"Mamimiss kita Dwight" ako

Tinawag ko si mr. Hans para ihatid si Dwight kina ate Bella.

Nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko ang tawag.

[Kei, come home. You'll meet your fiancé]

"K" sabay end call ko.

I'm sure that he is Dexter....

Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa Hell Office, nandun daw sila.

"Kei Demonicah" sabi ko dun sa intercom.

Mafia Boss Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon