Chapter 5

20 3 5
                                    

Chapter Five: Thank you and sorry


Kruuuu, kruuuu, kruuuu. (ringtone 'yan lol)


Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Sinagot ko 'to ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Hello?" inaantok na sagot ko.

"Zamieeee! Ano? Tulog ka na naman?"

"Bakit ba?"

"Wala lang hehe."

Napabangon ako, "What? Tumawag ka at inistorbo mo ang tulog ko tapos wala lang?!" inis na sagot ko.

"Sorry na. Boring kasi dito sa bahay."

Napabuntong-hininga ako, "Kung sabagay ang boring rin dito.

"Punta tayong mall?

"Uhm? Sige."

"Sige wait mo ako d'yan. Adios!"

2:25 pm na pala. Inaantok pa ako kainis kasi si Fly, eh. Tumayo na ako at nagbihis. Isang fitted jeans at off shoulder and syempre sapatos. I put a light make up and tailed my hair into messy bun then charan! Tapos na.

Bumaba na ako pagkatapos. Nakita ko naman sila mommy at daddy sa sala kasama si Fly.

"Andito ka na agad." sabi ko pagkapunta sa kanila.

"Syempre ako pa ba." natatawang sagot niya. "Naipagpaalam na rin pala kita." dagdag pa niya.

I nodded at tumingin kay mommy at daddy, "My, Dy, alis na po kami." paalam ko sabay halik sa pisngi nila.

"Sige ingat kayo ah."

"Oo naman po tita hihi." sagot ni Fly. "Bye tita and tito." paalam niya.

Ikinawit ni Fly ang kamay niya sa braso ko, "Tara let's na."

Lumabas na kami at sumakay ng kotse. Ako sa driver's seat kasi ako naman ang magda-drive. Ini-start ko na ang makina at pinaandar na.

"So, anong gagawin natin sa mall?" tanong ko habang nasa unahan ang tingin ko.

"Uhmm, kain muna tayo tapos tingin-tingin."

"Okay."

Tahimik naming tinahak ang daanan hanggang sa makarating kami sa mall. I park the car in parking lot of course.

"So, where do you want to eat?" tanong ko pagkapasok namin sa mall.

"Sa Japanese Restaurant na lang."

We started to walk as we examined the other people. "Bakit pala hindi na lang sa resto natin tayo kumain, libre pa." natatawang sabi ko.

Hinampas niya ako, "Gaga!" natatawa rin niyang sabi.

--- Restaurant ----

"Good afternoon Ma'am. Table for two?" tanong ng waitress na sumalubong sa'min pagpasok sa restaurant.

Malamang table for two alangang 3 o 5? Kita namang dalawa lang kami. sa isip-isip ko.

"Yes please." si Fly na sumagot.

"This way po Ma'am." assist sa'min ni Ate Hailey-- nakita ko sa name plate niya hehehe.

Umupo na kami sa ibinigay niyang upuan. At tumingin sa menu. Nandito parin si ate para kunin ang order namin.

Road To ForeverWhere stories live. Discover now