Chapter 15

3 1 0
                                    

Chapter Fifteen: Boyfriend-Girlfriend

Kanina pa kami dito sa kalsada, parang walang patutunguhan. Saan ba kasi kami talaga pupunta?

I sighed. "Kace, saan ba talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo paikot-ikot." I lazily said.

"I don't know..." he whispered.

Napanganga naman ako. So all this time, wala talagang patutunguhan 'to? Bakit niya pa ako niyaya kung hindi naman pala niya alam kung saan pupunta!

And it's already 12:30 for pete's sake! I'm hungry already, siya? Hindi ba siya nakakaramdam ng gutom? Ibang klase.

I looked at him, "Let's eat, I'm hungry already. Wala ka bang balak pakainin ako?" inis na sabi ko.

He sighed and laughed softly. "Okay, I'm sorry."

I rolled my eyes at hindi na nagsalita pa. Baka mas mainis pa ako sa kaniya. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana, maaraw na hindi tulad kanina na kulimlim.

-----

Nandito kami ngayon sa Tammy Grills, malapit sa sea side. Marami-raming ang tao, dahil siguro masarap ang mga pagkain tsaka maganda ang tanawin.

Umupo kami sa pandalawahang upuan, may lumapit namang isang babae para kuhanin ang orders namin.

"What do you want to eat?" tanong ni Kace habang tumitingin sa menu.

Tumingin rin ako sa menu, mga grilled foods pala, meron rin namang tulad ng pinakbet.

"Ikaw?" tanong ko kay Kace dahil wala akong mapili.

Tumingin siya sakin ng nakanganga at namumula ang mukha. Taka ko siyang tiningnan, bakit namumula 'to? Ah, baka naiinitan.

"M-me?" halos bulong na tanong niya.

I nodded. Ano bang nangyayari kay Kace? Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realized ang sinabi ko, pero imbes na mahiya ay napangisi ako. Ah, so kaya pala ganiyan ang itsura niya dahil akala niya siya ang gusto kong order.

"Oo, ikaw." seryoso kong sagot.

Nakita kong napalunok siya at mas lalong namula ang mukha niya. Tumingin siya sa babaeng naghihintay ng order namin.

"U-uh, t-two grilled f-fish and pork with r-rice, t-that's it." nuutal niyang sabi.

Tumango ang babae at umalis. Tumingin ako sa lalaking nasa unahan ko. Gusto kong tumawa dahil sa itsura niya, namumula at hindi makatingin sakin ng diretso.

"Kace... Bakit ka namumula? Masama ba pakiramdam mo?" kunwaring nag-aalalang tanong ko, pero gusto ko na talagang tumawa.

Tumikhim siya, "U-uh.. N-no, I'm okay..." nauutal na sagot niya.

Dapak, yung itsura niya talaga parang natatae na ewan.

Inilapit ko sa kaniya yung mukha ko at tiningnan siya, feeling concern. Hinawakan ko ang kabilang pisngi niya.

"Sigurado ka? Look, namumula ka at pinagpapawisan." sabi ko sa concern na boses.

Tumingin siya sakin at napalunok ulit. Tiningnan ko rin siya ng maigi, yung mga mata niya nakaka-hypnotize.

Nakita ko siyang tiningnan ang labi ko, ako naman ang napalunok dahil don. Sobrang lapit ko pala.

"I'm o-okay... J-just.. Please sit down." napapaos niyang sabi sabay buntong hininga.

Tumikhim ako at umupo ulit. Dumating na naman ang pagkain namin. Nagsimula na akong kumain at hindi na siya pinansin pa, parang ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa ginawa ko kanina.

Tiningnan ko siya, okay na yung itsura niya, hindi katulad kanina na parang natatae. Napatingin rin siya sakin kaya napaiwas agad ako ng tingin.

-----

Nandito naman kami ngayon sa Amusement Park. Ako ang nagyaya sa kaniya dito, nung una ayaw niya kasi boring raw pero tingnan mo nga naman, tawa ng tawa ngayon.

