Chapter 10

7 3 5
                                    

Chapter Ten: Bakit ganito?

Tahimik lang kami dito sa loob ng kotse niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, ang dilim, tanging ilaw lang ng mga sasakayan ang nahbibigay liwanag. Traffic pa ata dahil mga ilang minuto na kami nakatigil dito.

Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya naman napatingin ako sa kaniya, nakatingin lang siya sa unahan.

"Kumain ka na?" kalmadong tanong niya.

Pagkasabi niya non ay bigla namang kumulo ang tiyan ko. Hala, gutom ba ako? O papansin lang 'tong tiyan ko. Kung sabagay hindi pa pala ako kumakain.

"U-hh hehe.." nahihiyang tawa ko.

Tumingin siya sakin ng seryoso pagkatapos ay umismid lang at pinaandar na ang kotse.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Ang haba ng eye lashes niya, ang tangos ng ilong, tapos yung lips niya.. pulang-pula.. And his perfect jaw line na naka-clenched. Magkasalubong rin yung kilay niya na parang galit.

Napansin kong hindi papunta sa bahay namin ang daan na tinatahak namin kaya nagtaka ako.

"Saan tayo pupunta? Hindi dito ang daan papunta sa bahay."

"Sa condo ko."

Nanlaki ang mga mata ko, "H-huh? Sa c-condo mo? Anong gagawin natin don?"

Hindi siya sumagot. Jusko, ano bang gagawin namin don? Bakit hindi niya na lang ako ihatid sa bahay. Hindi ko pa pala nakausap si Knott, argh! Nakakainis yung bunot na 'yon.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa isang mataas na building, condominium. Nag-park siya, pagkatapos ay bumaba kami. Hinatak niya ako papunta sa entrance. Kanina pa 'to hatak ng hatak ah.

Sumakay kami sa elevator, kaming dalawa lang ang tao. Hindi niya parin binibitawan ang braso ko.

"Ano ba kasing gagawin natin sa condo mo?" naiinis na tanong ko.

Tumingin siya sakin at ngumisi, "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng isang babae at isang lalaki sa condo?" nakangising sabi niya.

Napalunok ako at napakagat sa ibabang labi. Ano nga ba? Jusmiyo, kinakabahan ako. Ayaw pa kasing sabihin, eh!

Hindi na ako nakasagot dahil biglang bumukas ang elevator at hinatak na naman niya ako, tch. Tumigil kami sa isang pinto, unit 365. Binuksan niya ito at naunang pumasok. Nilingon niya ako ng hindi ako pumapasok.

"Pasok." seryosong sabi niya.

"U-uwi na a-ako." kinakabahang sagot ko.

Bakit ba ako kinakabahan? Alam ko namang wala siyang gagawin sakin na masama, siguro.

Tiningnan niya ako na parang binabasa ang isip ko tsaka siya napangisi, at hinatak ako papasok. Hindi ako naka-angal dahil sa gulat. Sinandal niya ako sa pinto, sobrang lapit ng mukha niya. Tinitigan niya ako kaya naman napaiwas ako ng tingin, nanlalambot ako kapag tinititigan niya ako ng ganiyan.

"What are you thinking?" bulong niya sa may tenga ko.

Napalunok ako, "A-anong iniisip ko? W-wala.." kinakabahang sagot ko.

Linapit niya pa ang mukha niya sakin kaya tumingin ako sa gilid.

"Talaga?" nakangising tanong niya.

Pinagtitripan niya ako! Argh! Nakakainis. Wala naman akong iniisip ah. Wala talaga tch.

Inis akong humarap sa kaniya na dapat pala ay hindi ko ginawa dahil nagdikit ang mga labi namin! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla. Tumingin ako sa mga mata niya, seryoso lang itong nakatingin sakin.

Road To ForeverWhere stories live. Discover now