Chapter 1

25 4 0
                                    

Chapter One: Bottled Water


Tik tak, tik tak.

Napatingin ako sa orasan na nasa taas. 7:00 pm na. I sighed as I lay down in my bed. Kadadating ko lang kanina. Mayghad! Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kanina. Kumulo ulit ang dugo ko nang maalala ang nangyari.

Akala mo kung sino! Eh, ano naman kung wala akong boyfriend?! Tch. Hindi naman gwapo! Ang yabang-yabang pa. Argh! Naku! Pagnakita ko ulit sila— oh, kung sila pa kapag nagkita kami, bwuahahaha. Sinusumpa ko! *with matching fake kidlat and kulog* magbre-break sila! *evil laugh* pero nakakainis pa din, eh. Haist.

-----

Nagising ang diwa ko dahil sa tunog nang kotse. Nakatulog pala ako, dahil siguro sa pagod at pagiisip. Bumangon ako at napatingin sa orasan. 8:00 pm na pala nang gabi. Isang oras ako nakatulog.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. "Pasok." nag-iinat na sabi ko.

"Kakagising mo lang?" tanong agad ni Fly.

Humiga siya sa tabi ko, "Yeah. Hinatid ka ni Knott?"

"Yup! Ikaw? Anong itsura 'yan? Kumain ka na ba?"

"Hindi pa, wala akong sa mood." nakasimangot na sagot ko.

Tumaas ang isang kilay niya, "Bakit? May nangyari ba?"

Kumulo na naman ang dugo ko, "Argggh! Bwiset! Kainis!" inis na sabi ko.

Umupo siya, "Bakit ba? Kwento dalii." excited na sabi niya.

"Nagpunta kasi ako kanina sa playground malapit sa mall, and may nakita akong couple."

"Ahh, I'm sure sinabi mo na naman ang mahiwagang salita mo. Tch, tigilan mo na kasi." pag-singit niya.

Tiningnan ko siya ng masama. "Wala munang side comments!"

"Okay okay." nakataas ang dalawang kamay na sabi niya.

"So, ayon nga, may couple and tulad nga ng sinabi mo kanina, sinabihan ko nga sila ng mahiwagang salita ko. Huh! At ang bwiset na lalaki na 'yon! Sumagot ng 'walang boyfriend!' How dare him! Argh! Sinabihan rin ako ng kasama niyang babae na mukhang singit na I think girlfriend niya na bitter ako!"

Humalagpak siya nang tawa, "Myghad! Idol ko na si Kuyang nagsabi sayo nang walang boyfriend." natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko siya nang tingin. Tumigil siya na halatang nagpipigil nang tawa at maluha-luha na, "Pfft. Sorry. So anong sunod?"

I rolled my eyes at her. "Tch."

"Teka, gwapo ba?" humahagikgik na tanong niya.

Kita mo rin 'tong babae na'to, may boyfriend na kung humarot pa rin, tch.

Napailing na lang ako. "Hindi. Hindi gwapo, kasing panget ng ugali niya ang mukha niya!"

Tinitigan niya ako, "Weh? Yung totoo Zamie Arguella."

Napairap ulit ako at tumikhim, "Well I must say na may itsura naman siya." umiiwas na tingin na sabi ko.

Ngumisi siya. "See? Hahaha! Hay nako! Matulog na nga lang tayo at bukas ay magbubukas na ang ating restaurant!" masayang sabi niya.

"Okay, goodnight."

"Goodnight seb," paalam niya bago lumabas sa kwarto ko.

Napabuntong hininga na lang ako at humiga ulit. Nakipagtitigan pa muna ako sa taas, bago ako nakatulog ulit.

-----

Upon waking up, I checked my social media accounts, wala namang messages, humikab ako and did my first morning ritual, stretching arms.

It's 6:00 o'clock in the morning.

After several minutes, I decided to get up and take a morning jog. Nagpalit ako into my jogging attire then went down. Dumeretso ako sa dining area to see Fly making a coffee.

"Magandang ako— I mean magandang umaga Fly." Nakangiting bati ko.

Napatingin siya sa'kin, "Good morning Zam."

"Magja-jogging ako sama ka?" Tanong ko.

Sumimsim muna siya sa kape niya bago sumagot. "Hindi na. Ikaw na lang."

"Okay. Bye," paalam ko bago lumabas.

Tumingin ako sa paligid habang nagja-jogging ng nasa park na ako, malapit dito sa village na tinitirahan namin. Marami-rami na rin ang nagja-jogging. Tumigil ako ng mapagod ako at umupo sa bench, catching my breathe. Nakalimutan ko pala magdala ng tubig.

I checked out my phone to see if there's anything. Then something besides me caught my attention, may bottled water na sealed pa. Kinuha ko ito at lumingon-lingon sa paligid baka nandiyan lang yung may-ari, eh. Nang masiguro kong walang naghahanap ng tubig ay binuksan ko 'to at ininom. Malinis naman since naka-sealed pa, siguro naiwan nang may-ari.

Tumayo ako habang umiinom pa rin nang biglang may kumalbit sakin kaya nagulat ako at naibuga ko sa kung sino man ito ang iniinom ko

"What the fuck?!"

Nataranta ako kaya pinunasan ko siya, "Sorry, sorry, hindi ko sinasadya." paghingi ko nang tawad.

Nag-angat ako sa kaniya nang tingin to see na isang lalaki pala at guess what? Si bwiset pala!

"Ikaw?!" Sabay naming sabi.

"Huh! Sira na agad ang umaga ko," sarcastic na saad ko.

Sinamaan niya ako nang tingin, "Tch, sira na rin ang araw ko."

"Nye, nye. Ano bang ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko.

"As you can see nagja-jogging rin ako." Umiirap na sabi niya.

Bakla ba 'to? Pairap-irap pa.

"Tch. Alam ko!"

"Alam mo naman pala, eh."

"Ang ibig kong sabihin bakit ka lumapit sa'kin?"

"Oh, tch. Tubig ko lang naman po ang ininom mo at binugahan mo pa ako."

Sa kaniya pala 'yon. Yikes! Baka may virus, pwe!

"Eh, ano kung sa'yo? Iniwan mo diba? Tapos babalikan mo? Babalikan mo kung kelan may nakakuha na at mas pinahalagahan siya."

Kumunot ang noo niya, "What the fuck are you saying? Tch, Miss bitter, kung broken hearted ka o may pinagdadaan sa buhay pwede bang 'wag mong idamay ang tubig?"

Dapak. Napa-hugot pala ako nang wala sa oras.

"Tch. Una sa lahat hindi bitter ang pangalan ko, pangalawa hindi ako broken hearted o may pinagdadaanan. Fine, I'm sorry po kung kinuha ko ang bottled water mo kasi uhaw na uhaw na ako. Sorry rin po kasi nabugahan kita nang tubig, kasalanan mo rin naman kasi 'yon." sarcastic na sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "Okay, ayaw ko ng makipag-talo pa. I gotta go. Bye, Miss bitter." nakangising paalam niya sabay takbo papaalis.

"Arggh! Nakakainis ka talaga!"

Umupo muna ulit ako sa bench. Wala na! Sira na talaga ang umaga ko. I frowned. Tumayo na ako para bumalik sa bahay.

Road To ForeverWhere stories live. Discover now