"The fuck! Ang epic ng mukha mo kanina sa roller coaster." natatawa niyang sabi, halos maglupasay na siya sa sahig.

Inirapan ko siya. Kababa lang namin sa roller coaster, at eto siya pinagtatawan ako, tch. Akala mo namang hindi epic ang mukha niya kanina.

"Bakit ikaw?! Epic rin naman mukha mo." naiinis na singhal ko.

Umupo ako sa isang bench, tumabi naman siya sakin na nagpipigil ng tawa. Ngayon ko lang siya nakitang ganito tumawa ng grabe, kaso ako ang pinagtatawanan niya!

"Sorry. Natatawa talaga ako." nagpipigil parin niyang tawa na sabi.

Hindi ko siya pinansin, bahala siya d'yan. Ayaw pang ilabas ang tawa, baka kung saan pa lumabas 'yon, kapag ganon ako naman ang tatawa.

Hapon na kaya maraming tao, kanina pa nga kami pinagtitinginan ng mga tao dahil dito sa kasama ko. Tawa ng tawa o dahil baka nakilala nila, wala naman akong pake.

Sinundot niya ang tagiliran ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Are you okay?" tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo, okay lang ako." naiinis na sagot ko.

He laughed softly bago tumayo. "Wait here, I'll buy some foods and water." sabi niya bago umalis.

Naiwan akong mag-isa dito ng may lumapit na dalawang babae. Tiningnan ko sila ng nakataas ang isang kilay.

"Hi! Boyfriend mo ba 'yon? Si Kace Hunter Lavigne?" kinikilig na tanong nila.

Mas lalong napataas ang kilay ko dahil sa tanong nila. Mukha bang boyfriend ko si Kace?

"Hin---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may sumingit.

"Yes, boyfriend niya ako, girlfriend ko siya." nakangiting sagot niya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago tumingin ulit sa dalawang babae na nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Kace.

Lumapit sakin si Kace at umakbay habang may hawak na pagkain sa kabilang kamay.

"Talaga? Unfairness bagay kayo!" kinikilig na sabi nila.

Napangiwi ako. "Hindi ko naman---" naputol na naman ang sasabihin ko ng takpan ni Kace ang bibig ko.

"Bagay talaga kami." nakangiting sabi niya bago kumindat sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin at nagpumiglas.

"Hihi, sige alis na kami, baka maka-istorbo pa kami sa date niyo." nakangiting sabi nila bago umalis.

Nang makaalis sila ay saka ko kinagat ang kamay ni Kace na nakatakip sa bibig ko dahil para bumitaw siya at masaktan.

"Fuck!" he cursed before glared at me.

I glared at him too. Padabog kong kinuha ang pagkain sa kaniya at umupo ulit.

Sumunod naman siya habang himas-himas ang kamay niyang kinagat ko.

"Bakit mo sinabing boyfriend kita at girlfriend mo ako?!" inis kong tanong bago kumagat sa burger.

"What? Totoo naman ah?" sagot niya.

"Anong tooo?!"

He sighed. "Boyfriend- lalaking kaibigan, girlfriend- babaeng kaibigan." kibit balikat niyang sagot.

Inis akong tumingin sa kaniya, "What?! Eh, hindi ganon ang pagkakaintindi nila! Sana in-explain mo muna sa kanila." singhal ko.

Ninguya niya muna ang burger bago sumagot. "Hayaan mo na, mas okay ngang ganon ang pagkakaintindi nila, eh." nakangising sagot niya.

"Paano si Celine? Alam nilang kayo ni Celine! Pagmumukhain mo pa akong third party." inis na sabi ko.

Sumeryoso naman ang mukha niya sa sinabi ko, napaiwas ako ng tingin. Bakit kapag pinag-uusapan o nababanggit si Celine, sumeseryoso siya?

Hindi siya sumagot kaya tumahimik na lang rin ako. Kumain kaming dalawa ng tahimik, walang nagtatangkang magsalita.

Road To ForeverWhere stories live. Discover now