DWIGHT'S POINT OF VIEW
Naglalakad ako sa daan ngayon ng may nakita akong babae na nakatalikod sa kinaroroonan ko habang may nakahawak na dalawang lalaki sa magkabilang braso niya.
"Tulong! Tulong!" sigaw ng pamilyar na boses ng babae.
T-teka...si Aiana 'yon ah! Shit!
Tinakpan ko ng panyo ang kalahati ng mukha ko, mata lang ang makikita. Medyo pinababa ko ng konti ang buhok ko tutal medyo mahaba naman ito, lumapit na ko sa kanila. Pinatong ko ang kamay ko sa balikat ng isang lalake na nakahawak sa magkabilang braso ni Aiana.
"Let the fuck her go" cold kong sabi.
Lumingon sila sa'kin pati na rin si Aiana na umiiyak. Such a crybaby, tsss...
"Sino ka?" tanong ng isang unggoy.
"Her savior, I guess" sagot ko.
Shit, so cheesy...
"Waaah! Tulungan mo ko manong! Gusto nilang nakawin ang pera ko! Limang piso na lang 'to eh, kukunin pa kasi!" umiiyak na sabi ni Aiana.
Seriously? She only have five peso? Saka, tsk! Parang ayaw kong tulungan ang babaing 'to, tawagin ba naman akong manong? Sa pananamit kong 'to? Manong? Tsss...
"Psh" saad ko nalang.
Una silang sumugod sa'kin kaya nabitiwan nila si Aiana para pagtulungan ako.
"Yie! Go manong savior!" sabay palakpak niya, childish.
Ilang segundo lang ay napatumba ko na sila agad. Mga lampa naman pala. Pero may lumabas pa mula sa tambayan ata ng mga 'to at may dala silang mga bakal na tubo at kahoy. Hinila ko na lang palayo si Aiana bago pa kami maabutan ng mga kasamahan ng mga lalaking binugbog ko. Mamomroblema pa ko sa katangahan ng babaing 'to kung lalabanan ko pa ang mga 'to.
"Manong! Dahan-dahan lang po! Baka masubsob ako!" reklamo niya.
N'ong makalayo na kami ay binitawan ko na siya at agad na naglakad palayo sa kanya.
"M-manong! Teka lang po!" rinig kong habol niya at hinawakan ang braso ko at naramdaman ko na naman ulit ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
Nakakamura...
"What?" naiirita kong tanong.
"Hehe, alam niyo po...magkapareho kayo ng alaga ko ng kulay ng buhok, medyo red siya" sagot niya.
Hell I care?
'Di ko na 'yon pinansin at naglakad na lang palayo sa kan'ya.
"M-manong, salamat po pala!" rinig kong sigaw niya.
Whatever.
AIANA'S POINT OF VIEW
Umalis na ang lalaking lumigtas sa'kin, 'di ko siya tuloy nakilala. Mabuti na lang at nailigtas ako ni manong kun'di malamang sa alamang na maanghang eh nakuha na nila ang limang piso ko, pwede na rin 'yon pambili ng lollipop 'no.
Umuwi na lang ako sa apartment. Napalingon ako sa pinto ng may kumatok, unexpected visitor! Pinagbuksan ko ang kumatok at bumungad sa'kin ang dalawa kong bestfriend.
"Besh!" sabay nagyakapan kami.
"Besh, may itatanong ako" sabay pasok nila kaya sinara ko ang pinto.
"Ano 'yon?!" nasasabik kong tanong.
Umupo kami sa sofa.
"Ikaw ba 'yong pumasok sa headquarter ng level-c gangsters? 'Yong nakaputing t-shirt na may print ng 'I heart lollipop' tapos may drawing na lollipop at naka-pedal ang suot?" tanong ni Shamara.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Boyfriend (EDITING)
ActionScholar woman whose only desire is to live normally without a hitch, no trouble and no affirmation.