Chapter 13

4 2 0
                                    

Chapter Thirteen: Friends Situation

Nakangiti ako ng pumasok ako sa opisina namin ni Fly. Hindi ko lang mapigilan ang pag-ngiti.

Takang tiningnan ako ni Fly na nakaupo sa sofa.

"Anong itsura 'yan? Ngiting-ngiti ah. Minamaligno ka ba? Kahapon parang galit ka na nakasimangot ngayon ngiting-ngiti ka? Yung totoo Zam, nagshashabu ka ba talaga?" mahabang sabi niya.

Umagang-umaga ang OA ni Fly. Bakit nga ba kasi ako ngiting-ngiti? Hindi ko na talaga alam nangyayari sa katawan ko.

Nginitian ko lang siya at umupo sa tabi niya.

"Wag mo akong ngitian! Magkwento ka." inis na sabi niya.

"Ano ba dapat ikwento ko?" natatawang tanong ko.

She glared at me. "Nakakainis 'yang ngiti mo!"

I laughed, sarap pagtripan ni Fly, pag-ganitong mainit ang ulo niya. Bakit nga ba parang galit 'to? Nagkapalit ata kami.

"Masama bang maging masaya? Atsaka bakit ba ang init ng ulo mo?"

Inirapan niya ako at sumimangot. Ang cute, sarap pisilin ng nail cutter, charot lablab ko 'yan kahit ganiyan 'yan.

"Si Knott kasi..." mahinang sabi niya na parang iiyak na.

Si Knott nga pala! Nakalimutan ko na naman, jusko. Ano namang ginawa ni Knott dito? Lagot talaga siya sakin!

"Anong nangyari?"

Tumingin siya sakin at yumakap, umiiyak. Nag-alala naman ako. Hindi naman kasi iyakin si Fly. Lagot ka talaga sakin Knott! Pinaiyak mo best friend ko.

Niyakap ko siya at hinaplos ang buhok.

"Bakit? Anong ginawa sayo ni Knott?"

"Ka-kasi... hindi ko alam sa kaniya!" naiiyak na singhal niya.

"N-nagiging cold na siya sakin.." humihikbi na dagdag niya.

Niyakap ko siya at pinatahan.

"Shh... wag ng umiyak papanget ka lalo niyan." pang-aasar ko para naman gumaan ang loob niya kahit papaano.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at tumahan na.

"Humanda sakin yang Knott Knott bunot na 'yan! Pinaiyak niya ang panget kong best friend!" sigaw ko.

Nakatanggap naman ako ng malakas ng batok.

"Mas panget ka!" sigaw niya.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti, napangiti na rin siya. Niyakap niya ulit ako. "Thank you Zam.."

"Para saan pa ba at naging mag-best friend tayo na parang magkapatid na rin?" nakangiti kong sabi.

"Wag kang mag-alala kakausapin ko yung bunot na 'yon." dagdag ko pa.

"Labas muna ako." paalam ko.

Tumango lang siya at ngumiti.

Ngayon ko na kakausapin si Knott para hindi ko na makalimutan. Lagi ko na lang nalilimutan, eh.

Lumabas ako at pumuntang parking lot. Hiniram ko yung kotse since hindi naman siya aalis don. Atsaka lagi na lang siya yung gumagamit ah.

Nag-text muna ako kay Knott.

To: Knott Bunot (•ω•)
Saan ka?

Hindi ko muna pinaandar ang kotse at naghintay muna sa reply niya. Mga ilang minuto ay nagreply rin ito.

From: Knott Bunot (•ω•)
Nasa Lavigne Company.

What? Nasa Lavigne Company siya? It means kapag pumunta ako don ay siguradong makikita ko si Kace. Makikipagkita na lang ako sa ibang lugar.

To: Knott Bunot (•ω•)
Mag-usap tayo, magkita tayo sa Hansel Coffee Shop, alam mo naman 'yun diba?

From: Knott Bunot (•ω•)
Yeah. Otw.

Pinaandar ko na ang kotse papunta don. Mabuti na lang hindi traffic, umaga pa naman. Mga ilang oras ay nakarating na ako don, nag-park muna ako bago bumababa.

Nakita agad ng mga mata ko si Knott sa gilid. Nagtama ang aming mga mata, (walang spark ha, baka sabihin niyo lol.) Dumeretso ako sa pwesto niya at agad na umupo sa harapan.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong agad ni Knott.

"Easy, order muna tayo. Nagmamadali, eh, may lakad?" inis na sabi ko.

Umismid lang siya at tumayo papuntang counter para umorder. Bumalik siya na may dalang isang frappe, isang kape at dalawang donut.

Napangisi ako. "Naks, libre niya ako."

Hindi siya nagsalita at uminom lang sa kape niya, ako naman ay kumain ng donut.

"Anong pag-uusapan natin?" ulit niyang tanong.

Sumipsip muna ako sa frappe ko bago sumagot at tiningnan siya ng seryoso.

"Pinaiyak mo si Fly." seryoso Kong sabi.

Umiwas siya ng tingin at napabuntong hininga.

"At about don sa phone call? Naalala mo pa? Nung nakikipag-anuhan ka? Akala ko si Fly 'yon, pero hindi pala. Are you cheating?"

Tumingin siya sakin ng malamig, "Yes I am. So what? Are you going to tell her that I am cheating? Then go, kaya mo bang masaktan ang kaibigan mo?" nakangising sabi niya.

Kumulo naman ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi ko aakalain na magiging ganito si Knott! Parang ibang tao siya, hindi ganiyang Knott ang kilala ko.

Napatayo ako dahil sa inis. "What? Sa tingin mo kapag hindi ko sinabi, hindi ba masasaktan rin si Fly! Mas masasaktan siya dahil hindi niya alam. Ano bang nangyayari sayo Knott?!" inis na sigaw ko.

Napatingin samin ang lahat ng tao na nandito. Wala akong pake kahit pagtinginan pa ako o kami. Gusto ko lang ilabas ang galit ko.

Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako. Sabihan niyo na ako ng OA o ng kung ano. Alam kong si Fly ang niloloko dito at nasasaktan, pero nasasaktan rin ako para sa kaniya kaya ganito ako mag-react!

Nakatingin lang sakin ng seryoso si Knott ng may lumapit na isang lalaki sa pwesto namin.

"U-uh excuse me Ma'am and Sir, wag po sana kayong gumawa ng eksena o gulo dito dahil nakaka-istorbo sa ibang customers. Kung magsisigawan po kayo ay pepwedeng sa labas na lang po?" magalang na sabi ng lalaki.

Tiningnan ko siya, naka-uniform rin siya ng katulad sa iba pero iba ang kulay nito, Manager ang nakasulat sa pin name.

"Pasensiya na po." paghingi ko ng paumanhin.

Kinalma ko muna ang sarili at tumingin sa lalaking nasa harapan ko na seryosong nakaupo, umiling ako sa kaniya bago lumabas ng coffee shop.

Pumasok ako sa kotse at pilit pinapakalma ang sarili. Hindi ko talaga alam ang nangyayari kay Knott, pero alam kong may dahilan siya kung bakit niya 'to nagagawa. Pilit ko siyang inuunawaan kahit gustong-gusto ko siyang bugbugin.

Pero sasabihin ko ba kay Fly? Tulad nga ng sinabi ni Knott, hindi ko kaya na makitang nasasaktan si Fly. Hindi ko alam, ang hirap maipit sa pagitan ng dalawa, pareho ko silang kaibigan.

Road To ForeverWhere stories live. Discover now