Chapter 4

20 3 1
                                    

Chapter Four: Hickey

Nagising ako dahil sa liwanag na sumisilip sa bintana.

Kahit tinatamad ay bumangon ako at nag-inat.

Hindi ako agad nakatulog kagabi dahil sa nangayari. Natulala ako habang inaalala ang nangyari kagabi. Napahawak ako sa labi ko, parang nakalapat pa din ang labi niya.

Napailing ako, "Argh no, 'wag mo ng isipin 'yon Zam okay? Lasing lang siya 'non and he thought na ako si Celine," pagkausap ko sa sarili ko.

After several minutes I decided to get up na and do my morning ritual.

Humarap ako sa aking body mirror. I scanned myself and I was about to tail my hair when something color in my neck caught my attention.

Hinawi ko ang buhok ko na tumatakip. I touched the something on my neck ng mapagtanto ko kung ano 'yon.

"Damn. Hickey."

Dapak. Bakit niya ako nilagyan ng ganito?! Grrrr. Nakakainis talaga siya!

Tinabunan ko ito ng buhok ko para hindi makita pero halata pa din. Damn.

I sighed and decided to go down upstairs.

"Hey let's go," sabi ko kay Fly na nakaupo sa sofa.

"Hey, hindi ka ba muna kakain?"

"Hindi na, sa bahay na lang."

"Okay let's go."

Pupunta nga pala kami ngayon sa bahay ng parents namin.

I sat at the passenger seat while Fly take a driver seat.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Mommy.

Mommy papunta na po ako d'yan. Ihanda niyo na po ang masarap n'yong luto haha I love you. I sent it.

Napatigil ako ng maramdamang hindi pa umaandar ang kotse.

Tumingin ako kay Fly na nakatingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay, "Why? Bakit hindi mo pa ini-start?"

"May hickey ka. Sino may gawa? Si Kace ba?" nakangising sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinakpan ang leeg.

"H-huh? A-anong hickey? Hindi 'to hickey." nauutal na sagot ko.

Tumaas ang kilay niya, "Oh c'mon Zam don't deny it. So si Kace nga? May nangyari ba? Ano?"

"Tch, wala, mag-drive ka na nga." nakasimangot na sabi ko.

Tumawa siya, "Okay sabi mo, eh."

Ini-start niya na ang kotse at pinaandar.

Nakatingin lang ako sa labas ng tumunog ang cellphone ko.

From: Mommy
Yes for my baby, ingat sa daan I love you too.

Pagkatapos ko'ng basahin ay ibinalik ko na ito ulit sa bag ko.

-----

"Bye Fly una na ako." paalam ko habang tinatanggal ang seatbelt.

"Sige, pakimusta na lang kay Tita at Tito."

"Sige bye." sabi ko bago bumaba sa kotse.

Hinintay ko muna s'yang umalis bago buksan ang gate ng bahay namin.

Yung bahay naman nila Fly ay sa kabilang street.

"I'm home!" bungad ko pagkapasok sa bahay.

"Manang Leila, si Mommy?" tanong ko kay Manang Leila—matagal ng kasambahay namin, siya rin ang nag-aalaga sa'kin kapag wala sila Mommy.

"Oh iha mabuti naman at bumisita ka ulit."

Niyakap ko siya, "Oo naman po."

"Ay nasa kusina ang Mommy mo."

Humiwalay ako sa yakap, "Sige po puntahan ko lang po."

Tumango lang ito kaya dumiretso na ako sa kusina.

Napangiti ako ng makita si Mommy na nagluluto habang si Daddy ay tumutulong. Kahit nasa 40's na si Mommy ay hindi pa din kumukupas ang ganda nito dahil siguro sa nakangiti siya lagi. Si Daddy naman ay brusko pa din at maotoridad ang itsura, sa presence pa lang nito ay alam mo'ng makapangyarihan, matanda lang si Daddy ng isang taon kay Mommy.

Lumapit ako sa kanila, "Yiieeh, ang sweet naman." pang-aasar ko.

Napatingin sila sa'kin at napailing.

"Andito ka na pala anak." si Mommy sabay yakap sa'kin.

"Opo, kasabay ko si Fly."

Lumapit naman ako kay Daddy para yumakap at humalik sa pisngi.

"Si Fly? Kailan siya bibisita dito?" tanong ni Mommy.

"Ewan ko po. Umuwi din po siya sa kanila."

"Ay ganon ba? Oh sige, tulungan nyo na ako dito at ihain na sa lamesa."

"So kamusta naman kayo sa bahay niyo anak?" Mommy asked when we started eating.

Kumuha ako ng sinigang na paborito ko, "Okay naman po."

"Are you friends with Kace Hunter Lavigne?" Daddy asked.

Napatigil ako sa pagkain, "U-uhm, hindi po pero si Knott, mag-bestfriend sila."

"Really? I didn't know that."

I nodded. "Bakit niyo pala siya kilala?" taka kong tanong.

"Of course I know him. He's the CEO of the Lavigne Corporation, the famous and number one company nationwide."

Shookt. Naalala ko na! Kaya pala parang pamilyar siya, hindi naman kasi ako into business kaya hindi ko alam.

"Yeah. And well, sikat din naman siya kahit hindi pa siya CEO. Like, look at his face." nakangiting sabi ni mommy.

Napangiwi ako, "Yeah right."

"I thought kaibigan mo siya."

Umismid ako, "Baka enemy kamo." bulong na sabi ko.

Mukhang hindi nila narinig dahil tahimik lang sila at kumakain.

Umiinom ako ng tubig ng bigla magtanong si mommy, "Is that a hickey?"

Nabuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa gulat at dali-daling tinakpan ang leeg. "H-ha? Anong h-hickey?" painosenteng tanong ko.

Nakangiting napailing-iling si mommy habang si daddy naman nakakunot ang noo, "Who did that?" seryosong tanong ni daddy.

Napalunok ako. Shit. Nakakatakot talaga si daddy kapag ganitong seryoso siya. " U-uhm, hehehe hindi po ito hickey."

"Then what?"

"U-uhh... Ip-pis. Ah! Tama! Kinagat ng ipis hehehe."

Juskooo. Bakit ipis pumasok sa isipan ko?

Seryoso pa din na nakatingin sa'kin si daddy.

"Honey, 'wag mo ng kagalitan si baby Zam. Malaki na naman siya." pang-echos ni mommy kay daddy.

Malaki na daw, pero baby pa din tawag sa'kin. Ano? Baby damulag? Pfft.

Napabuntong hininga na lang si daddy, "Alright then."

Ngumiti naman sa'kin si mommy. I smiled back.

"Hehehe akyat po muna ako sa kwarto ko." paalam ko bago tumayo.

Tumango lang sila sa'kin kaya umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto ko.
Humiga agad ako sa kama pagkapasok ko. Huhu na-miss ko ang aking kama. Nakipagtitigan ako sa kisame ng ilang segundo bago ako dinalaw ng antok.

Road To ForeverWhere stories live. Discover now