Chapter Two: Kace Hunter Lavigne
"Good Evening ladies and gentlemen, thank you so much for coming here tonight as we celebrate the opening of our restaurant, Qwerty Restaurant. And syempre mas nagpapasalamat kami sa aming parents ni Zam na sumuporta, gumabay at tumulong sa amin."
It's 7:30 o'clock in the evening. Nandito na kami sa harap ng Qwerty Restaurant, para sa opening remarks and cutting ribbon. Nagpalakpakan ang mga guests sa speech ni Fly.
"Zam," tawag sakin ni Fly sabay ngiti.
Ngumiti rin ako pabalik at tumango. Pumwesto na kami sa tapat nang ribbon upang gupitin ito. Magkahawak kamay namin ito ginupit.
"So, welcome to Qwerty Restaurant!" masayang saad ko.
Muli, nagpalakpakan ang mga guests. Sabay-sabay nagkli-click ang mga camera. May mga reporter rin kasi para ibalita ang pagbubukas ng aming restaurant.
Pumasok na ang mga guests at umupo sa mga upuan. May mga waiter, waitress at ang aming chef na sumalubong sa amin.
"Hi Ma'am! Congrats po," bati nang ibang employee.
"Salamat."
May iilan ring bumati sa amin.
Pumunta kami sa harapan, "so, okay. May mga inahanda po kaming pagkain na inuluto ng aming mga chef na si Chef. David Langcora and Chef. Francis Chavez."
Pumunta naman sila sa tabi namin, "I hope you'll liked our cooked dishes."
Nagpalakpakan naman ang mga tao. Nagsimula ng kumilos at mag-ikot ang mga waiter at waitress. Nakipag-usap kami sa ibang mga guest bago pumunta sa lamesa nang magulang namin.
"Congratulations sa inyo anak," bati ni Mommy.
"Salamat Ma,"
"Salamat po Tita."
Nag-usap usap pa kami sa kung ano pang plano nang biglang dumating si Knott.
Nakipagbeso siya kay Tita Lou—Mommy ni Fly pati na rin kay Mommy, "Good evening mga Tita and Tito," bumaling naman siya sakin, "And to you Zam."
I nodded and smiled.
Nag-uusap ang magulang namin.
"Zam," tawag sakin ni Fly.
"Why?"
"Tara, lipat tayong table."
"Oh, sige."
Nagpaalam kami na lilipat kami nang table.
"So, congrats sa inyo." bati ni Knott nang makalipat kami nang upuan.
"Thanks.""Thank you, baby." saad ni Fly sabay halik sa labi ni Knott.
Napangiwi ako, "Yikes! 'Wag nga kayong magharutan dito."
Napatawa naman sila, "Zam, mag-boyfriend ka na kasi," nakangising saad ni Knott.
"Oo nga naman seb para hindi ka na laging third wheel." panggatong pa ni Fly.
Inirapan ko sila, "Tch, ewan sa inyo."
Kumain na lang ako habang sila naghaharutan pa rin.
YOU ARE READING
Road To Forever
HumorRoad to forever? Marami nang nasagasaan d'yan. - Forever Series #1