Chapter Twelve: Sorry na, bati na tayo.
Hindi ako sa bahay namin ni Fly umuwi, sa bahay nila Mommy at Daddy ako dumeretso.
Itinigil ko na ang pag-iyak kanina dahil himdi ko naman alam kung para saan ba 'yon. Napagkamalan pa ako ni manong driver na broken hearted.
Bumungad sakin ang isang chandelier na kumikinang ng pakapasok ako sa loob.
Napatingin ang ibang kasambahay sakin, hindi siguro nila inaasahan ang pagpunta ko, kung sabagay biglaan talaga.
Lumapit ako sa isang kasambahay na naglilinis, "Asan po si Mommy?" magalang na tanong ko.
"Nasa hardin po."
Tumango ako at nagpasalamat. Naglakad ako patungo sa garden namin. Nandon nga si Mommy nagdidilig ng mga halaman.
Napangiti ako at dahan-dahang lumpit. Nang makalapit ako ay niyakap ko siya sa likod.
"Baby Zam?" mahinahong tanong niya.
"Payakap lang po ng saglit."
Mga ilang minuto ay bumitaw na rin ako. Humarap naman si Mommy ng nakangiti. Ang ganda talaga ni Mommy, ang amo ng mukha niya.
Hinawakan niya ang pisngi ko, "Anong ginagawa mo dito? May problema ba?"
Ngumiti ako at umiling.
"Na-miss ko lang po kayo."
Napangiti naman siya at siya na mismo ang yumakap sakin.
"Ikaw talaga, naglalambing ka na naman." natatawang sabi niya.
"Teka, nag-merienda ka na ba? Ipaghahanda kita." tanong niya ng maghiwalay kami sa yakap.
Tumango na lang ako at sumunod papunta sa kusina.
Kay Mommy ko siguro namana ang pagluluto, magaling kasi siyang magluto though isa siyang graduated fashion designer. Tinanong ko nga si Mommy kung bakit hindi pagluluto ang kinuha niyang kurso noon, sagot naman niya ay hobby niya lang ang pagluluto, at mas gusto niyang mag-design.
"Oh ito kumain ka."
Inilapag ni Mommy ang platito na may palitaw at isang baso ng juice. Tumango ako at nagsimulang kumain.
"Si Daddy po? Nasa trabaho po?" tanong ko habang kumakain.
Tumango ito, "Oo, alam mo naman." nakangiting sagot niya.
May kompanya rin kasi kami though hindi masyado malaki. Kaya laging busy si Daddy pero may oras parin naman siya samin ni Mommy.
"Doon muna ulit ako sa garden ha? Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka."
I nodded and smiled.
Umalis na si Mommy kaya naiwan akong mag-isa dito sa kusina. Dito na lang muna pala ako matutulog.
Iniligpit ko ang pinagkainan ko at umakyat sa kwarto upang matulog muna saglit.
-----
Nagising ako ng marinig ang cellphone kong tumutunog. Bumangod ako at tiningnan ang oras, 8:45 na? Ang tagal kong nakatulog.
Kinuha ko ang tumutunog na cellphone ko. Si Fly tumatawag, sinagot ko ito.
"Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan?! Bakit hindi mo sinasagot?! Don't tell me tulog ka na naman?! Jusmiyo Zamie! Nag-aalala ako sayo! Naisipan kong tawagan si Tita kaya nalaman kong nandiyan ka pala!" mahabang bungad ni Fly.
YOU ARE READING
Road To Forever
HumorRoad to forever? Marami nang nasagasaan d'yan. - Forever Series #1