Chapter Eight: Officially Frenemy
I'm here at the park kung saan kami unang nagkita ni Kace, with him. Nagyaya kasi siya na pumunta kami dito, pumayag ako since ang boring dahil wala si Fly. Nakaupo kami sa bench malapit sa wishing well, yes merong wishing well dito.
"Naalala mo yung unang nagkita tayo dito?" seyosong sabi ni Kace habang nakatingin sa mga batang naglalaro.
Actually hapon na, mga 5:30 ng hapon. Kaya marami-raming tao. May mga estudyante rin na mga nagtatawanan, and of course mga bata na kasama ang magulang nila, and syempre papahuli ba ang mga PDA na couple? Tch.
"Yeah. Ano pala ginagawa niyo dito non? Wala kasi sa itsura niyo na nagpupunta sa mga ganito tsaka dito kayo nagde-date?"
"Nope. Hinahanap kasi namin yung kapatid ni Celine.."
"Ahh sinong kapatid? May kapatid pala si Celine?"
Hindi ko kasi nababalitaan. Model kasi si Celine, Celine Latrell.
"Yup."
Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. Nabalot ng katahimikan ang pagitan namin kahit pa ang ingay ng nasa paligid namin.
Napansin kong may nagbubulungan at nagtutulakan sa may gilid namin habang nakatingin kay Kace. Kumunot ang noo ko at napatango ng ma-realized kung bakit sila nagkakaganon. It's because Kace.
Mukhang nakakuha na ng lakas ng loob ang isang grupo ng kababaihan dahil lumapit na ito sa pwesto namin.
"A-ahh, Hi Kace! Pwedeng pa-picture?" nahihiyang tanong ng babae na sa tingin ko'y nasa highschool pa lamang.
Napatingin naman sa kanila si Kace, "Why? I'm not an artist to take a picture with you." malamig na sagot nito.
Napanganga naman sila at mukhang napahiya, "A-hh sor-rry." nahihiyang paumanhin nila.
Sinamaan ko naman ng tingin si Kace ng tumingin siya sakin.
"What?" taas kilay na tanong nito.
"Why did you do that?" naiinis na tanong ko.
Nakakainis talaga! Nagpapapicture lang, eh! Oo nga't hindi siya artista pero he's famous! Tsaka sa artista lang ba pwedeng magpapicture? Arte neto.
"Tch. I'm not an artist."
I glared at him. "Hindi mo ba alam na naglakas loob silang lumapit at kausapin ka tapos gaganonin mo lang?! Pinahiya mo pa! Isang picture lang---"
"Fine! Tch. 'Wag ka ng dumaldal." naiinis na sagot niya bago tumayo.
Napangisi naman ako at tumayo na rin.
Pumunta ako sa grupo ng mga babae na lumpit kanina at sinabi sa kanila na pwede na silang magpapicture."Ako kukuha ng picture." nakangiting sabi ko.
Ibinigay naman nila ang kanilang cellphone.
"Okay 1, 2, 3, smile! *click*"
Tiningnan ko ang picture at napansing nakasimangot si Kace. Napangisi ako.
Pumwesto ulit ako para kumuha ulit ng picture."Isa pa. Kace smile naman d'yan."
Mas lalo siyang napasimangot kaya humalagpak ako ng tawa.
"Why are laughing?!" inis na tanong ni Kace.
Mas lalo akong tumawa dahil sa itsura niya. Parang bata na galit dahil inaway ng kalaro, ang cute lang.
"Nothing. Okay last na." nagpipigil tawang sabi ko sabay click sa camera para sa last picture.
"Thank you po." pagpapasalamat nila pagkaabot ko ng cellphone.
Ngumiti ako, "Pagpasensyahan niyo na kung ang sama ng mukha ni Kace d'yan, may mens kasi, eh." pabulong na sabi ko.
Napatawa naman sila at nagpaalam na. I looked at Kace who's glaring at me. Lumapit ako sa kaniya, nagpipigil ng tawa.
"Itawa mo na 'yan baka kung saan pa lumabas." naiinis na sabi niya.
Nang dahil sa sinabi niya ay pinakawalan ko na ang tawa ko na kanina ko pa pinipigilan. Nakakatawa yung itsura niya, promise. Tumigil lang ako sa pagtawa ng mapansin na nakatingin--- nakatitig pala siya sakin. Nailang naman ako kaya tumikhim ako.
Ngunit hindi niya parin inaalis ang tingin niya sakin, as in titig na titig! Baka may dumi ako sa mukha? Hala meron ba?
"W-what are you staring at?" nauutal na tanong ko.
He smirked. "You're blushing."
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa pisngi ko. Shocks! Am I blushing? Eh, paanong hindi ako mamumula kung makatingin siya akala mo ano.
I glared at him. "No I'm not." mariing sabi ko.
"Yes you are." nakangising sabi niya.
"Tch. Fine I am. Cause you're staring at me!" naiinis na sabi ko.
Humalakhak lamang siya. Argh! Inaasar niya ako! Bumabawi siya, tch. Nang tumigil na siya sa pang-aasar ay kumain kami sa isang restaurant.
"Matagal na kayong magkaibaigan ni Knott?" tanong ko habang kumakain kami.
Uminom muna siya ng tubig bago sumagot, "Yeah. Since we're kids, magkaibigan din kasi ang Daddy namin." kibit balikat na sagot niya.
I nodded and keep eating. Mabait naman pala si Kace, yun nga lang madalas laging seryoso, akala mo laging may mens pfft.
"Tanong lang.." si Kace habang nakatingin sakin.
I looked at him too, "Hmm?"
"Are you bitter?"
I laughed. "No I'm sweet."
Umismid siya, "I mean why are you bitter? Tuwing may couple ka bang nakikita, sinasabihan mo ng ganon?"
"Uhm, yeah. But I'm not bitter, you know I'm just saying the truth."
He nodded. "So? You didn't believe in forever thingy?"
"Well, I don't know..."
Kumunot ang noo niya, "You don't know?"
I laughed and shrugged.
Tiningnan niya ako na parang binabasa kung ano ang nasa isip ko.
"Okay. Let's go, it's already late." si Kace.
We discharged our bill before going outside. Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan pauwi, he insisted to drive me home.
Bumaba na ako ng sasakyan ng makarating kami sa tapat ng bahay namin ni Fly, bumaba rin siya.
I looked at him, "Uhmm thank you."
He just nodded.
"S-sige, pasok na ako, goodnight." paalam ko bago pumihit paharap sa gate.
"Zaime.."
Napatigil naman ako ng tawagin niya ako. I turned around and looked at him. Nakapamulsa siya habang seryosong nakatingin sakin.
"Bakit?" tanong ko.
Lumapit siya sakin at ngumiti, "Thank you for giving me a chance to become your friend even if hindi maganda ang unang pagkikita natin at may nagawa akong kasalanan sayo.."
Umiwas ako ng tingin at tumango lamang dahil wala akong masabi.
"So.. we're officially frenemy. Thanks for tonight, goodnight." si Kace.
Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi bago naglakad papunta sa kotse niya. I'm sure namumula ako! Ang lakas rin ng tibok ng puso ko. I looked at him. He just smiled and waved before going inside his car and drive away.
Naiwan akong tulala dito sa labas ng gate. Pero ng matauhan ay saka lang nag-sinked in sakin ang ginawa niyang paghalik sakin sa pisngi.
Bumuntong hininga na lang ako at napangiti bago pumasok sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
Road To Forever
HumorRoad to forever? Marami nang nasagasaan d'yan. - Forever Series #1