Prologue
"Walang Forever! Maghihiwalay rin kayo!" sigaw ko sa nakita kong couple na nagsusubuan pa, pwe! 'Kala mo namang magtatagal sila.
Sinamaan nila ako nang tingin.
"Seb! Tigilan mo na nga 'yang kakasabi mo nang 'Walang Forever' at 'Maghihiwalay rin kayo' sa mga couple. Napaka-bitter mo." sabi nang kaibigan kong kontra na si Flynn Flamengco.
"Tch. Eh, sa totoo namang maghihiwalay rin sila. Tsaka hindi ako bitter!" umiirap na sabi ko.
'Diba? Tama naman ako. Walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago. Tsaka hindi ako bitter! I'm just saying the truth.
Nandito nga pala kami sa food court nang mall, nagshoshopping kami? Nah, nagwiwindow shopping lang, wala kaming pera! Well, meron naman hihi. Pero teka, bakit nga ba window shopping tawag? Eh, wala namang bintana? Mema ang nag-imbento nang salita na 'yon e. Pwe!
"Ewan sayo seb! Pang-ilan mo na bang sinabi 'yan sa mga couple dito sa mall? Nako naman!"
Grabe naman 'tong babae na'to, akala mo marami na akong nasabihan nang ganon dito sa mall, konti lang naman, mga 18 na ata? Oh, 'diba! Konti lang! Hays.
"Walang basagan nang trip seb."
Napabuntong hininga na lang siya.
I am Zamie Arguella, na nagsasabing walang permanente sa mundo, kaya walang forever! Maghihiwalay rin kayo! Hindi ako bitter, tch. Again, nagsasabi lang ako ng totoo. Duh!
Biglang nag-ring ang cellphone ni Flynn.
And I'm sure of it na si Knott Imperial 'yan, boyfriend niya, tch.
"Hi, baby hihi." hagikgik niya.
Napangiwi ako. Dapak? Seriously? Itinuloy ko na lang ang pagkain ko habang nakikinig.
"Bakit ka napatawag baby?"
"Oh." napatingin siya sa'kin, binigyan ko naman siya nang 'why?' look.
"Ah sige, sige. Okay, bye baby see you later. I love you! Mwah!" pagtapos niya sa tawag.
"Bakit?" tanong ko agad.
Nag-pout siya, "sorry Zam, I need to go."
"Bakit?"
"Well, uuwi kasi ngayon ang magulang ni Knott, so siya ang susundo and gusto n'yang samahan ko siya."
"Ah, okay." tumatango-tango kong sagot.
"Sorry talaga Zam, promise babawi ako sayo next time." nakayap sa'kin na sabi niya.
"Okay lang. Sige na, shooo!" pagtaboy ko sa kaniya.
Natawa siya, "Sige bye Zamie. Ingat ka na lang sa pag-uwi ha? Labyuuu."
"Sige sige. Ingat rin. Labyu, pero Fly." seryoso kong sabi.
"Ano 'yon? Bakit?" kinakabahan niyang tanong.
"Wala pa ring forever!"
Napa-iling na lang siya, "Ewan sayo. Bye na nga." natatawang sabi niya.
Natawa na lang din ako sa kabaliwan ko.
Well, sinasabihan ko rin sila nang mahiwagang salita ko, hahaha. Sanay na naman sila sa'kin. Pero matatag ang relasyon nila, and masaya naman ako para sa kanila. Mag-o'one year na sila. Hanga nga ako sa kanila dahil kahit nag-aaway sila, inaayos nila. Hindi tulad ng iba, hiwalay agad. Para ngang mag-best friend lang sila kung magturingan, pero sweet naman sila.
Inubos ko muna ang kinakain ko bago ako tumayo at naglakad-lakad. Hindi muna siguro ako uuwi. Nasa iisang bahay lang pala kami nakatira ni Fly. Request namin 'yon sa magulang namin nung nag-college kami, kaya ayon hanggang sa nakapagtapos na kami nang pag-aaral ay doon pa rin kami, gusto kasi namin maging independent.
Nakarating ako sa playground malapit dito sa mall.
Gumawa nang tunog ang swing nang umupo ako.
Andaming bata na naglalaro kasama magulang nila. May mga couples rin, tch.
Naagaw ng atensyon ko ang isang couple na nasa bench.
"Walang forever! Maghihiwalay rin kayo!" sigaw ko.
Napatingin naman ang lahat pati si manong na nagtitinda ng ice cream.
"Walang boyfriend!" sigaw nang isang lalaki.
Napatingin ako sa kanya. Yung couple palang nasa bench na nasa tabi ko na ngayon.
"What did you say?!" galit na tanong ko.
Ngumiti siya, "Walang boyfriend." natawa naman ang kasama niyang babae na I think girlfriend niya.
Kumulo ang dugo ko. How dare him to say na wala akong boyfriend?! Oo, alam ko na 'yon! Hindi na niya kailangang ipalandakan!
I glared at him, "Ikaw! How dare you!"
Ngumisi siya, "What? I'm just saying the truth. Look, it's obviously na wala kang boyfriend kasi wala kang kasama and ang bitter mo, Miss."
"Huh! Hindi porket wala akong kasama at bitter ako, wala akong boyfriend!"
"So, may boyfriend ka Miss? Then why so bitter?" singit nang mukhang singit— ah i mean nang girlfriend niya.
"Bakit?! Masama bang magsabi nang ganon?! And hindi ako bitter! I'm just saying the truth. Huh!" nanggigigil na sagot ko.
"Tch. Let's go babe, 'wag na tayong makipag-usap sa kaniya." sabi nang lalaking bwiset.
"Huh! I'm not bitter! Maghihiwalay talaga kayo!" pahabol ko kahit nasa malayo na sila.
Nakatingin parin ako nang masama sa kanila habang pasakay sila sa kotse. Tumingin sakin ang lalaking bwiset nang ilang segundo bago sumakay sa driver's seat at pinaandar.
Arggh! Kainis!
Kinalma ko ang sarili ko bago umalis sa playground at pumara nang taxi. Maka-uwi na nga, maggagabi na rin. Sumakay na ako sa taxi at napabuntong hininga. Sira na ang gabi ko. Argh!
YOU ARE READING
Road To Forever
HumorRoad to forever? Marami nang nasagasaan d'yan. - Forever Series #1