Chapter Sixteen: Between Celine and Kace
It's 8:45 o'clock in the evening. Nandito parin kami sa Amusement Park. Kumain na kami kanina pa, kaya nagtitingin-tingin na lang kami.
Nakaupo kami sa bench, nakatingin sa langit. May fireworks raw mamayang 10:00 o'clock. Kanina pa kami tahimik, walang nagsasalita.
"What's between in me and Celine is a secret." pagbasag ni Kace sa katahimikan na pumapagitna samin.
Nagtataka ko siyang tiningnan, nakatingin lang siya sa langit. Sikreto lang ang sa kanila ni Celine?
"Yeah, sikreto lang ang relasyon namin. Siya ang may sabi na i-sikreto namin, dahil mahal ko siya pumayag ako kahit labag sa loob ko. I don't know her reason, I didn't asked too." tuloy niya sa pagkwento.
"Bakit hindi mo tinanong?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
He looked at me. "I don't know.. I just don't. I'm okay with it as long as I'm always with her, as long as she loves me.." mahinang sabi niya.
"Minsan nang na-issue kami dahil kalimitan kaming magkasama but when she asked about it, she said I'm just her close friend." dagdag pa niya.
Kita ang lungkot sa mga mata niya. Parang nasasaktan rin ako para sa kaniya.
"Aaminin kong nasaktan ako ng sinabi niya 'yon. Naisip kong.. Why she didn't tell them about us? About our relationship. But then again, I didn't asked."
"I didn't doubt her love for me though, 'cause she always says that she loves me.."
Tumingala siya at kinagat ang ibabang labi, parang pinipigipan niya ang pagluha. I don't know but.. parang mas nasasaktan ako.
"We've been together since college, matagal na rin, pero kahit isa walang nakaalam ng meron samin except Knott. He knows about it, sinabihan niya pa nga na ang tanga ko daw." natatawa niyang sabi.
"Sa tagal ng panahon na 'yon, she always makes me feel that she loves me even though our relationship is a secret."
"I'm happy kasi kahit sikreto lang, masaya kami. Pero isang araw..."
"She broke up with me..." tuluyan ng tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
Hindi ako nagsasalita, nakikinig lang ako.
"Again, I didn't know her reason and I didn't asked." umiiyak na sabi niya.
I don't know but umiiyak na rin ako. Nakakahawa ang pag-iyak niya, kung makikita niyo lang siya. Tahimik akong nakikisabay sa pag-iyak niya.
Tumawa siya, "Nakakabakla, umiiyak ako." sabi niya, pinunasan niya ang mata at mukha niya.
Tumingin siya sakin, nanlaki at nagtaka ang mga mata niya.
"W-why do you crying?" nagtataka niyang tanong.
Umiling ako tsaka tumawa. Hinawakan naman niya ang mukha ko, pinunsan ang luha ko.
"Did I made you cry?" halos bulong na tanong niya.
Umiling ulit ako at ngumiti, "No, nahawa lang ako sa pag-iyak mo." natatawa kong sagot.
"Why didn't you asked?" tanong ko.
"Maybe I'm afraid.."
"Afraid of what? Na malaman ang rason niya? O malaman ang totoo?" tanong ko.
He smiled and shrugged.
"D-do you still love her?" nauutal kong tanong.
Ewan ko pero natatakot ako sa magiging sagot niya.
YOU ARE READING
Road To Forever
HumorRoad to forever? Marami nang nasagasaan d'yan. - Forever Series #1