Chapter 11

4 1 0
                                    

Chapter Eleven: Sila na ulit?

"Hoy! Earth to Zam," sigaw ni Fly.

Natauhan naman ako kaya napatingin ako sa kaniya. Nakakunot ang noo niya.

"Huh? Ano 'yon?" takang tanong ko.

Umirap siya, "Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig! Ano bang nangyayari sayo? Ilang araw ka ng ganiyan!" inis na bulyaw niya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko nga rin alam ang nangyayari sakin, eh. Simula nung nangyari sa condo, hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap ni Kace, though lagi siyang nagtetext o tumatawag pero hindi  ko sinasagot. Ewan ko ba, hayst. Hindi niya rin naman ako pinupuntahan, busy siguro siya. Hindi sa gusto kong puntahan niya ako, tch.

"Oh, ano? Baka naman nagshashabu ka ng hindi ko alam! Nako, Zam sinasabi ko sayo ha." OA na sabi niya.

Napangiwi ako at napailing na lang.

"Wala naman. Wag kang OA."

"Ano ba kasing nangyayari sayo? Simula ng umuwi ka nung isang gabi, ganiyan ka na. Akala ko ba walang sikreto sa isa't isa?" natatampo niyang sabi.

Pinanliitan ko siya ng mata, "Ikaw. May hindi ka rin sinasabi sakin ha! Ano?"

Kumunot ang noo niya at umiwas ng tingin, "Wala ah.. Ano namang isisikreto ko?"

"Sus. Alam kong may problema kayo ni Knott." seryosong sabi ko.

Isa pa yung Knott na 'yon! Hindi ko parin siya nakakausap hanggang ngayon. Sa dami ng iniisip ko, nakakalimutan ko na. Nako naman talaga. Stressed na agad ako.

"Wala.. wala kaming problema." mahinang sagot niya. "Iniiba mo lang yung usapan, eh!" sigaw na dagdag niya.

Hindi ko siya pinansin at tumayo ako para tingnan ang mga kumakain sa labas. Nandito kasi kami sa restaurant.

"Hoy! Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita!" sigaw niya.

"Malayo sayo, sa isang OA!" sigaw ko pabalik.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, lumabas na agad ako. Maraming kumakain, pero napansin kong may nagkukumpulan sa isang table. Napakunot ang noo ko at lumapit sa isang waiter.

"Sino yung nandon? Ba't nagkukumpulan ang mga tao?" tanong ko.

"Uhh, model po, si Celine Latrell po kasama yung matagal na niyang boyfriend, si Kace."

W-what? Nandito sila? Aba't argh! Bakit dito pa sila kumain kung magdedate sila, tch. Teka, ano naman pala kung dito? Aish! Sila na ba ulit? Oh, baka naman kasi hindi talaga sila nag-break, cool off lang ata. Ewan! Naiinis ako.

Tumango na lang ako at nagpasalamat.

Lumabas si Fly mula sa office at nagtatakang tumingin sakin.

"Oh, bakit ganiyan itsura mo? Galit ka teh? Kulang na lang maging isa ang kilay mo sa pagkakasalubong." natatawang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "I'm not mad. Tsaka walang nakakatawa!" inis na sabi ko.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya at tumawa, "Oh, easy. Meron ka ba ngayon?"

Hindi ko siya pinansin at papasok na lang ulit sana sa loob ng pigilan niya ako.

"Si Kace 'yon diba? Tapos si Celine na model? Tara puntahan natin."

Hinawi ko ang kamay niya, "Tch, ikaw na lang kung gusto mo."

Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinatak ako. Gusto ko pa sanang umangal pero nasa harapan na nila kami. Wala na yung mga tao kanina.

"Hi Kace!" feeling close na bati niya.

Hindi ako tumitingin sa unahan, nakayuko lang ako.

"Hi Flynn." bati rin sa kaniya ni Kace.

"Hehe, upo kami ha?" walang hiya na sabi ni Fly.

Umupo siya kahit hindi pa sumasagot si Fly. Jusmiyo, nagtanong pa. Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa niya, eh.

"Huy, ano Zam tatayo ka lang d'yan? Upo ka." sabi ni Fly sabay hatak sakin kaya napaupo ako sa tabi niya.

Kinurot ko ang tagiliran niya, "Ano ka ba? Nakakahiya, iniistorbo natin sila." bulong ko kay Fly.

"No, it's okay." sagot ni Kace, narinig niya ata ako.

Tumango na lang ako at umayos ng upo, hindi ko parin siya tinitingnan.

"Celine, this is Flynn girlfriend ng best friend kong si Imperial." pakilala ni Kace.

"Hi Celine!" feeling close na naman na bati ni Fly.

Ngumiti si Celine, "Hi.."

"And this is.. Zamie.. frenemy ko..."

Napatingin na ako sa kaniya, seryoso ang mga mata niya, lagi naman. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tumingin kay Celine na seryoso ring nakatingin sakin.

Ngumiti ako ng pilit, "Hi.. pasensiya na nga pala talaga kung iniistorbo namin kayo hehe."

She smiled. "It's okay."

Tumikhim si Kace, "They are the owner of these restaurant."

Tumango lamang si Celine, nakayuko naman ako. Shocks nahihiya talaga ako.

"Kayo na ba ulit?" usiserang tanong ni Fly.

"Uhm yeah." malamig na sagot ni Kace habang nakatingin sakin.

Minsan pala may pakinabang rin ang pagiging feeling close at pagiging chismosa ni Fly. So sila na ulit? Hayst.

"Masarap ba yung pagkain?" pagiiba ng usapan ni Fly.

Sa aming apat, siya lang yung madaldal. Jusmiyo, wala talagang hiya sa katawan niya.

"Yeah, masarap siya pero mas masarap parin magluto si Kace." nakangiting sabot ni Celine sabay lingkis kay Kace.

Kung makalingkis parang ahas, akala mo namang aagawan. Eh, bakit ba kasi ako react ng react?

"Talaga? Marunong kang magluto Kace?" tanong ni Fly.

"Yeah." tipid niyang sagot.

I looked at him, nakatingin rin 'to sakin ng seryoso. Jusmiyo, bakit niya ba ako tinitingnan?! Umaalma na naman yung puso ko, eh! Tinitigan ko rin siya pero napaiwas rin agad, napangisi naman siya dahil don. Hindi ko kayang tagalan ang mga mata niya.

Ayoko na. Ayoko na talaga. Parang maiiyak ako ng dahil sa ewan. Yung puso ko... bakit ganito?

Tumayo ako kaya napatingin sila sakin.

"Bakit Zam?" nag-aalalang tanong ni Fly.

Tumingin ako sa kaniya, umiling at ngumiti ng pilit.

"Uuwi na ako, masama pakiramdam ko."

Masama talaga pakiramdam ko. Hindi ko alam pero parang babagsak ang luha ko anytime.

"Huh? Teka, hatid na kita." nag-aalala paring sabi ni Fly.

Umiling ako, "Wag na. Okay lang ako..."

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Kahit ganiyan naman si Fly, mahal na mahal ako niyan, ganon rin ako sa kaniya.

Nagpaalam ako sa kanila, nakita ko pang seryosong nakatingin sakin si Kace, na may isang kung anong emosyon ang nasa mata niya, hindi ko na pinansin 'yon.

Umalis na ako at nagpara ng taxi. Pagkasakay na pagkasakay ko ay tumulo ang luha ko.

Hindi ko alam kung para saan at anong dahilan nitong luha ko. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang puso ko... Alam kong naranasan ko na ito.. Pero hindi ko alam kung tama ba...

Road To ForeverWhere stories live. Discover now