Chapter 6

22 3 7
                                    

Chapter Six: Zaiden Alejo

Pagkatapos naming mag-usap ni Fly at kumain ay naglakad-lakad pa kami sa mall, tingin-tingin lang. Pagkatapos ay umuwi na rin. Kaya heto ako ngayon, nakahiga ulit.

It's 7:45 pm in the evening. Ang aga pa, wala talagang magawa. Tumayo ako at naghalungkat ng kung ano sa mga gamit ko. Nang may nakita akong isang kahon na nakalagay sa pinaka-ilalim ng drawer.

Kinuha ko ito at tiningnan ang nakasulat. Memories 20xx 'Yan ang nakasulat. May napansin pa akong nakalagay na idinikit na pangalan sa ibaba, Zaiden Alejo...

Binitbit ko ito at umupo sa kama. Napabuntong hininga ako. Itinago ko nga pala ito. Napangiti naman ako. Matagal-tagal na rin pala.

Binuksan ko ito at bumungad ang mga laman. Mga litrato naming magkasama. Merong nasa Amusement Park kami, pati na rin sa ibang lugar. Kinuha ko ang isang litrato, graduation ko 'to nung highschool, naka-akbay siya sakin.

Tiningnan ko pa ang ibang laman. Mga letters niya sakin. Kumuha ako ng isang letter at binasa.

Dear Zamietot my loves,

Hi Zamietot kooo! / bataaaaa! :* bakit ako sumulat ulit? Hmm ewan ko rin eh hahaha. Basta ang alam ko lang ay mahal na mahal kita :) I know na hindi na uso ang mga love letters ngayon pero mas maganda kapag pinaghihirapan diba? Hindi yung itatype mo lang ang message then isang click lang ng send then boom! Natanggap mo na pero dahil ang gwapo ko, eh iba ako :) tsaka gusto mo rin ng ganito diba? Kasi sabi mo gusto mo yung may alaala kang bagay na pwedeng balikan na nakikita. Wala na akong masabi hehehe basta lagi mong tandaan mahal na mahal kita <3 i love you :*

Nagmamahal, (naks haha)
Zaiden the gwapo.

I smiled bitterly. Tumingin ako sa taas, pinipigilan ang luha na bumagsak. Naaalala ko na naman. Bumuntong hininga ako. Ibinalik ko ang sulat sa kahon. May nakita akong kuminang. Kinuha ko 'to sa ilalim, isang gold na kwintas na may pendant na letter Z. Regalo niya 'to nung nag-first monthsary kami. Parehas kaming meron.

Natulala ako habang inaalala kung paano kami nagkakilala.

Nandito ako ngayon sa may tapat ng bahay namin. May bagong lipat sa katabing-bahay namin. Isang nanay at isang binatang lalaki.

Napatingin yung lalaki sa direction ko, ngumiti ito at lumapit sakin.

Road To ForeverWhere stories live. Discover now