Chapter 14

4 1 0
                                    

Chapter Fourteen: I think I'm in love again...

Stressed na talaga ako, jusmiyo. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Patiwakal na kaya ako? Pero sayang naman ang beauty ko. Pakuha ako sa mga alien? Pero kung papakuha ako sa mga alien, gusto ko yung mala- Kim So Hyun, para hindi ako maboring sa lugar nila. Huhuness kung ano-ano ng iniisip ko, baka maloka ako dito.

Nandito pala ako sa ice cream parlor, kumakain ng ice cream, alangan magpagupit? Kung sabagay parlor 'to. So ayun nga solo flight ako ngayon, dito kasi ako dumiretso pagkatapos ng mala-ewan na eksena kanina.

Alam niyo kanina ko pa napapansin 'tong magjowa na 'to sa tabi ko, eh. Nagsusubuan, may tag-isa naman silang kutsara, tapos eto pa ilalagpas ni kuya ang kutsara kaya magkakaroon ng konting ice cream si ate sa gilid ng labi niya tapos pupunasan naman ni kuya. Jusmiyo, ang haharot, mukhang mga highschool pa lang naman, ayaw muna magsipag-aral.

Pasalamat sila at busy ako sa pagkain ng isang bowl ng ice cream, favorite, eh. Kaya hindi ko sila sinasabihan ng mahiwaga kong salita. Nako talaga, mga kabataan.

Natawa na lang ako sa sarili ko, kung ano-ano kasi naiisip ko, eh tapos parang matanda ako kung magsalita.

Napatingin ulit ako sa magjowang nasa tabi ko, nagtatakang nakatingin ito sakin. Siguro dahil sa pagtawa ko kanina, mag-isa lang naman ako.

Ngumisi ako, "Akala niyo baliw ako ano? Akala niyo lang 'yon, mga maling akala na akala mo kasi inaakala mong totoo, gets niyo? Ako hindi, eh." natatawang sabi ko.

Nababaliw na ako. Nahawa ata ako kay Fly ng pagiging feeling close at kawalang hiyaan.

"Wag niyo na lang akong pansinin, hayaan niyo ako tulad ng hinayaan niya akong mag-isa." sabi ko sabay subo ng kutsara na may ice cream.

Napangiwi sila at napailing. Aba't sila pa ang nanggaganiyan, pasalamat nga kinausap ko sila, at hindi ko sila sinasabihan ng mahiwagang salita ko.

Lumabas sila pagkatapos nilang kumain, magka-holding hands pa, ano yon? HHWW? Harutan, hagikgikan while walking.

Ako na lang ang mag-isa dito ngayon sa loob, okay lang, sanay na naman ako mag-isa. Lakas ko maka-hugot ano? Wala namang love life.

May narinig akong pumasok, hindi ko na ito pinansin, busy ako sa ice cream ko. Pero maya-maya may napansin akong natingin sakin, kaya naman tumingin ako sa paligid. Wala namang tao maliban sa isang lalaking nakatingin sakin, si Kace.

Kumain na lang ulit ako pero ng mapagtanto ko kung sino 'yon ay nasamid ako, kaya uminom ako ng tubig agad. Tumingin naman ulit ako sa lalaking nagpipigil ng tawa ngayon.

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" mataray kong tanong.

Umiling siya at umupo sa harapan ko.

"What are you doing here?"

He just shrugged. Ano? Walang balak magsalita? Na-pipi na ba 'to? Tch, bahala siya d'yan.

Kumain na lang ako ng kumain kahit naiilang ako sa tingin niya. Problema ba nito? Baka siya yung naka-shabu?

Nang mainis na ako at hindi makatiis, tiningnan ko siya ng masama at dinuro siya ng kutsara.

"Ikaw! Titingin-tingin ka d'yan! Ano ba kasing ginagawa mo dito?" inis na singhal ko.

Hindi siya sumagot, kinuha niya ang kutsara at ibinaba ito sa lamesa. Pagkatapos ay tumayo siya at hinatak ako palabas.

"T-teka! Saan mo ako dadalhin?!"

Tumigil kami sa gilid ng kotse niya, nilingon niya ako.

"Let's date." nakangiting sabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko. A-anong date pinagsasasabi niya?

"A-anong d-date ka d'yan?!" nauutal na tanong ko.

"Date as in date. Me and you." casual na sagot niya.

"A-ano? Bakit hindi si Celine ang i-date mo! Tch, tsaka yung ice cream ko!"

Huhu yung ice cream ko. Iniwan namin sa loob! Kasi naman, eh! Ano bang pumasok sa isip ng lalaki na 'to? Nahihibang na ba siya?

"Wala na kami ni Celine." casual niyang sagot ulit.

"H-ha? Anong wala na kayo? Kakabalikan niyo lang ah!" lito kong tanong.

Wala na sila? Ano ba talaga? Hindi ba sinabi niya nung isang araw na sila na ulit? Ano 'yon? Naguguluhan ako.

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "I'll explain it to you later but for now... Let's date." seryoso niyang sabi.

Jusmiyo, kumalma ka heart, makakasama sayo 'yan. 'Wag kang masanay na laging ganiyan, please lang.

"P-pero may dala akong kotse."

He looked at me before he took his phone, and dialed to call someone. After a minutes, he hang up. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Sino tinawagan mo?"

He shrugged. "Someone to pick up that car of yours."

I nodded. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago may dumating na isang lalaki.

Kinuha sakin ni Kace ang susi ng kotse pagkatapos ay ibinigay niya don sa lalaki.

"Don't worry. Ibabalik niya lang yung kotse sa inyo. I know him." paliwanag ni Kace.

Tumango na lang ako. Hinatak naman na ako ni Kace papasok sa kotse niya.
Pumasok na rin siya sa kabila, sa driver's seat.

"Where are we going?" tanong ko.

"Somewhere." tipid niyang sagot.

In-start niya ang kotse at pinaandar. Tahimik lang kami, walang nagsasalita.
Tumngin na lang ako sa labas ng bintana. Kulimlim ang langit, pero mukha namang hindi uulan.

Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta, somewhere raw, eh. May lugar bang somewhere? Okay, korni ko talaga.

Kinuha ko ang cellphone ko ng mag-vibrate ito. Tiningnan ko kung sino ang nag-text.

From: Fly away
Zam, where are you?

Si Fly pala, naalala ko na naman tuloy yung sa relasyon nila ni Knott.

To: Fly away
I'm with Kace.

From: Fly away
Whuuut? Sinasabi ko na nga ba, may something sa inyo!

To: Fly away
Wala, manahimik ka. Nga pala, yung kotse ipinahatid ni Kace sa kakilala niya, tingnan mo kung dumating ha? Sige, adios!

Itinago ko na ang cellphone ko at tumingin kay Kace.

"Sino ka-text mo?" tanong niya.

"Si Fly." tipid kong sagot.

He nodded. Naging traffic na, ang tahimik na naman kaya binuksan ko ang radio ng kotse.

Saktong may kanta, pero lumakas ang tibok ng puso ko ng kinanta ni Kace habang diretsong nakatingin sakin ang part na...

"I think I'm in love again..."

Road To ForeverWhere stories live. Discover now